CHAPTER 72: The Deity

204 25 9
                                    


Kye's POV

Redthiem Continent, Ionia

"Keuk... Ahhkk..." Daing ko habang unti-unting bumabangon matapos kong magising at mabigla nang ako'y makaramdam ng lakas at magkamalay. Pakiramdam ko may kusang gumagamot sa'king mga sugat at bali sa katawan. Lumuluwag ang aking paghinga at nawawala rin 'yung pakiramdam ko na pagod.

Isa pa, sa pagkakataong ito, hirap akong maidilat ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag. At sa katunanayan, ayaw kong isipin na sasakabilang buhay na ako dahil ramdam ko pa rin naman na buhay pa aking mga laman at humihinga pa ako na parang 'yung dati lang.

Ano bang nangyayari?

Ilang minuto pa ay paunti-unti nang napapawi ang liwanag at kasabay no'n ay paunti-unti ko na ring naibubuka ang dalawa kong mata. Naaninag ko ang ilang tao sa aking tabi pero 'di ko lang mamukaan kung sino ang mga 'to.

"Ahh... a-anong nangyari?" Rinig kong wika ng isang babae na may matamlay na tono. "Vella..? Nathalia? Kael? Kye?" Sunod-sunod niyang sambit.

Nagulat ako nang mapagtanto na si Eurie ang nilalang na nagsasalita sa mga oras na ito. Bukod sa hindi ko narinig ang pangalan niya habang siya'y naghahanap, pamilyar naman sa'kin ang kanyang boses.

"Eu-Eurie..." Mahina kong sambit.

Dagdag pa, sa mga sandali ring ito, hindi ko maipinta sa aking utak kung paanong milagrosong bumalik ang dati niyang malay, o sabihin ko nang- kanyang buhay.

"Eu... Eurie, nandito ako! Andito ako, si Kye!" Malakas kong sambit na may halong galak. Sino ba naman ang 'di matutuwa kung masaksihan mong buhay ang isa mong kaibigan na inakala mong patay na.

Labis ang galak kong nararamdaman para sa kanya, nasasabik akong mahawakan siya o mayakap matapos ang pangamba at pagaalala ko kanina.

"Kye! Salamat naman kasama ko pa rin kayo." Aniya.

"Ate Eurie, ate Natalia! Kamusta kayo?"

"Kye tumayo ka nang maayos!" Seryosong utos sa'kin ng isang lalaki matapos niyang tinapik ang aking batok. Anak ng-. "May matindi tayong suliranin." Dagdag niya. Lukas?!

"Ako nga Kye at 'wag mo na alamin kung bakit ako nandito, tumingin ka sa itaas. Si Griffinscar, paano makokontrol ang lalaking iyan." Aniya habang may itinuturo sa'kin.

Laking gulat ko at nanlaki ang aking dalawang mata nang makita ko ang kakaibang wangis ni Kael. Nagliliwanag siya na parang araw at sa nakikita ko, ang nagbibigay liwanag sa kanya ay ang tatlong pares ng kanyang pakpak. Tanaw rito, ang ibabaw na pares ay nakataklob sa kanyang mukha, nakabuka ang nasa gitna at ang pinakailalim na pares ng pakpak ay nakatiklop upang matakloban ang kanyang binti.

Isa siyang anghel pero hindi basta ordinaryo, palagay ko higit pa sa pinakamataas na ranggo nito. Sa isip ko lang, peligro na naman 'to.

T*ng*na akala ko tapos na, mas may titindi pa pala!

"Wala akong ideya, kung paano susulusyonan ang sinasabi mong suliranin. Ang suhestiyon ko lang ay umalis na tayo rito, lubhang mapanganib ang taong 'yan o kung ano mang espiritu ang kumuntrol sa kanya 'pag nagsimula na 'yang umatake." Wika ko.

"Parang sinasabi mo, iiwan natin ang isa mong kaalyado para makaligtas tayong naririto at maiwan siya?" Tanong sa'kin ni Lukas.

"Hindi naman sa gano'n..."

"Alam mo ba na malaki ang iteres sa kanya ng mga upper disciples at wala kang balak na ipaglalaban siya upang maprotektahan man lang ang kasapi mo?!" Mataas niyang hayag sa'kin. Lukas, Nagagalit ka ba!?

"Pwede ba Lukas t'saka mo na ako leksyunan, wala tayong panahon para d'yan. Hindi mo naiintindihan ang ganitong sitwasyon! Hindi sa binabalewala ko siya, pero tayong lahat ang mapapahamak kung mananatili tayo rito!" Malakas kong tugon sa kanya.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon