CHAPTER 5: Warm up Duel

1.6K 108 0
                                    

Malapit na ako sa sinasabi nilang Forest of illusion. Ilang saglit lang ay lalapag na ako sa dalampasigan para intayin ang grupo nila Lass.

Sa natatanaw ko mula dito sa itaas parang normal na gubat lang, wala namang nakakatakot. Mukhang di naman mapanganib kagaya nung kinikwento ni Lass.

"Bumaba na tayo Scub" utos ko na agad naman niyang sinunod.

Dahan-dahan siyang lumipad pababa papunta sa batong malapit sa dagat.

"Ayos andito na tayo."

Yeriah Continent, Forest of Illusion

Tumalon ako pababa sa bato at sa pagkakataong ito naramdaman ko na muli ang pagtapak sa lupa.

Pansamantala ko munang iniwan sina Scub at Maria para magkapag lakad-lakad ako sa paligid.

Sa aking paglalakad pinagmasdan ko ang gubat 8 metro lang ang layo mula sa akin.

Napakaganda nito kung tutuusin, hindi madamo, walang masyadong baging, maaliwalas at hindi masukal. Karamihan sa mga puno dito ay Dark oak. Ito'y matataas, may dark green na dahon, at kulay itim na kahoy.

Parang dinadala ako nito sa panaginip at inaakit sa lugar na nababasa ko lang sa mga alamat. Gusto ko itong puntahan, masilayan ang mga bawat bagay nasa aking imahinasyon.

*WHOOOSH*

Nagulat ako nang marinig ang malakas na pagtama ng kidlat malapit lang sa kinatatayuan ko. "Anong nangya-"

"Lagot ka saking gago ka..!" Sigaw na narinig ko mula sa likod, mabilis akong lumingon upang makita kung saan nanggaling ang sigaw.

Laking gulat ko nang makita ko si Lass na tumakbo palapit sakin habang hawak ang kanyang espada.

Mabilis kong sinalag ang kanyang pagatake gamit ang dagger na hawak ko. Sa lakas ng pagkakabuwelo nya napaurong ako matapos magkatamaan ang hawak naming weapon.

"Mukhang nakahabol ka ah, ready for my attack Lass?" I asked as I command my pets to put an attack on him.

Nagbuga ng apoy si Scub para idestruct sa formation si Lass at makabuwelo ako sa pagatake.

Sa bawat pagbuga niya ng apoy mabilis na naiiwasan ito ni Lass, ni isang apoy walang tumatama sa kanya. Ibang klase din ang dexterity ng taong 'to.

I activated my appraisal skill for the both of us in order to read his and my stat.

------------------------------------------------------

Name: Kael Griffinscar ‹Lv. 46›

Gender: Male

Age: 16

Job: Beast Tamer

Race: Human

HP: 6700 / 6700

SP: 2840 / 2840

Affinities: [Shadow][Air][Fire]
-----------------------------------
Beast Partner/s:

Name: Maria ‹Lv. 63›
Gender: Female
Race: Cat
HP: 10290 / 10290
Title: Nine Tailed Guardian
Affinity: [Air]

Name: Scub ‹Lv. 70›
Gender: Male
Race: Dragon
HP: 11300 / 11300
Title: Devastating Flame
Affinity: [Fire]

------------------------------------------------------

Name: Lass Davenport <Lv.48>

Gender: Male

Age: 16

Job: Pirate

Race: Human

HP: 7050 / 7050

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon