CHAPTER 48: Heildygard's Wish

233 34 2
                                    

A/N: Hi, medyo may love story sa arc na 'to pero ito nama'y maikli lang at hindi talaga sa ganitong genre nakapokus ang story. Isa pa, hindi ako naman ako magaling gumawa ng gano'n haha. Importanteng bahagi lang po kasi ito pati yung dalawang main, kaya sana magustuhan n'yo, enjoy po. Salamat sa pagsuporta!!

-

Lass' POV

"Nakarating ka rito kasi gusto mo lang?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Pano'ng gusto?

Sa kwarto ko kami naguusap, medyo umaambon na kasi sa labas kaya minabuti ko muna na dito siya dalhin para sa isang usapan tungkol sa pagkakapadpad niya rito sa barko.

Maayos siyang nakaupo sa hinihigaan kong kama. Samantalang ako comportableng nakaupo at nakasandal sa'king upuan habang nakapatong ang dalawa kong paa sa lamesang pinaglalatagan ko ng mapa.

Nakakaantok na rin pigain ang babaeng 'to para lang magkwento ng pangayayari. Kanina pa kami rito at wala pa akong nakukuhang dahilan tungkol sa pagkakapadpad niya rito kasama namin. Nagsasalita, pero ang layo parati sa tanong ko ang sagot niya.

Dinalhan ko na rin siya ng nakakain dahil sabi n'ya kumukulo na ang kanyang sikmura sa sobrang gutom, baka dahilan din 'yon kung bakit hindi siya makapaghayag ng pangyayari. Mabuti na lang at may healing magic siya na naiipansusuporta rito, pero alam ko naman na bibigay din ang kapangyarihan niya kung matatagalan pa siyang walang kain.

Isang oras akong naghintay bago siya matapos dahil sa dami ng nilamon niya. Wala naman akong magagawa kung gano'n katagal. 'Di ko nga aakalaing kakain siya ng isda na inihaw lang namin ng madalian at mga tinapay na may kalumaan na. Kung sabagay, siguro naman hindi na siya magiinarte kung talagang kumakalam na sikmura niya. Pero sobra akong nalibang habang nakikita siya kumakain ng gano'n, partida ayos lang sa kanya.

"Haaaa..." Hikab ko. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagsasayang ng oras sa kanya, basta nilalamon lang ako ng kyuryusidad ko kaya hindi ko siya hindi mahiwatan.

"Hendygard, 'yung tanong ko-" naputol kong wika

"Heildygard" Banggit niya sa kanyang pangalan matapos kong mabigkas ito nang mali.

"Heldygard"

"Mali pa rin, Heil-dy-gard." Dahan-dahan niyang sambit habang itinuturo niya ang tamang baybay ng kanyang pangalan. "Ayusin mo, parang walang nagturo sa'yo masalita."

"Ahh..! Wala akong pakialam kung paano bigkasin ang pangalan mo. Sagutin mo nalang ang tanong ko." Malakas kong saad.

"Hindi. Hangga't 'di mo 'to nasasabi ng maayos hindi ako magkekwento."

"Tutulungan kita, magsisilbi ako sa'yo." Suhestiyon ko pero napagisip-isip kong mali yata 'yung aking nasabi, mukhang malalim na ito para sa isang kondisyon. Sana lang hindi siya mag oo.

"Hindi na ayos na ako." Sagot niya. Ayun sakto, buti naman.

"Sino ba kasi nagimbento ng gan'yang pangalan, hirap na hirap." Bulong ko sa'king sarili. Sa totoo lang napipikon na ako sa kanya.

"Narinig ko 'yon, kahit bumulong ka." Aniya. "At sana ginoong Lass... 'wag mo sanang pakialaman ang pinagmulan ng pangalan ko. Ang pangalan mo nga hindi ko na pinakialaman kahit na alam kong ibig sabihin nito'y 'prinsepe' na siyang napakalayo sa katayuaan mo. Patawad, pero prangkahan na, hindi sa'yo bagay." Mataray at mapagmataas niyang wika.

Sinasabi ko kung tatagal pa ang ugali ng babaeng ito ng ganyan at makakasama ko pa siya ng matagal, baka 'di na ako magdalawang isip na iwanan siya sa isang isla at hayaan nalang doon, o itulak nalang siya sa dagat kung gugustuhin ko. Tamang pasensya lang kailangan ko... pero hindi rin kung sa kanya.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon