CHAPTER 16: Truth about Lukas's Recruitment

721 78 1
                                    

Kael's POV

"H-hills of Nightmare? Parang alam ko't pamilyar ang lugar na 'to sa'kin!" Wika ko habang iniisip ang lugar na 'yon.

"..."

"Oo, natatandaan ko na, lugar sa Castean 'yon, hindi po ba?" Sambit ko sa nagbebenta. "Magkano nga po pala ito ulit itong dagger? Bibilhin ko na."

Sobra talaga akong nagagandahan sa dagger na ito. Ibang klase ang itsura, agaw pansin ang garnet sa gitna.

"2 gold coins and 15 silver, may kamahalan pero mataas ang attack damage." Aniya.

Kinuha ko ang pouch na pinaglalagyan ng aking mga coins, binuksan ko ito at binilang ang natitira kong salapi. 3 gold, 23 na silver at 12 copper nalang ang meron ako. Kagaya ng hinihingi niya ibinigay ko sa kanya ang 2 gold coins and 15 silver. "Manong eto po." Sabi ko at tinanggap niya.

"Sige salamat, kunin mo na ang gusto mo ang dagger. Ingatan mo upang hindi agad masira." Saad niya.

Kinuha ko ang bagay na binili ko mula sa isang tabla na nasa itaas na hanay. Hinawakan ko ang handle nito at tila ba'y unti-unting nagliliwang ang garnet nito sa gitna. Astig...

Nang inalis ko ito sa tabla, pinagmasdan ko itong mabuti at siniyasat ng husto bawat detalye ng maliit na espada. Nagkakaroon ito ng dark red aura habang hinahawakan ko. Ibang klase talaga.

Habang hawak at tinititigan ko ito, biglang nagliwanag ng kulay pulang garnet na lumilinya sa gitnang bahagi. Para itong sumabog na bituin na bigla nalang nagliwanag. Lahat ng tao dito sa loob ay napatingin sa pulang ilaw na dulot ng dagger. Nakakasilaw pero nakakamangha.

"Magsisimula na…"

"Ang cool naman nito." Wika ko. Madalang nalang din akong nakakakita ng mahika kaya medyo nababano ako.

Natapos ang pagliliwang nito at namangha ang lahat. "P-pero paa--" paputol-putol na wika ng nagtitinda.

"Salamat" sambit ko sa kanya habang nakangiti. Naglakad ako palabas ng Equip merchant habang tinitigan ang bago kong dagger. Kahit papano, nawala ang galit at pagkadismaya ko kanina sa blacksmith dahil dito.

Oo nga pala hahanapin ko pa si Lukas. Pero nasan siya?

Isinilid ko ang hawak kong sandata sa pinaglalagyan ko. Dali-dali akong naghanap ng matatanungang tao upang mahanap si Lukas. Naglakad-lakad ako kung saan-saan sa bayang ito pero dahil sa pagiging abala ng mga tao, nahihiya akong magtanong kung kani-kanino, kaasar saan ba pwede.

Nakakita ako ng dalawang kawal na naglalakad na wala namang ibang ginagawa kundi ang magkwentuhan. Nilapitan ko sila at nagtanong. "Boss, saan ko pwedeng makita si Prince Lukas? Hinahanap ko siya para sa isang bagay."

"Sa palasyo malamang." Sambit ng isa sa kanila. Hindi ko sila makilala dahil parehas ang kanilang suot at may takip ang kanilang mukha.

Gago ba sila, alam ko naman sa palasyo pero saang lugar. T*ngina Bwisit! Gusto ko man sila patulan pero ayoko namang magmukhang naghahanap ng away. Magtimpi ka lang Kael, mabababaw silang tao. Huminga ako ng malalim at muling nagtanong. "Sa palasyo, pero saan dito? Saan ko matatagpuan si Prince Lukas?"

"Sa palasyo nga, kung ayaw mo maniwala hanapin mo dito." Sagot muli ng kawal na kumakausap, o sabihin na natin na nangaasar sa'kin.

Kaasar..! Nagdidilim paningin ko sa kanila. Isa pang pamimilosopo nila hindi na ako magdadalawang isip na patulan sila. "Seryoso na. Importante lang 'to, nasaan si Prince Lukas?" Seryoso kong tanong.

"Sa palasyo nga-"

"Maria." Seryoso kong utos. Umalis si Maria mula sa aking balikat at agad na nagbago ng anyo pagkalagpak sa lupa. Binunot ko na rin ang aking dagger sabay itinutok ito sa kanila. Ngayon ko lang napasin na nagkakaroon ito ng dark red aura sa tuwing hinahawakan ko, mukhang malakas nga ito makadamage.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon