CHAPTER 22: Clue on Affinities

646 68 0
                                    

Kael's POV

Swadia Continent, Nerdia Forest

*Pout… Pout…*

"Umaga na pala." Bulong ko sa aking sarili matapos kong maimulat ang aking mga mata at maramdamdam ang likidong pumapatak sa'king mukha.

Bwisit na… ano ba 'tong malamig na 'to sa mukha ko! Ang sarap pa ng tulog ko pagkatapos gigisingin lang ako ng mga patak ng tubig mula sa dahon.

"Tweet. Tweet." Mahinang huni ng ibon. Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko sa pagitan ng dalawang ugat ng puno at napahikab ng malalim.

Umagang-umaga bumungad agad sa'kin ang napakagandang tanawin. Nakakawiling panoorin ang mahinang pagagos ng tubig sa sapa at paghampas nito sa maliliit na bato, pagmasdan ang paligid habang may maliliit na sinag ng araw na lumulusot sa mga kulay berde at makakapal na punongkahoy sa gubat na 'to. Napakalamig ng umaga, sariwang hangin, preskong pakiramdam at ingay ng tubig. Ang ganda ng gising ko…

"Ahhh…" mahina kong hikab sa pangalawang pagkakataon habang ginugulo-gulo ko ang aking buhok. "Kailangan ko na bumalik sa Dyfyr." Mahina kong bulong.

Oo nga pala, 'di ko na kinaya ang magdamagang paglalakbay pabalik sa kaharian lalo na't kay Maria lang ako nakasakay. Syempre 'di maiiwasang may sumalubong na mga halimaw sa daanan, lalo na't nakasakay lang ako sa kanya at sa lupa kami dumadaan pabalik at maraming sagabal sa aming paglalakbay.

Kaya nagpalipas na kami ng gabi dito sa Nerdia Forest matapos malinis ang area at ubusin ang mga Giant Spiders na nakalaban namin kagabi lang. At ngayon tatlong oras palang ako nakakatulog, medyo masakit pa katawan ko dahil na rin siguro sa pagod at puyat. Kailangan ko makainom ng Rejuvenation potion para manumbalik sa normal ang estado ko, pero saan naman ako kukuha...

Tulog pa rin si Maria katabi ko, pero si Scub nasa loob pa rin ng aking pouch, magmula kagabi hindi ko pa siya nailalabas. Siguro sapat na ang madaming niyang pahinga para makarecover.

Mabuti pa… matingnan nga kalagayan niya… Binuksan ko ang pouch na kung saan ko siya tinago at tiningnan. "Aray!" Daing ko matapos lumundag ni Scub sa'king mukha sabay kagat sa matangos kong ilong. "Scub tama na masakit, aray…" mabilis kong wika hanggang sa mapabahing ako. "Achooooo…!" Nadala siya at bumitaw mula sa pagkakagat niya sa aking ilong. Bwisit na butiking ito, ang hapdi!

Ramdam ko ang pagdurugo ng aking ilong sanhi ng kanyang ngipin… kaasar. Ang ganda ng ilong ko tapos sisirain lang ng isang dragon, panira ng araw.

Dagli kong dinampot si Maria kahit na natutulog pa siya upang gamutin ang sugat ko sa ilong. Pinadilaan ko ang bahging dumudugo na may sugat, medyo nakakadiri lang pero isa ito sa mga special ability niya, 'di ko alam kung anong eksaktong tawag basta healing magic ability. Madalas napapakinabangan ko 'to lalo na kapag nagduduel kami ni Lass o kapag nagiging sugatan ako matapos ang isang laban. Ang cool 'di ba.

Ramdam ko ang pagdampi ng laway niya sa ilong ko, ang masama pa napakalapit lang nito dito at amoy na amoy ko ang mabaho niyang laway. Yaks.

Hay… dulot naman nito ay kaginhawahan para sa'kin, wala naman na akong ibang pagpipiliian. Kaysa naman na hayaan ko nalang 'tong sugat ko sa ilong na nagdurugo at 'pag nakita pa nila Eurie posible pa nila akong pagtawanan.

Ilang sandali lang ay naramdaman kong naghilom na ang sugat at agad ko nang binitawan si Maria. Hinawakan ko ito at maayos na, wala na rin akong nararamdamang sakit o hapdi.

"Bumalik na tayo sa palasyo, Scub, Maria." Wika ko sa kanilang dalawa. Kahapon pa ako nawala, at malamang hinahanap na nila ang mga bulaklak na pinanguha ko. Medyo lanta nalang ang mga ito, pero ayos pa din naman ang itsura, mapapakinabangan pa.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon