CHAPTER 3: Unknown Origin

2.5K 192 5
                                    

Kael's POV

"14...15...16... 16 gold coins. Saan ko naman gagamitin 'to?"

"Marunong ka pala magbilang. Grabe ginulat mo 'ko." Pangiinsulto sa'kin ni Lass.

"Talaga lang ha?" Sambit ko habang sinisimulan kong pakialman ang mga gamit niya. Sa katunayan kwarto niya 'to at dito lang ako nakikitulog tuwing sumasama ako sa kanila.

Malalim na ang gabi at kailangan ko nang magpahinga matapos ang isa na namang napakasayang araw. Madilim at liwanag ng apoy lang ng mga lampara ang nagsisilbing ilaw dito sa loob ng kwarto. Tahimik ang sasakyan dahil halos lahat natutulog na ng gantong oras. Tanging hampas nalang ng alon ang naririnig ko mula sa labas bukod sa paguusap naming dalawa.

Pero nanghihinayang pa rin talaga ako dun sa kayamanang napanalunan ko kanina, kung hindi lang sana ako pinigilan ni Lass na tanggapin yun. Napakagago talaga.

Sa aking paghahalungkat nakuha ko ang isang maliit na Libro. Binuklat ko ito at... Jackpot! Diary ni Lass. Akalain mo nagdadiary pala 'to.

"Dear Lass, Okay lang yun kung nabigo ka--" naputol kong saad habang masayang binabasa ang diary niya. Bigla niya itong kinuha kapagkwan ay itinulak niya ako sa pader na gawa sa kahoy.

"Bwisit ka talaga! Wag mo ngang pakalman mga gamit ko." Sigaw nito na halos kadikit ko lang habang mahigpit na hinahawakan ang damit ko.

"Hoy may matutulog dito! Wag nga kayong istorbo!" Sigaw mula sa kabilang kwarto.

Dahil dun napatigil kami sa paghahamagan at binitawan niya ako.

"Wag ka na ngang magulo." Ani Lass

"Okay, sige." Sagot ko

"Saan nga pala ang destinasyon natin?" Seryoso kong tanong

Nagtungo si Lass sa isang kabinet na kung saan may kinuha siyang isang bagay na nakarolyo. Inilatag niya ito sa lamesa at agad ko namang nilapitan.

Sinindihan niya ang isang kandila at inilagay ito katabi ng mapa

"Mula sa Greyland, limang araw na ang nagdaan nang simulan natin ang paglalayag. Umiihip ang hangin nang malakas dito pakanluran kung kaya't mabilis na tumatakbo ang barko patungo sa kontinente ng Yeriah." Paliwanag nito habang itinuturo ang mga direksyon sa mapa.

"Posibleng nandito na tayo sa bahaging ito at bukas nakakasiguro akong wala na tayo sa laot. May dalawang lugar dito na possibleng dun tayo bumaba. Kung bababa tayo sa forest of illusion masyadong mapanganib kung doon tayo magtutungo. At kung dun naman tayo sa town of Alfar, ligtas ang lugar na iyon ngunit maraming matatalas na bato ang nakaharang sa tabing dagat at hindi yun kayang daanan ng barko at isa pa mapanganib kung gagamitan natin ng maliliit na bangka." Dugtong nito.

"Ah talaga ba?" Sambit ko na ikinaasar niya. "Pare, kalma," Kilala ko na si Lass bilang pikoning tao kaya madalas inaasar ko 'to palagi kapag kasama ko.

Bumalik ang tingin ko sa mapa at napatitig doon ng ilang minuto. Di nagtagal, sumagi na naman sa aking isipan ang pinakamahirap kong tanong. "Ano bang pinagmulan ko?"

"Iniisip mo na naman ba yan?" Seryosong tanong sa'kin ni Lass.

"Parang ganon na nga."

"Pwede kitang tulungan, sabihin ko sayo bawat impormasyong nalalaman ko tungkol sa Levorania. Baka sakaling magkaroon ka ng ideya tungkol sa tanong mo." He offered as I gave him a smile showing my agreement.

Sinimulan niyang ituro ang mga bahagi ng mundo na agad kong pinakinggan.

"Nahahati sa limang kontinente ang Levorania. Ang Swadia, Yeriah, Castean, Greyland at Redthiem.

Ang Swadia ay lupain ng mga melee class warrior tulad ng mga Knights, swordman, barbarian, Valkyrie at iba pa at ganon din kaming mga pirates, kabilang kami sa kontinenteng ito. Mahuhuasay sila sa pakikipaglaban ng malapitan gamit ang kanilang espada at kalasag. Kilala din sila sa husay sa arkitektura, panggagawa ng sandata at iba pang gamit sa pakikipagdigma at pagtatayo ng gusali o palasyo.

Ang Yeriah ang sinasabing pinakasentro ng produksyon ng Levorania, halos lahat ng produktong kumakalat sa buong mundo ay dito nanggagaling, mga prutas, kasuotan, kasangkapan, at iba pang uri ng kagamitan. Napakayaman ng lupain ng Yeriah, nasa kanila ang malulusog na kabundukan at kagubatan na siyang tirahan ng mga maamong nilalang. Nakikipaglaban sila gamit ang mga designed ranged weapon, tulad ng bow, crossbow at spear. Sa katunayan kakaunti lang ang tao sa kontinenteng iyan karamihan sa kanila ay mga elves at dwarves.

Sa Castean nakatira ang mga taong may mga magic class job. Kagaya ng magician, alchemist, druid, wizard, mage, witch at iba pa maging ang job mo dito nabibilang. Nasubukan ko na silang kalabanin hindi sila ganon kalakas kagaya ng ng iniisip ng iba, napakabagal ng attack speed nila kumpara sa mga Swadian at Yerian.

Naiiba ito sa tatlong nasabing kontinente, hindi sila nakabase sa lumang tradisyon ng pakikipaglaban. Ang Greyland ang tahanan ng mga fuel based job. They use guns, missiles, cannons and bombs. Magaling sila gumawa ng mga inbensyon at lumikha ng mga bagay gamit ang makina.

At ang pinakahuli sa lahat, ang Redthiem. Ang pinakamakapangyarihan at pinakamalakas na kontinente sa lahat. Masasabi kong ito ang pinakanatatangi. Ito ang lupain ng mga guardians, nakalutang ito sa kalangitan at hindi ganon kadali ang makapunta dito. Ayon sa alamat pitong guardians ang nakatira dito; Life, Balance, Time, Death, Guidance, Wisdom, sky. Ang bawat gua--"

"Oo na, oo na salamat, 'wag mo na ikwento 'yan, matulog na tayo. Inaantok na 'ko" wika ko habang naglalakad patungo sa hinihigaan namin. "Good night Lass, balang araw masasagot ko din yan. Salamat ulit"

Lass's POV

<Appraisal skill> I chanted

------------------------------------------------------
Name: Kael Griffinscar ‹Lv. 46›

Gender: Male

Age: 16

Job: Beast Tamer

Race: Human

HP: 6700 / 6700

SP: 2840 / 2840

Affinities: [Shadow][Air][Fire]
-----------------------------------
Beast Partner/s:

Name: Maria ‹Lv. 63›
Gender: Female
Race: Cat
HP: 10290 / 10290
Affinity: [Air]
Title: Nine Tailed Guardian

Name: Scub ‹Lv. 70›
Gender: Male
Race: Dragon
HP: 11300 / 11300
Title: Devastating Flame
Affinity: [Fire]

------------------------------------------------------

Sino ka ba talaga Kael? Bakit wala kang alam tungkol sa pinagmulan mo? Paano ka nakakapagpaamo ng mga Epic Monsters gayong napakababa ng level mo kumapara sa kanila.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon