CHAPTER 58: Playin' with Wolves

144 28 5
                                    

Kael's POV

Redthiem Continent, Alea

Pansin ko lang, parati akong ganito ah, natutulala 'pag nagugulat sa nangyayari...

*Growll*

Sumunggab muli sa'king harapan ang isa pang kulay itim na lobo at sa pagkakataong ito kinuha ko ang aking dagger mula sa'king tagiliran gamit ang aking kanang kamay habang hindi pa ito napaparalisado, para naman may laban pa ako kahit papaano.

Pinakita sa'kin ng lobo ang kanyang pangil kasama ang nagtutulo niyang laway. Handa niya akong sakmalin kung saka-sakali.

<Fiery Arts>

Dumating si Kye kasabay ng malakas niyang pasipa sa lobong umaatake sa'kin. Hindi lang basta sipa ang natamo ng lobo, kundi sinamahan pa 'to ng sunod-sunod na suntok at airborne attack na makapanisala.

Bahagyang naghina ang kalaban ng figther na 'to. Pero sa napapansin ko mas dumarami pa ang bilang ng mga dumarating na lobo, dalawa lang ang kulay ng bawat isa kanila, itim at puti.

Kasabay no'n ay ang pagkakita ko sa mga palaso at ilang bala ng baril nina Eurie at Vella na tumatama sa kalaban. Astig naman, parang ngayon ko lang sila nakita ulit na makipaglaban.

"Kaya mo ba makatayo?" Tanong sa'kin ni Kye matapos niyang magulpi ang isang lobo.

Pinagmasdan ko ang aking katawan, naninigas at parang unti-unting nagiging yelo ang aking mga laman na kumakalat mula sa mga sugat na natamo ko.

"Hindi masyado." Sagot ko

"D'yan ka lang, kulit mo kasi. Hintayin mo si Nathalia." Aniya na may halong pagkadismaya.

"Ah- pasensya na." Mahina kong sambit.

"Huwag n'yong hahayaang makagat kayo ng dalawang lobong may magkaibang kulay, mapaparalisa kayo dahilan para hindi makapanlaban!" Pasigaw na babala ni Kye sa lahat ng kasama namin.

Muli, isa pang kulay puting lobo ang sumunggab kay Kye habang nanatili sa likod sina Eurie at Vella at doon umaatake. Sinalubungan niya ito ng kanyang matial arts at sinunandan ng palaso ni Eurie na tumama sa tagiliran ng lobo.

Tumalbog si Maria sa aking tabi at sa wari ko'y nadadaig siya at napagtutulungan ng ilan sa mga lobo. Pero sa tingin ko rin, hindi umeepekto sa kanya ang reaksyon ng dalawang kagat ng magkaibang kulay ng mga asong 'to. May mga sugat na siya pero maayos pa niyang naigagalaw ang kanyang katawan.

"Maria!"

"Grrrrr...!" Galit niyang ugong sa mga ito.

Kung kaya ko lang makatayo, may magagawa ako.

Ilang saglit pa'y may bilang ipinasak sa'king bibig na bote at may lamang likido, 'di ko sigurado kung ito 'yung hinihintay kong lunas o si Nathalia kasi sa tingin ko hindi naman niya gagawin ang ganitong paraan sa'kin.

Gano'n pa man, naghahalong pait at tamis ang lasa ng likidong pinaiinom sa'kin, gusto ko nang isuka dahil sa dami ng nalulunok ko at 'di ko na makayanan ang lasa. Hindi ako makapagsalita at wala akong magawa para pigilan 'to.

Bigla akong napaubo at bahagyang napaduak matapos niyang tanggalin ang bote sa'kin bibig. Do'n ko nakita na si Nathalia ang nagpasak sa'kin nito.

Walang reakasyon niya akong hinila palayo sa labanan at nawiwirdohan talaga ako sa kanyang kinikilos.

"Oyy, anong ginagawa mo?" Tanong ko. Sumasadsad ang likod ko sa yelo at ramdam ko ang lamig sa aking likod dahil sa ilang nyebeng pumapsok sa'king damit.

"Dito ka muna." Ani Nathalia sa malamig na tono.

"Pfft"

Nagtago kami sa likod ng isang bato at pansamantala akong naghihinatay sa pagepekto ang lunas. Kawawa naman sila ro'n kung 'di ko sila tulungan. Sa katunayan, mas malalakas ang mga monsters dito kumapara sa lupa sa ibaba.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon