CHAPTER 19: Frosty Mountains

648 74 0
                                    

Kael's POV

Swadia Continent, Eadean Northern Mountains, Frosty Woods.

*BOOOMMMM…*

"Shit! Avalanche!" 'Di ko mapigilang sumigaw dahil sa nakikita kong pagguho ng makapal na niyebe mula sa pinakatuktok ng bundok.

Halos dalawang oras na akong nakikipagsagupaan sa mga monsters dito, mabuti nalang hindi pa ako nauubusan ng lakas. Malamig at puro yelo ang nakikita ko sa paligid, sabayan pa ng malalakas na hangin at pagulan ng yelo.

------------------------------------------------------

Name: Ice Golem ‹Lv. 40›
HP: 3210 / 3210
Affinity: [Frost]

------------------------------------------------------

"Nako lagot." Mahina kong sambit matapos mapansin ang atakeng ibibigay ng Ice Golem sa'kin. Gamit ang kanyang naglalakihang kamaong gawa sa yelo, tinangka niya itong patamain sa'kin.

Napapikit nalang ako, dahil kahit anong gawin kong depensa, panigurado hindi ito tatalab sa matigas niyang katawan.

*TWOOGG*

Napamulat ako dahil wala akong naramdamang pagatake mula sa kanya. Nang tingnan ko ang nanganap, nakita kong sinalag ni Scub ang golem gamit ang kanyang claw dahilan para makaiwas at makabwelo akong muli sa mga kalaban. Binugahan niya ito ng maraming apoy na siyang nagdrain sa HP ng Ice golem at tumapos dito. Ayos Scub, muntik na 'ko do'n, pero madami pa sila.

Kahit malamig ramdam kong may tumutulong pawis sa aking mukha at leeg. Hindi ko rin mapigilan ang paghahabol ko sa aking hininga dahil sa pagod, halos drain na din ang MP ko. Sa pagaakala ko madali lang ang gagawin kong ito, bwisit..!

Dapat pala inalam ko muna ang mga monsters na nakatira dito, ang hirap i-clear ng area lalo na kapag magisa ka lang. Mas madali siguro ito kung may katulong ako kahit isa man lang. Pero dahil ginusto ko 'to, wala na akong magagawa, 'di ko kailangan umatras, kailangan ko nalang 'tong panindigan.

------------------------------------------------------

Name: Kael Griffinscar ‹Lv. 58›

Gender: Male

Age: 18

Job: Beast Tamer

Race: Human

HP: 5382 / 7980

MP: 321 / 3475

Affinities: [Shadow][Air][Fire]
-----------------------------------
Beast Partner/s:

Name: Maria ‹Lv. 70›
Gender: Female
Race: Cat
HP: 9932 / 11426
Title: Nine Tailed Guardian
Affinity: [Air]

Name: Scub ‹Lv. 75›
Gender: Male
Race: Dragon
HP: 9280 / 12330
Title: Devastating Flame
Affinity: [Fire]

------------------------------------------------------

"Scub, ilipad mo kami ni Maria! Matatabunan tayo ng yelo!" Malakas kong sigaw. Agad niya kaming dinampot ni Maria gamit ang kanyang claw at inilipad paitaas.

Nagawa naming maiwasan ang pagbagsak ng rumaragasang tumpok ng yelo. Mula dito sa itaas, nasasaksihan ko kung paano natatabunan ng mga nagbabagsakang materyales ang mga kalaban, mabuti na din 'yan para sa kanila, kahit papaano malaki ang nabawas sa bilang ng kanilang hukbo. Pero 'di lang ako sigurado kung talagang patay na sila. Sa ngayon, kailangan ko lang magdoble ingat. Wala din akong kasiguraduhan na kung may next wave pa. Pero sana naman final na ang kasunod nito para matapos na… nang boss nalang ang kailangan kong kalabanin. Nakakahingal din tapusin ang tatlong wave.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon