CHAPTER 55.1: Seperate

152 36 7
                                    

Lass' POV

Sa dinami-dami ng malas na pagkakataon bakit ngayon pa kung kelan payapa na ang kalagayan namin. Hawak ako ng isang gagong magician, siguro at pilit akong pinaamin sa bagay na alam kong magpapahamak sa isang tao mahalaga sa'kin.

"Sige na pirata sabihin mo na ang totoo, saan mo dinala ang prinsesa, si Heildygard nasa'n siya?" Wika ng isang lalaking may malaking katawan at hawak na malaking libro na marahil isang spell book.

"Hindi ko alam, wala akong ala–ackkk" Naputol kong wika matapos niyang tapakan ang aking likod at bumagsak ako sa lupa kasabay ng pagdura ko ng kaunting dugo. Tumawa na lang ako para maasar pa sila.

Nagdurugo na ang ilong ko sa pambubugbog sa'kin ng estrangherong ito na naghahanap kay Heildygard. Hindi ko sila kilala at wala akong alam na ideya kung saan sila nanggaling, kaya wala rin akong tiwala sa kanila.

Ano? basta ko nalang ipagkakalulo si Heildygard sa mga taong 'to. Marami sila, isang hukbo na aabot sa sampu hanggang labinlimang miyembro. Dalawa sa kanila ang sa tingin kong heneral o pinuno, ang nabubugbog sa'kin ngayon at isang misteryosong lalaking nakasuot ng kulay puti na may ginintuaang detalyeng robe na hindi ko makita ang kanyang mukha.

"Hindi mo kami kaaway, ituro mo lang kung nasa'n siya." Malamig at seryosong wika ng lalaking nakabalot sa tela.

Siraulo, hindi kaaway?! Gulpi na ako sa inyo, eh kayo 'tong nanlalaban. Basta wala akong tiwala sa inyo.

"Heildygard? Hindi ko siya kilala." Sambit ko

"Ano Kayden tapusin ko na ba ang piratang 'to?" Wika ng lalaking nabububog sa'kin mula pa kanina.

"Ibalik sa Clysetin si Prinsesa Heildygard, 'yun lang pinapagawa sa'kin." Malamig na sagot ng misteryosong lalaki.

Sa pinagsasabi nila, mukhang galing sila sa kahariang pinagmulan ni Heildygard. Mga tao sila mula sa Clysetin at nandito sila para kunin ang prinsesang kasama ko.

Pero ayaw na niya bumalik do'n, sakal siya sa kanyang kaharian. Mabuti nalang naging tahimik ako sa kanila. 'Wag lang sana matunton siya doon sa batis na pinagdalhan ko sa kanya. Mas ligtas pa siya ro'n.

"Huling tanong pirata. Sa utos ng mahal na hari ng Clysetin, nasa'n ang prinsesa, sa'n mo siya dinala."

"Wala nga sabi akong ala–ackkkkk" putol kong sagot matapos niyang baliin ang kanan kong braso. Ramdam ko talaga ang sakit at bigla nalang may tumulang luha mula sa'king mata. Pakiramdam ko bibigay nalang yang katawan ko kung magpapatuloy pa 'to.

Medyo nanghihina rin ako at nahihirapang huminga dahil pinupuro niya ang aking baga. Wala akong pake kung ikamatay ko pa 'to, basta hindi ko ipagkakalulo si Heildygard sa mga taong ito.

"Gord… tama na." Ani Kayden sa malamig na tono, kagaya ng dati.

"Tsk!" Hinawakan niya ang aking buhok saka hinila ito paitaas dahilan upang madala ang aking ulo. Medyo nahilo ako at patuloy pa rin ang nararamdaman kong sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan ko pero hindi dahilan 'yon para maging mahina ako. Ano bang kasalanan ko sa inyo.

Inilapit ng lalaking nanakit sa'kin, ang nagngangalang Gord ang kanyang mukha saka nagwika. "Ngayon pirata sabihin mo na kasi kung nasa'n ang prinsesa. Alam namin na kasama mo siya! Sa kakatanggi mo, lalo ka lang masasaktan." Gigil niyang sambit. "Ba't mo siya kinuha?!"

"Hindi– ko siya kinuha." Mamutol-mutol kong sambit dahil sa mga natamo kong galos sa kanya, pagod ko na rin siguro at hindi maayos na kalagayan.

Ilang saglit pa'y lumitaw sa'king ilalim ang isang pink magic circle kasabay ng paglilitawan ng maliit na patak ng tubig na alam ko kanino galing. Hindi ko alam kung ngingti ako sa nangyayari dahil sa saya o mas lalo pa akong mangagamba.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon