CHAPTER 76: Worthy Foe

85 6 0
                                    

Third Person's POV

<Angelic Sword> -Lukas

Pinangunahan ni Lukas ang digmaan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag niya sa kanyang espada. Nakakasilaw ang ningning nito na kayang makapagpabulag sa sinumang tititig dito nang matagal. Nangangahulugan lamang ito ng hudyat para simulan ang pagatake at ang pagkilos ng kanyang mga kaalyado.

Liwanag ang pangunahing kahinaan ng demonyo, kung kaya't hindi kaagad na nakakilos ang apat na kalaban mula sa kabilang panig. Nasisilaw sila at hindi magawang makaharap sa kanilang katunggali. Bakas sa mukha nilang apat ang pagkadismaya sapagkat hindi nila naunahan ang mga mortal nilang kalaban.

Gano'n pa man, bago pa mawala ang ningning ng espada ni Lukas ay sinabayan na Li Xiao ng paghahanda sa pagtake sa likod ng liwanag.

<Frozen Blade>

Sa ilalim ng kapangyarihan ng Dark elf, itinaas niya ang kanyang kanang kamay at lumalabas ang umpok ng nyebe sa kanyang paligid at nagsasama-sama ang mga ito sa kanyang itaas. Umiilaw ang kaniyang mata at tila gumagamit siya ng mahika. Bagama't nanggaling siya sa kontinente ng Yeriah at espesyalidad ang long ranged weapon, hindi maikakaila na may kakayahan siyang manipulahin ang espirito ng nyebe at gamitin ito sa pagatake. Gano'n pa man, isa pa rin siyang ranger at ang kaniyang armas ay ang suot niyang singsing na hindi gaanong napapansin.

Ilang saglit pa'y nabuo ang isang malaki at nakatayong buo ng nyebe na nakalutang sa himpapawid, may laki ito na sing taas ng ordinaryong puno na may proporsyonal na lapad.

Nang ibinaba ni Li Xiao ang kanyang kanang kamay nang may pwersa, nabuwag ang umpok nyebe at kumalat sa paligid. Naiwan ang isang napakalaking espada na gawa sa yelo na may mangasul-ngasul na kulay at may mala-kristal na tekstura at detalye.

Gamit ang kanang kamay ni Li Xiao na kung saan doon nakasuot ang kaniyang singsing. Inilagay niya ito sa tapat ng kanyang dibdib habang ang dalawang daliri niya ay nakatayo at nakaturo sa itaas. Minanipula niya ang espada at mabilis na ibinato ito at pinapunta sa direksyong kinaroroonan ng mga kalaban.

*Driing-dring-dring… KAtong*

Bago pa man tumama ang espadang pinalipad ni Li Xiao, naramdaman na ito ng isa sa mga kalaban. Nagpatugtog ng musika si Caliphene na siyang nagpatigil dito. Dahil sa abilidad na ito ni Caliphene at sa pwersang meron ang espada na siyang sumasalubong dito, sumabog ito at tuluyang nagkapira-piraso ang yelong espada ni Li Xiao na parang bubog na nabasag.

Pero hindi pa doon natatapos, ang mga piraso ng nabasag na yelo ay muling lumipad upang paulanan ang apat na kalaban ng matutulis na yelo.

Subalit, bilang proteksyon ng apat, mabilis na nagbuga ng kulay berdeng plasma dito si Devora na siyang tumunaw sa matutulis na tipak ng yelo. Nabigo ang unang pagatake ng Tenos Elih dahil sa depensang meron ang Upper Demon Desciples.

"Iyon na 'yung pinakamalakas kong skill, 'di pa rin tumalab. Mukhang makakapagseryoso ka rito Lukas." Pangaasar ni Li Xiao sa prinsipe.

"Kung gano'n, parang biro pa pala 'yung galawan ko, ibig sabihin wala pa ako hangganan ng galing ko. Tanggapin ko na 'yan bilang papuri." Sagot nito rito.

"…" -Kayden

Gano'n pa man, habang nagsisimula pa lang ang pagkakainitan ng laban. Lumipad sa himapapawid si Liandor at naglabas ng napakaraming dugo mula sa kanyang katawan na siyang patuloy na sumisirit sa kanyang dibdib na para bang nahiwa at nasugatan 'to nang malaki.

"Mga kasama! Maghanda!" Sigaw ni Lukas.

Parang umulan ng dugo ang nangyari at kumalat ang mga ito sa lupa. Maging ang mga kasuotan at kalasag ng Tenos Elih ay namantsyahan ng mga ito. Sa ngayon, nangangamoy malansa ang paligid, wala pang napapaslang o nasusugatan pero amoy na amoy ang nakakasukang alingasaw ng mga dugo.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon