CHAPTER 54: Heildygard's Baptism

179 34 3
                                    

Lass' POV

Avadean Ocean, Orange Island of Dawn.

"Sandali lang, 'wag mo 'ko madaliin, hayaan mo ako magpokus sa gingawa ko." Iritang sagot ni Heildygard sa'kin.

Umaga ngayon, kagaya ng dati na naoobserbahan namin t'wing umaga o madaling araw, nagbabago ang kulay ng paligid at ito'y nagiging kulay kahel. Bumabalik lang sa dati kung masyado nang mainit yung dinudulot ng sikat ng araw. 

Kaya siguro tinawag ang islang 'to na Orange island of Dawn dahil sa likas na kaganapan ng mga halaman at mga puno ng islang ito. Hindi naman wirdo... pero mas maganda pa nga kung ganito ang nagyayari sa kalikasan.

Nasa isang parang kami ni Heildygard, sa paligid ng mga kulay kahel na mga bulaklak na maliliit, magkasamang nakatayo at nageensayo upang ilabas ang special skill niya. Nakakatawa dahil sa edad niya, 19, mas matanda pa sa'kin ay hanggang ngayon 'di pa rin niya natutunan.

Hindi naman sa pagkukumpara, pero karaniwan sa edad na apat hanggang anim na taong gulang na bata natutunan na nila. Kahit sa murang edad.

Pinagkrus ko ang aking braso saka nagsalita kay Heildygard. "Alam kong kaya mo 'yan, pero siguro... magpahinga ka muna kung gusto mo, 'wag mo muna pilitin kung nahihirapan ka pa. Kusa mo 'yang matutunan."

"Nagawa ko na 'to dati, pero limot ko na kung pa'no." Aniya. "Kaya... kaya ko 'to."

Hawak niya isang ornamento na kung ilalarawan, piraso ng iba't ibang bato na pinagdugtong-dugtong gamit ang isang tali, kulay rosas ito kagaya ng kanyang buhok. Sabi niya, ito ang pangunahing gamit o sandata ng mga priestess o priest sa mga tungkulin at gampanin nila.

Layunin nila ang magpagaling ng sugat o karamdaman, o 'di kaya nama'y palakasin pa ang taong kanilang sinasamahan.

Nakabase sila sa mahika at walang gaanong pangatake kaya masasabi ng marami na hindi sila mapaminsala. Aniya, bihira ang ganitong klaseng job sa Castean at bilang ang populasyon ang may ganitong klase. Ipinagyabang pa niya 'yun sa'kin na wala naman akong pakialam.

Sa pagkakaalam ko mababait at mapagpakumbaba ang mga may ganitong uri ng job, kaya pakiramdam ko naligaw sa kanya ang maging priestess, kahit na... sabihin niya na namana niya ito sa kanyang ninuno...

Pero, kahit ako nasasabik na din makita kung anong ipapakita niya. Napapaisip ako dahil kadalasan panggagamot lang ipinapakita niya sa'kin o maging tubig upang takasan ako.

Hay... Heildygard, wala akong alam sa mahika paano kita aalalayan.

"Siguro... mas makakabuti sa'yo kung 'wag mo pagurin ang sarili mo. 'Di naman sa sinasabi ko na 'wag mo na ituloy. Nagtanong lang naman ako ta's bigla mo na akong inaya na makita ko 'to."

Hindi na siya muling nagsalita at pilit na pinalalabas ang kanyang special skill. Habang ako, pinabayaan nalang siya sa nais niyang gawin, sabagay 'yun naman gusto n'ya. 

Umupo ako sa lupa upang maghintay ng ilan pang minuto sa paghihintay ng ipapakita niya. Pero wala pa rin, ilang beses na niyang sinusubukan.

Nagsimula na rin akong magbunot ng mga damo sa paligid ko dahil sa pagkabagot, kasi mukhang wala naman akong nakikitang nangyayaring iba o bago sa kanya. Wala naman akong ibang magagawa, kaysa iwanan ko siya rito magisa.

Halos makalbo na ang damuhang bahagi ng pwesto sanhi ng pagbunot ko ng maliliit damo mula sa lupa matapos ang marami pang minutong kakahintay. Pinili ko nalang na huwag magsalita para makapagpokus talaga siya, naisip ko baka nakakaistorbo ako kapag kinakausap ko siya o naririnig n'ya boses ko–Huh?

<Ocean's Blessing: Baptism>

Narinig ko ang mahina ngunit malinis na tinig ng babae kasabay ng pagbuo ng kulay rosas na magic circle sa ilalalim ko kaya agad akong napatingin kay Heildygard sa ginagawa niya. 

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon