CHAPTER 52: Chances

165 30 0
                                    

Heildygard's POV

"Alam mo kasi… hinahanap ko ang kaibigan para ilayo s'ya sa panganib." Ani Lass.

Medyo kumunot ang noo ko sa sinasabi niya, 'di ko maintindihan. Pero hahayaan ko muna siya maghayag ng nais niyang sabihin habang patuloy kami sa paglalakad.

"May isang matanda ang nakapagsabi sa'kin, ang matalik kong kaibigan na nagngangalang Kael, ay isang kasumpa-supang nilalang na wawasak at maghahatid ng kaguluhan sa mundo. Nakakatawa mapakinggan dahil kahit sino hindi maniniwala..."

"…Nabanggit ko na sa iyo noon, utak mani ang kaibigan kong 'yon at tinawanan mo pa nang malaman mong isa lang siyang beast tamer. Gayunpaman, gusto ko lang malaman sa'yo na baka may alam ka, lalo't masisiguro kong nagaaral ka sa isang akademya. Baka malawak ang kaalaman mo tungkol sa dalawang bathalang As'wrat at Arthinem." Paliwanag niya.

"Oo nagaaral ako sa akademya, pero 'di 'yon kasali sa inaaral ko sa paaralan at wala akong sapat na kaalaman tungkol sa kanila, hindi ako relihiyoso… bihira ako magbasa ng kanilang aklat." Sagot ko sa kanya dahilan para bahagya si Lass na matigilan at manlaglag ang panga niya mula sa pagiging seryoso.

"Isa kang priestess at wala kang alam tungkol sa mga diyos?" Pagtataka niyang tanong.

"Gano'n na nga kaya hindi naangat level ko kasi tamad ako magaral tungkol d'yan. Interesado naman ako pero kontento na ako sa meron ako ngayon." Sagot ko sa kanya. Hay… may alam naman ako, kaunti, pero hindi gano'n kadetalyado.

Alam ko lang may pakiramdam akong kakaiba na masama sa kaibigan niya na hindi ko maintidihan, siguro dahil hindi ko pa 'to nahahawakan at nakikita ng personal kaya hindi ko rin matukoy.

Habang nagpapatuloy kami sa paglalakad biglang namuo ang mga buhangin at lumitaw sa aming dinaraanan ang isang matandang may mahabang balbas na may maluwang na damit na mistulang isang wizard o mage dahil sa hawak niyang tungkod at pananamit.

Pamilyar siya sa'kin pero hindi ko matukoy ang kanyang pangalan at kung saan ko siya huling nakita. 'Di bale na…

Kasabay ng kaniyang paglitaw ay kasunod ng pagkapit ni Lass sa hawakan ng kanyang espada na parang inihahanda niya lang ang kanyang sarili.

"Ikaw na naman, hanggang dito ba susundan mo 'ko." Seryoso niyang wika sa matanda. Kung ganon… base sa sinabi niya, magkakilala sila…

Dahan-dahang itinaas ng matanda ang dalawa niyang kamay kasama ang kaniyang tungkod habang tahimik lang ito sa kanyang ginagawa kapagkwan ay tumungo ito.

Maging ako'y nagtataka sa kinikilos niya, masasabi ko sensyales ito ng pagsuko pero bakit niya ito ginagawa. Sa lalaking ito pa talaga? Kay Lass? Seryoso?

"Hindi ako manlalaban, hinanda ko lang ang aking sarili." Wika muli ni Lass sa matanda.

Umayos ng pwesto ang matanda saka nagwika. "Hindi ka pa rin nagbabago ginoo, masyado ka pa ring agresibo."

"Hmp..!"

Akmang papatol si Lass pero agad ko itong pinigilan upang maiwasan ang gulo. Hay… Lass, napakamapikunin talaga. "Kumalma ka nga" mahina kong sambit. 'Di ko alam kung ba't kumukulo dugo nito dito.

"Tsk."

"Kalimutan na natin ang ating hinanakit pirata, pero hayaan n'yong ako ang sumagot sa inyong katanungan, andito ako upang gumabay at hindi manggulo." Sambit ng matanda.

"Gano'n ba sige, makikinig ako." Seryosong saad ni Lass habang magkakrus ang kanyang braso at tila ba'y hindi niya pinagisipan. Lalaking 'to talaga pati sa matanda walang galang…

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon