CHAPTER 21: Prophecy

652 72 0
                                    

Lass's POV

Castean Continent, Rogth Town.

*MEOWWWWW…!*

Sinong magaakala na ang isang bayan dito sa Castean ay may tinatago ding dumi sa Levorania. Kilala ang Castean bilang isang kontinenteng malaya na walang namumuno dahil may tiwala ang bawat isa na walang ano mang gulo ang mangyayari sa kanilang ugnayan. May iisa lang silang batas na pinaiiral, na ang sino man ang maghasik ng gulo sa kontinente ay nangangahulugang lumabag sa ipinagtibay na batas na kamatayan ang magiging hatol.

Kasalukuyang naglalakad ako sa madumi at basang kalsada ng Rogth Town. Maingay at malalim na ang gabi. Nakasindi na ang napakaraming ilaw na siyang namumutawi sa gilid ng kalasada at mga kabahayan, pero wala namang kaguluhang nagaganap, wala akong nakikitang taong nagnanakaw ng paninda ng iba, pumapatay ng kapwa o nananakit ng mga taong walang laban. Pwera nalang isa… sa gilid ng kalsada ay may mga kababaihang handang ibenta ang kanilang sarili sa mga kalalakihang handang kumuha nito. Ito ang kamalian dito, hinahayaan nilang gawin ng kahit sino ang kahit anong bagay, mabuti para sa lahat, pero hindi nila alam kung tama.

Siguro ganito talaga ang buhay dito, malaya kang gawin ang kahit ano, basta hindi ka magdudulot ng gulo.

"Psst" dinig kong tawag ng isang babae sa mapangakit na pamamaraan. Binalewala ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Isa lang naman ang layunin ko kung bakit ako naririto ngayon, kailangan ko lang hanapin si Kael upang tanongin ang kanyang dahilan sa kanyang pagalis. 'Di ko talaga maintindihan ang lalaking 'yon, oo, medyo utak mani yun at madalas magpadalos-dalos sa napakaraming bagay pero awan… nababaliw na yata siya.

Masakit din sa pakiramdam na layasan ka ng kaibigan mo, pero mas masakit 'yong iwanan ka nalang bigla. Kasi kung lalayasan ka niya, ibig sabihin may mabigat siyang dahilan para umalis. Pero kung iiwanan ka niya, aalis nalang 'tong bigla na walang sinasabi sayo kung bakit, at mas masakit yun.

Nagbabakasakali akong hanapin siya dito sa Castean, baka dito siya pumunta o naninirahan sa ngayon dahil sa parati niyang sinasabi na gusto na niyang makabalik dito at sabik na siyang makita itong muli.

Bukod sa nasabi ko, hahanapin ko din ang orphanage kung saan siya lumaki. Susubukang kong magtanong tungkol sa pinanggalingan niya at alamin ang buong pagkatao niya.

Nakakapagtaka lang kasi, paano nakapagpaamo ng dragon at kakaibang pusa ang gagong yun. Sa nakikita kong mga Beast Tamer dito sa Castean, tanging mga weak monsters lang ang partner nila, tulad ng mga Owls, Serpents, black cats at iba pa, at isa pa iisa lang ang hawak nila. Kahit yung mga elder Beast tamers, common monsters lang din ang hawak, samantalang siya dalawang epic beasts. Hanggang ngayon nahihiwagaan talaga ako sa lalaking yun, hindi siya pangkaraniwang Beast Tamer. Mabuti sana kung isa siyang Druid o Dragon knight, 'di na ako magtataka.

Magiisang linggo na ako na sa Castean at hindi ko pa rin nakikita si Kael dito. Pagkatapos ko makausap ko ang orphanage director aalis na ako agad at maglalayag muli pabalik sa Yeriah kung saan doon ko siya muling hahanapin.

"Hala! Patawad sa nangyari, 'di ko sinasadya." Wika ng isang lalaking nasa tatlumpo pataas ang edad matapos mabangga ako. "Ayos lang po." Sambit ko ngunit hindi na siya muling tumugon.

Mukhang nagmamadali, hindi na siya muling humarap sa'kin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

'Di bale na. Isipin nalang natin kung kanino ako pwedeng magtanong.

Nakita ko ang isang matandang lalaki sa kalsada na nakasuot ng kulay lilang robe at may hawak na tungkod. Sa tingin ko mukhang maasahan ang isang ito.

Lumapit ako sa nakatayong mama at nagbigay galang. "Magandang gabi po, maari po bang magtanong?" Tumingin lang ito sa'kin at hindi sumagot, nakakatakot ang titig niya maging ang kanyang itsura. Seryosong mukha, kulubot na ang kanyang balat at mahaba ang buhok niya na kulay puti. Kinakabahan ako makipagusap dito ah. Mabuti pa umalis nalang ako, mukhang suplado siya.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon