CHAPTER 49: Surge

227 39 1
                                    

A/N: Hi po! Salamat po sa pagsuporta, pag-vote at patuloy na pagbabasa, sobra ko po kayong naaappreciate. Sana ok lang kayo, enjoy at God Bless. HAHA thank you!!

Lass' POV

Avadean Ocean, Davenport's Pirate ship.

Medyo lumalakas ang ulan at hangin dito sa karagatan at... basa na rin ako at ramdam ko ang lamig ng panahon. Ang masama pa nagbabago ang direksyon namin dahil sa hangin, imbis na patungo kami sa islang natanawan ko kanina ay lalo kaming lumalayo dahil sa malakas na alon. Sumasabay na rin kami sa galaw nito para medyo ligtas naman kahit papaano.

Nasa ilalim kami ng makulimlim na panahon, medyo may kadiliman na sa paligid dahil pagabi na rin maya-maya at natatakpan pa ng makapal na ulap ang kaunting liwanag na nanggagaling sa araw. Kumukulog at at may nakikita rin akong ilang kidlat na kumikislap at dumadaloy sa kulay abong ulap.

Hindi na bago ang ganitong pangyayari sa'min dahil madalas sa tuwing naglalayag kami sa karagatan may ganitong pagsubok talagang nagaganap. Alam na ng bawat pirata ang gagawin para makaligtas at mamintina ang tibay ng barko. Malas... May bagyo na naman, pero sa pagkakataong ito iba ang kaba kong nararamdaman kumpara noon.

Kasalukuyang nakatayo ako sa dulo ng barko, sa direksyon na kung saan ito naglalayag. Dala ko ang isang teleskopyo at lubid sakaling magkagipitan. Nakahanda rin ang mga palutang para sa lahat.

Habang ang iba ko namang kasama gaya ng isang pangkat ay nasa ibaba at nagsagwan habang sumasabay sa alon upang mas mabilis kami makausad palayo sa laot habang 'di pa lumalakas. At kung sakasakali may pagkakataon kaming makaabot pa sa isla.

Ang ikalawang pangkat naman ay nakatoka para sa pagsasayos rito sa itaas, sila ang mangagasiwa sa pagsasayos ng layag at pagtatapon ng mga tubig na maaring pumasok sa loob. Karaniwan isa o dalawang layag lang ang itinataas namin, depende sa lakas ng hangin. Mas kaunti ang nakabukang layag, mas kaunti ang nasasalong hangin.

At ang pangatlong pangkat ang magpapaikot-ikot sa barko upang tumulong sa pagkukumpuni ng mga pwedeng masirang parte ng sasakyan at magdadala ng mga materyales o susuporta sa iba pang pangkat.

Ako bilang kapitan, tunkulin kong kumilos para sa kabutihan ng lahat ng naririto. Kailangan ko lang ng maayos na pamumuno at paguutos ng nararapat nilang gawin.

"Isip at presensya, papakiramdaman mo ang mga kasama mo." Bagay na pinayo sa'kin ni kuya bago pa siya pumanaw at ipasa sa'kin ang titulo.

Tungkol naman kay Heildygard, ngayon ay nasa kwarto ko pa rin siya at iniwan roon, mas ligtas ang kanyang kinalalagyan at komportable ang loob ko kung doon lang siya mananatili. May konti kaming pagtatalo dahil ayaw niya sa akin makinig.

Akalain mo naman napakamalas na niya. Sa palagay ko hindi simpleng malakas na ulan ang mangyayari, bagyo 'to panigurado, 'wag lang sana lumakas ang alon. Panigurado tatatak ito sa isip ng taong 'yon.

Kumislap ang kalangitan at ilang minuto rin ay sinundan ito ng malakas na kulog.

"Mahal na Prinsesa, huwag ka na lumabas! Delikado rito sa labas!" Rinig kong sigaw ng isa kong kasama rito sa taas.

Anak ng- tigas talaga ng bungo ng babaeng 'yun. Ano na namang gagawin n'ya rito. Hay... bwisit! Kung wala lang talaga akong pakialam sa kanya.

Nagmadali akong hanapin s'ya upang mapagsabihan at mapilit na bumalik sa loob. Sa aking paglalakad natanawan ko siya na may bubble barrier sa kanyang paligid na siyang pumuprotekta upang hindi s'ya mabasa. Nasa gilid siya ng barko habang tinatanawan ang karagatang may malalakas na pagalon.

"Hoy babae, 'wag ka dumagdag sa problema! Gawin mo lang sinabi ko sa'yo. Sakit ka ulo!" Galit at malakas kong sigaw sa kanya.

"Huwag n'yo na akong intindihin, kaya ko ang sarili ko." Pagmamataas niyang tugon. "Ngayon lang nangyari sa buhay ko ang makita ng ganitong pangyayari, ayaw ko 'tong palampasin. Kaya... 'wag n'yo na akong problemahin." Dugtong niya.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon