CHAPTER 73: Chasing the Sound

123 19 14
                                    

Kael's POV

Mortal's Mind Boundary (Caliphene's recreated dimension)

"Hoy Caliphene! Wala ka nang kawala miski ipilit at gusto mong magpahabol!" Malakas kong sambit habang pilit na hinuhuli ang nasabi kong 'hayop' na nilalang sa dimensyong ito na kontrololado niya.

"Ahahaha~ tingnan pa natin." Panghahamon niya.

Oo, sa kanya itong lugar na 'to na hindi ko alam kung pa'no ako dito napadpad. Nasabi ko 'yon kasi lahat ng naririto'y umaayon sa kanyang kumpas at nabibigyan ng aliw-iw ang pangalaw. Sa madaling sabi, napapakilos niya ang iba't ibang bagay base sa kagustuhan niya at binibigyang buhay itong madilim na espasyo. Pero sa hindi magandang paraan.

Sa balangkong lugar na 'to na kung saan ako, si Heildygard at ang makulit na demonyong 'yon ay kasalukuyang nagkakainitan sa isang labanan.

Nakatuon ang atensyon ko sa pagdakip kay Caliphene habang lumilipad, paikot-ikot sa lugar na 'to at naghahabulan na tila ba'y nagsusubukan o napapaligsahan ng bilis at liksi.

Kahit nga anim ang pakpak ko, hirap pa rin akong mahuli ang impaktang 'yon. Bukod sa hindi ako sanay sa ganitong katangian, lugi pa rin sapagkat gumagamit siya ng paglalaho at kalaunan ay kung saan-saang lugar siya susulpot. Habang ako, pisikal na ipinapagspas ang aking mga pakpak.

Kung sakaling may supresya siyang pagatake, naiilagan ko naman. Sa sobrang bagal ba naman kasi ng attack speed niya, kahit sino matotonohan kung kelan 'to tatama. Tumutugtog muna siya bago lumabas ang kanyang atake.

Tutal parang nabanggit ko na rin ang 'pagtotono', 'yong anyo ng labanan dito ay parang nasa isang tugtugan lang at dahil 'yon sa sandang gamit ni Caliphene. Liban sa mahirap siyang hulihin, masasabi kong nakakapikon… Yung instrumento n'ya, yung tunog no'n. Oo, talagang nakakapikon! Siguro taktika na rin niya ito para hindi siya mahuli.

Habang nahahabulan kami rito sa dimensyong nilikha niya, bigla siyang naglaho sa'king paningin at kaagad akong napatigil.

At habang hindi ko siya nakikita, nakakarinig ako ng mabilis na pagkalabit ng gitara sa aking likuran na 'di naman kalayuan sa palagay ko.

Habang tumatagal, ang tunog ay lalong bumibilis at doon pa lang ay lalo akong napapasugod na sundan ang pinanggagalingan.  May kutob ako na parang isa itong patibong. Pero sa isip ko, walang mangyayari kung hindi ko ito uusisain.

Itinuloy ko ang paglipad at nagbago ng direksyon upang sundan ang naririnig kong tunog. Tinahak ko ang pinanggagalingan ng musika pero tila humihina ito 'pag mas lalo akong lumalapit. Doon na ako nagtaka at napaisip. Ano 'to ilusyon… o panlilinlang lang. Pero ano pa bang aasahan ko sa isang duwelo kundi wais na diskarte at mahusay na taktika.

Gano'n pa man, nais na naming kumawala rito ng babaeng kasama ko na nagpakilalang Heildygard. Nga pala, tungkol sa kanya. Abala ngayon si Heildygard sa pagbabahagi ng kanyang kapangyarihan sa'kin sa pamamagitan ng mataimtim na pagdarasal at pokus lang siya sa kanyang ginagawa, walang kibo, ekspresyon o kahit isang salita.

Isa pa, protektado siya ng barrier na nilikha ko. Naisip ko ano mang oras ay maari siyang puntiryahin ni Caliphene.

Ang kapangyarihang ibinabahagi niya sa'kin ay nagbibigay sa'kin ng karagdagang bilis at enerhiya na para bang imortal ang datingan ng pakiramdam ko, bukod na sa kapangyarihang taglay ko talaga noon pa.

Sabagay, kung iisipin naman. Mukhang kay Heildygard din naman nanggaling ang kapangyarihang 'to kung uungkatin sa simula ang pangyayari.

*Dring-dring-dring-dring…*

Napatigil ako dahil nabago ang alegro ng tunog ng gitara… Sa pagkakataong 'to, ang tunog ay nanggaling lang sa aking likod. Mas mabilis kumpara kanina.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon