CHAPTER 65: Eurie's Sacrifice

133 21 2
                                    

Eurie's POV

"Huh? Bakit, anong meron?" Nagtatakang tanong ni Kael sa'kin. "Kung ano man 'yan, nandito si Kael na kaya ang lahat." Kael bakit ka ba gan'yan… bakit masyado kang kumpiyansa sa sarili mo. Sa totoo lang, sobra akong natatakot para sa lahat.

"D-delikado tayo…" Mahina kong sambit sa hangin. Hindi ko na magawang makapagpokus sa laban at maibunto ng maayos ang aking sarili sa sitwasyon dahil nauunahan ako ng pagaalala.

"...! Huh?!"–Nathalia.

Sa pagiging alisto ni Nathalia sa paligid, mabilis niyang napansin ang bumabagsak na palaso papunta sa kanya kung kaya't kaagad niyang sinimulan magsambit ng spell para sa kanyang proteksyon ngunit hindi niya napantayan ang bilis ng pagtama ng nasabing bagay.

At bago pa man niya masambit ang kailangan niyang i-cast ay kaagad na tumama sa kanyang dibdib at tumusok dito ang palaso na nagmula sa kalaban.

Natigilan ako at naisigaw ko ang pangalan niya dahil sa sindak.

Kaagad naman akong tumakbo papalapit kay Nathalia upang tulungan s'ya samantalang may iba pang palasong paparating kaya minabuti kong magingat at umiwas sa mga ito. Pero sa palagay ko walang nagpupuntirya sa'kin.

"Rawwr…!" Rinig kong sigaw ni Maria na alaga ni Kael.

Napalingon ako sa kinalulugaran nila at tiningnan kung ano ang nangyayari sa kanilang sitwasyon. "Wahh! Maria…" Ani Kael.

Nakita ko na bumagsak sa lupa si Kael mula sa pagkakasakay nito sa kanyang alaga at kung paano prinotektahan ni Maria ang kanyang amo. Sinalo ni Maria ang palaso na tatama sana sa lalaking 'to at bumaon sa kanyang katawan at sinundan pa 'to ng ilan.

"Kael… magiingat kayo…" Mahina kong sambit.

Nakadagaan si Maria kay Kael at ginagawa talaga n'ya para sa amo niya upang 'di masaktan ito… "Maria…" Mahina nitong sambit rito na ramdam ko 'yung lungkot mula sa kanya.

Kagaya ni Kael, nakakaramdam din ako ng lungkot para sa lahat… bakit nangyayari ito sa kanila. Siguro kung hindi lang dahil sa akin madali nilang malalaban ang nagaanyong ako…

Isa pa… lalo akong nangangamba kung 'yong ginagawa nila'y para sa'kin.

<Burning Rama>

Habang nakikita ko ang lahat ng nagaganap sa paligid, narinig ko ang pagcast ni Kye ng skill. Napatingin ako at kasabay nito, mabilis siyang nagkaroon ng mga baluti sa katawan na gawa sa apoy at binalot s'ya ng kulay kahel na awra.

Konting segundo lang ang naganap, tumama sa kanya ang mga palaso, pero hindi lang isa, marami pa ang sumunod at sa palagay ko siya ang pinakangpuntirya ni Devora.

"Kye…"

Habang patuloy ang sunod-sunod na pagtama sa kanya, natutunaw ang ilan sa mga ito sanhi ng init ng kanyang baluti at 'di na nagagawa pang tumama kay Kye, kung tumama man ay mahinang puwersa lang at hindi na masyadong makaminsala.

Pero gano'n pa man, kita ko na sa kanya ang panghihina…

Mas dumami pa ang mga nakakarating sa kanya at mas bumilis ito kumpara kanina. "Tskk!" Rinig kong daing niya.

Kumpara dati, mas nakita ko kung paano siya lumakas. Ang laki na ng kanyang pinagbago mula no'ng huli ko siyang nakasama humigit limang taon na siguro ang nakakalipas. Hanggang ngayon pinapatunayan niya sa kanyang sarili na hindi siya patapon, mahina at duwag. Alam kong marami s'yang magagawa, pero Kye… mas gusto kong makita kang ligtas, silang lahat.

Ilang saglit pa'y hindi na kinayanan ng depensa ni Kye ang lahat ng atake, bukod sa mahina na ang katawan niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang nagiba ang kakayanan niya. Sa pagkakaalam ko, madalas hindi basta-basta nanghihina ang kagaya nilang mga martial artist dahil sa kanilang mga pamamaraan ng paggamit nito.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon