CHAPTER 69: Motivation

154 24 4
                                    

Third Person's POV

Redthiem Continent, Temple of Ionia

Nasa magulong estado ngayon ang labas ng templo ni Ionia, ang guardian ng kalangitan, dahil sa kaganapang biglang pagpapakita ng isang Demon diciple. Nakaharap ng pangkat nina Kye ang isang malakas na demonyo na nagngangalang Devora. Sa pagaakalang natigil na rin ito sa masama nitong pakay ay patuloy pa rin nitong kinukuha ang Beast Tamer na nagngangalang Kael.

Sa kabutihang palad, dumating ang Prinsipe ng Dyfyr na si Lukas upang sumaklolo sa kanilang lima. At kasalukuyang nakikipagsagupaan na ito ngayon sa nasabing demonyo gamit ang naliliwanag niyang espada laban sa itim na mahika ng kalaban. Samantalang...

"Haaahhhhh~" Mahabang paghangos ni Kael mula sa malalim nitong hiniga. Wala sa katinuan ang binata habang parehong nakadilat ang pares ng kanyang mata at animo'y uhaw na uhaw ito sa liwanag na kanyang nakikita sa hawak na kahon ni Vella.

Gano'n pa man, kumpara dati, kataka-taka ang biglaang pagbabago ng kulay ng mata ng binata, mula sa kulay pula nitong eyeball ay napalitan ito ng kulay ginto habang ang kulay ng nakapaligid rito ay matingkad na kulay ng asul imbes na puti.

Paunti-unti siyang gumagapang sa lupa at kung pagmamasdan ay may wirdo at eksaherado siyang ekpresyon at itsura na bago at ngayon lang makikita sa kanya. Kahit sinong nilalalang na nakakasaksi nito ay babalutin ng pagtataka at kung minsa'y pangamba para sa kanilang sarili lalo't kung ano-ano ang lumalabas na salita sa bibig ni Kael.

"P-prinsepe Lukas…" Natatakot na sambit ng batang si Vella habang dahan-dahan siyang umaatras upang hindi malapitan ni Kael.

Sa paningin ni Vella sa binata, tila bumalik na naman ang nakakatakot nitong wangis na nasaksihan niya sa tribo ng Sawada bago pa man umakyat sa Redthiem ang kanilang pangkat. Subalit, ang kaibahan lang nito kumpara dati, imbes na pulang awra ang bumabalot dito, kulay ginto at nagliliwanag na parang sinag mula sa langit.

Hindi alam ng bata kung ito ba'y mabuting bagay para sa binata o kung ito ba ay may mabuting maidudulot para sa marami. Dagdag pa niya, hindi n'ya rin mawari kung ano ang pinaguugatan ng kakaibang anyo ni Kael, wala s'yang ideya sa kung anong gagawin niyang hakbang upang makapaghanda sa mga posibleng kaganapan kaugnay ng 'di kontroladong kapangyarihan ng lalaki.

"Kael…" Nagaalalang bulong ni Vella sa kanyang sarili.

Sa dahan-dahang pagurong ni Vella, kaagad siyang nakatisod ng bato dahilan upang maliay siya at matumba sa lupa. At dahil din dito mas binilisan pa ni Kael ang kanyang paggapang at paghahangad na makalapit sa nagliliwanag na kahon. Walang kaalam-alam si Vella na ang nais ni Kael na mahawakan ay ang hawak niyang kahon.

Ang misteryosong kahon na mula kay tandang Xin Yi ay naglalaman ng isang halimaw na kayang humatak ng isang nilalang papasok sa loob nito hanggang sa permanente na itong makulong dito. Nabubuksan lamang ang nasabing bagay kung babasahin ng may hawak nito ang nakasulat sa ibabaw. Ang basbas ni Ionia ang magsisilbing gabay kung paano at saan sisimulan ang pagbasa.

Gano'n pa man, wala sa isip ni Vella na iselyo ang kanyang kaibigan. Napalapit na siya kay Kael at tingin na n'ya rin sa binata ay nakakatandang kapatid. Para sa kanya, masikip sa kanyang dibdib ang pagtaksilan si Kael kahit na alam niyang ito ang layunin ng kahon sakaling mawala sa katinuan ang binata.

Habang natutulala sa Vella at hindi alam ang gagawin ay mabilis na nadakma ni Kael ang isa nitong paa at kinapitan 'to ng mahigpit dahilan upang mapasigaw ang bata sa gulat.

"Garrara–" Magulong pagbigkas ni Kael sa mga salita na may mahanging tunog at nagpapatuloy habang pumapalag si Vella. Subalit gano'n pa man, naputol ito sapagkat kaagad na dumating si Lukas at sinipa nang malakas ang mukha ng nasabing lalaki. Tumama kay Kael ang bota ni Lukas na gawa sa bakal at tumilapon siya nang kaunting distansya palayo kay Vella hanggang sa nagiwan ng pagdurugo sa ilong ng binata.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon