CHAPTER 15: The Arrival

810 76 0
                                    

Kael's POV

Yeriah Continent, Lireth Villege Western Forest

"Ano Scub handa na ba pakpak mo? Malayo-layo rin ang lalakbayin natin papuntang Dyfyr Kingdom." Mahina kong sambit.

Nakaupo ako sa isang bato habang katabi ko si Maria na naglilinis ng kanyang sarili. Kaharap ko si Scub habang may apoy na pumapagitna sa'ming dalawa.

Malapit na magumaga at ilang oras nalang lilitaw na muli ang araw. Naririto kaming tatlo nina Scub at Maria sa kanlurang bahagi ng kakahuyan sa gilid ng Lireth villege. Madilim pa ang paligid lalo na't nasa kakahuyan kami hindi ito masyadong natatamaan ito ng liwanag ng buwan.
Kanina pa kami dito, sa katunayan dito na kami nagpalipas ng gabi, sandali lang akong pumunta sa tinutuluyan kong bahay sa nayon upang ikandado ito at kuhain ang ilan kong mahahalagang gamit.

Sa ganitong eksena, napakarami kong naaalalang malulungkot. Ang daming pangyayaring hindi ko malilimutan, ang nangyari kahapon, kanina o ngayon at ang mangyayari bukas. Hindi ko makakalimutan ang mga bata na napamahal na rin sa'kin at ang villege na ito na nagturo sa'kin na gumawa ng mabuti sa kapwa at  tumulong sa nangangailangan. Ngayon at wala na ako, siguro maiisabuhay na nila ang bagay na tinuro ko sa kanila noon. Nagiwan ako ng tsokolate at sulat sa labas ng bahay ko na sakaling makita ng mga bata, masabi nila na tinupad ko ang isa sa mga pangako ko sa kanila, kahit na… hindi ko na sila makakalaro o matuturuan muli… wala akong kasiguradohan sa mangyayari sa'kin sa susunod na araw.

Ibang klase din itong buhay na 'to, puro nalang paalam.

"Handa na rin ba kayong mamaalam muli Scub, Maria? Halos dalawang taon na rin tayong nanirahan sa villege na 'to. Tapos, may bago na naman tayong adventure." Sabi ko sa kanila.

Wala silang ano mang huni na ginawa. Hindi ko alam kung nakikinig ba sila o wala silang pakialam sa sinasabi ko. Pero kung sabagay sanay naman na sila, kung anong pasya ko, sinusunod nila.

Tumayo ako at mabilis na umakyat sa puno upang mas makita ang itsura ng kalangitan. Umupo ako sa isang kahoy kung saan tanaw ko ang pagsikat ng araw at ang mga saradong bahay sa Lireth Village. Balang araw babalik ako… Hinding hindi ko malilimutan ang lugar 'to.

Kagaya ng dati, maganda pa rin ang itsura ng kalangitan tuwing madaling araw. Nababalot pa ng dilim ang paligid pero may liwanag mula sa araw sa likod ng mga bundok habang pinagmamasdan ito sa kalayuaan. Liban sa mga uwak, wala pang mga ibong lumilipad at umaawit ang naririnig at nakikita ko sa paligid, maya-maya lang siguro gigising na sila, mga tulog palang sila

Bumaba ako mula sa puno at nagwika kina Scub at Maria. "Umalis na tayo."

Naglakad ako at dinampot si Maria upang isakay kay Scub. Ibinaba ni Scub ang kanyang katawan nang sa gayon ay hindi ako mahirapang sumakay sa kanya. Sumampa ako sa likod niya at matagumpay na nakasakay ng walang kahirap-hirap at kumapit sa matigas nitong balat.

"Lipad na Scub." Utos ko sa kanya. Pinagpag niya muna ng tatlong beses ang kanyang pakpak bago ito lumipad. Nakaupo ako sa ibabaw ng dragong ito habang mahigpit na nakakapit si Maria sa aking balikat at ramdam ko ang pagkabaon ng kuko niya sa'king balat. Sakit.

Ilang saglit lang nagbaga ang pakpak ni Scub at mabilis na lumipad paitaas. Tuluyan kong nakita ang kabuuan ng nayon sa ibaba. "Hindi muna ako magpapaalam." Mahina kong sambit at ngumiti matapos kong sabihin.

Mas lalo pang lumipad paitaas si Scub hanggang sa marating namin ang ibabaw ng ulap. Napakalamig dito sa itaas lalo na't madaling araw pa. Pero nasasaksihan ko ang ganda ng paglitaw ng araw mula sa silangan, napagmamasdan ko kung paano dumadaloy ang liwanag paunti- unti sa ulap at kung paano naghahalo kulay dilaw na liwanag na may halong kahel sa dilim. Madalas ko na makita ang ganitong tanawin pero hindi ako nagsasawang pagmasdan ang bagay na ito.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon