CHAPTER 75: For Kael

181 15 7
                                    

Kye's POV

Binabalot ng nakakasunok na nagliliparang malugmog ang paligid dulot ng pagpapalakasan ng kapangyarihan at kakayanan ng mga magkakatunggali. Isa na d'yan si Lukas na abala sa kanyang kalaban.

Hindi masyadong kita ang mga nasa malayo lalo na kung sampung metro pataas ang paggitan, kung may maaninag man ay malabo at parang anino lang.

Nagkaroon kami ng pansamantala at kaunting oras para magkapagpulong-pulong kasama ang mga kasapi ko at ang mga Tenos Elih. Sa pagkakaalam ko, sila 'yung mga taong pumasa sa hamon ng pitong diyos ng Levorania at pinipili ang sampong pinakamagigiting mula sa mga natirang sumubok. Walang tiyak na panahon kung kelan sila napapalitan, pero ayon sa aking mga nasaliksik, magkakaroon ng bagong henerasyon kapag naubos na sila sa lupa. Sa madaling sabi, kung pumanaw na.

Hindi ko alam ang tunay na layunin nila at wala na rin akong masyadong alam na impormasyon tungkol do'n.

Gano'n pa man, 'di na masyadong mahalaga 'yon, kailangan ko magpokus sa aking gampanin, makinig at magisip ng mga hakbang bilang pinuno ang aking pangkat.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, apat ang demon desciples at ang masama pa'y kabilang pa sila sa upper rank." Saad sa'min ng Dark Elf na ito na nagpakilalang Li Xiao. At kung maguusap-usap kayo rito, 'wag dito sa gitna at number 9 kailangan ko ng tulong mo." Dagdag nito.

"Number 9?" Pagtataka ko.

"Si Meeltra ang tinutukoy ko, bahagi siya ng Tenos Elih kaya… hm." Anito na hindi na tinapos ang kanyang gustong sabihin kasabay ng pagtaas ng mga kilay niya. Hindi ko alam kung anong bagay ang tumatakbo sa kanyang utak pero siguro ayaw n'ya lang talaga munang magpaliwanag.

Naiintindihan ko naman, kasi sa isip ko lang, hindi naman gano'n kahalagahan ang saloobin o rason niya para sa isang kaguluhang ganito, kung baga hindi naman ito naaayon sa sitwasyon. Ganito rin naman ako minsan.

"Tatlo kayo rito, kung gano'n kaya n'yong tapatan ang upper rank desciples?!" Nagulat ako matapos kong marinig ang malakas at masidhing tanong ni Eurie kay Li Xiao. Para bang may nais, o may iba pa siyang gustong sabihin bukod aktwal na pagkakabanggit niya ng tanong base sa tono ng kanyang pagkakabigkas na nasa dulo lang ng dila ko. Hindi 'ko sigurado kung… ano… pa'no ko ba sasabihin…

Basta sa pagkakasabi n'ya, napakapamilyar na parang may gagawin siyang muli.

"Hindi lang siguro tatlo, may isa pang paparating." Sambit ni Li Xiao. Nagtaka ako sa sinabi n'ya at bahagyang napakunot ang aking noo hanggang sa mapunan ang kyuryosidad ko. "Hm?"

Nagpatuloy siya sa pagsasalita at nagutos. "Tumingin kayo kalangitan, masdan n'yo ang mga bituin."

Tumingala kaming lahat at kapansin-pansin ang pagkokonekta ng mga ito na para bang may nabubuong imahe. Kasabay nito, isang magic circle ang nabubuo habang may mga kumakalat na iba't ibang simbolo at crest na may kaugnayan sa astrology. Ngayon ko lang 'to nakita at hindi ko alam kung anong magiging kasunod nito.

Ilang saglit pa, habang naghihintay, ang gitnang bahagi ng magic circle ay naglabas ng napakaliwanag na ilaw at malakas na tumama ito sa lupa. Naging alerto kaming anim sa nangyari, mabuti nalang at hindi sa pwesto namin tumama ang liwanag.

Nabuwag ang ilang nakapaligid dito, maging kami na ilang metro lang ang layo ay halos mapayad na kung hindi namin pinapabigat ang aming sarili sa pamamagitan ng pagkukumpol-kumpol at pagbenda ng aming mga binti.

"Sinabi ko na sa inyo hindi ligtas ang pwestong 'to para pagpulungan." Giit ni Li Xiao.

"Sigh. Sumunod kayo sa'kin, Vella, dito kayo." Napabuntong hininga nalang ang ate ni Vella saka nagutos na sumunod sa kanya.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon