CHAPTER 34: History of Redthiem

347 46 2
                                    

Lass's POV

Avadean Ocean, Davenport's Pirate ship, Lass' room.

"Unang libro, ang "Redthiem: Isle of Gods"" sambit ko matapos buksan ang pabalat ng libro.

Hay... Napakadami kong babasahin ngayon, hindi kaya abutin pa 'ko ng gabi matapos lang basahin ang lahat ng librong ito. Umaasa ako na kahit paano may makukuha akong inpormasyon tungkol sa pinanggalinang ni Kael.

Pero 'di bale na, lalabanan ko ang katamaran ko ngayon sa pagbabasa. Para naman 'to sa kaibigan ko kaya pipilitin kong gawin...

Sana naman meron itong buod para madali kong mabasa, mga lugar at uri ng mga nilalang lang naman ang kailangan ko. Ang kasaysayan din pala, ang pinakamahalaga sa lahat

Binuklat ko pa ito sa paraang madali, 'yung tipong hindi ko na kailangang isa-isahin ang bawat pahina para lang makita ang lahat ng nilalaman, basta bahala na kung saan ako mapapatak.

Nakakatamad... hindi ko masyado gusto ang ginagawa ko!

"Ha!" Sigaw ko para naman magkaroon ako ng konting enerhiya.

Bakit kasi wala 'tong talaan ng mga nilalaman, anong klaseng libro 'to?

Habang pinapalipad-lipad ko lang ang mga pahina ng aklat ng paulit-ulit, bigla akong napatigil sa isang bahagi kung saan nakita ko ang kabuuang mapa ng Redthiem na nakaguhit sa papel.

"Hm? Ito na siguro 'yong hinahanap ko." Mahina kong sabi.

Pinagmasdan ko ito at pinagaralang mabuti ang mapa. Maliit lang ito kung titingnan sa mapa, hindi ko estima kung gaano ito kalaki. 'Pag ihahambing naman sa ibang kontinente pangalawa ito sa pinakamaliit, mas malaki kaysa sa Greyland. Nakapaikot ang lupa nito na lumalabas na paarko ang hugis pero may butas sa gitna at hati sa bahaging timog at mapapansin din ang nagiisang lupain sa gitnang bahagi.

Nahahati ito sa pitong rehiyon at ang mga pangalan nito ay nakasunod sa pangalan ng mga tagapagbantay o ang mga guardian na kinikilala naming mga Diyos dito sa Levorania.

Medyo kabisado ko na ang mapang ito, pero hindi ko alam ang buong detalye ng bawat bahagi ng continente. Basta ang alam ko lang dito ang mga pangalan, kagaya ng Harnidem na nasa pangangalaga ng tagapaggabay o ang Guardian of Guidance. Panglawa ang Alea na kumakatawan sa Balanse. Ang Coda sa oras, ang Hadom ay sa kaalaman. Ang Ionia ay lupain ng tagapagbantay ng kalangitan habang ang Arthinem naman ay pagmamayari ang tagapagbantay ng buhay. At ang panghuli... ang As'wrat kung saan pagmamayari ito ng tagapagbantay ng kamatayan.

Natatandaan ko pa no'ng huling gabing nagkasama kami dito sa barko. Ipapaliwang ko na sana kay Kael ang tungkol sa Redthiem pero hindi na niya ako pinakinggan at mas pinili nalang niyang matulog kasi wala naman daw posibidad na sa continenteng iyon siya magmula.

Sino ba nga naman ang maniniwala na dito sa Redthiem ipinapanganak ang mga pangkaraniwang nilalang na kagaya niya. Oo may pagtataka ako sa lalaking 'yon, pero hindi naman sobra na aabot daw sa kaya niyang gawin kung saan ang 'pagwasak ng mundo.' No'ng una pa lang nahihiwagaan na ako sa kanya, hindi ko lang talaga maintindihan.

Kung sabagay, sa ngayon mukhang may posibilad na anak siya ng kung sino man na nagtataglay ng malakas na kapangyarihan sa Redthiem. Sa pakiwari ko lang naman 'yon, hindi ako sigurado.

'Yon pa lang ang alam ko tungkol dito. Pero sa nakikita ko... mukhang wala naman ditong makukuhang impormasyon. Isa itong atlas kaya halos lahat ng mga nakaguhit ay mapa lang ang laman, kung may babasahin man, mga pangalan lang ng lugar.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon