CHAPTER 74: Encounters

125 12 2
                                    

Third person's POV

Mortal's Mind Boundary (Caliphene's recreated dimension)

"Caliphene ngayon na." Mahinahong pagkakautos ni Liandor sa kanyang kaalyado.

Nang masabi niya ito, nagising mula sa kawalan ng malay si Caliphene na para bang nanumbalik ang natural nitong lakas. May dugong kumukonekta sa pagitan niya at ni Liandor na siyang nagbibigay ng buhay dito kay Caliphene.

"Huh..? Liandor?" Patanong niyang sambit nang makita niya ang nasabing lalaki.

Habang naalimpungatan ang musikerong demonyo ay nagulat siya nang puluputan ng mga gintong kadena ang kanyang kakampi. Dahil dito, nagising ang diwa niya at sinunod ang kasunod niyang hakbang.

Kaagad na kinalabit ng babae ang tali ng kanyang gitara hanggang sa tumunog ito alinsunod sa kanyang ritmo at ilang saglit pa'y nagsiliparan ang libo-libong paniki sa paligid na hindi mawari kung saan nagmula hanggang sa unti-unting naglaho ang kulay itim na paligid.

Kaagad ding nawala ang dalawang demonyo na para bang nilamon ng mga maliliit na hayop na 'to sa isang iglap.

"Oo nga pala, yung isa kong kasama!" Bulong ni Kael sa kanyang sarili. "Kailangan ko siyang puntahan." At hindi na binigyan ng pansin ng binata ang dalawa niyang kalaban matapos nitong malawa sa kanyang paningin. Sa isip niya, kailangan naman niyang alalahanin ang babae niyang kasama.

"Teka pa'no ba?" Nagaalinlangang tanong niya sa kanyang sarili habang napapatigil sa mga nais niyang gawin.

Hindi niya kaagad na magawa ang kasunod niyang hakbang sapagkat hinaharangan ng mga paniki ang paligid at siya ring tumataklob sa paningin ni Kael.

"Heildygard! Nasa'n ka?!" Malakas niyang sigaw.

Walang ano mang tinig ang tumugon matapos no'n.

Isa pa sa nakakasagabal sa kanya ay ang maingay na huni ng mga paniki dahilan upang hindi marinig ang kanyang boses.

"Tsss!" Iniwagaswas ng binata ang kanyang mga pakpak upang mabugaw ang mga pesteng hayop na 'to at para mahawan ang paligid. Subalit dahil sa sobrang dami nito, hindi gano'n naging kadali ang kanyang hakbang.

-

Redthiem Continent, Ionia.

Habang nasasaksihan nina Lukas, Kye at ng kanyang mga kasapi ang paglalabanan nina Kaz'rel at Devora na kung kung saan nagtatagisan ang dalawang ito ng kapangyarihan. Napagisipan at buo na ang desisyon ni Kye na gamitin itong opurtunidad upang makatakas.

"Lukas, pa'no kaya kung iwan na natin si Kael, umalis na tayo, para rin naman sa kapakanan ng nakararami 'to eh. Seryoso, napagisipan ko na 'to." Nagaalalang sambit ni Kye.

"Sighh…" Buntong hininga ni Lukas nang marinig niya ito. "Sige, ikaw ang masusunod, basta papasanin mo ang pananagutan at responsibilidad sa pakay mo. Pangunahan mo ang paglisan at magiingat kayo."

"Kayo?!" Pagtataka ni Kye. "Ibig mong sabihin hindi ka sasama?" Tanong nito kay Lukas.

"Maiiwan ako dito, hindi ko pa nagagawa ang buong lakas ko, para sa'kin hindi pa ito ang oras para umurong. 'Wag kang magalala gagawin ko makakaya ko para ipaglaban at maibalik sa'yo ang kasintahan mo." Ani Lukas kay Kye na may halong pagbibiro.

"Tsk. Eurie, Nathalia at Vella. Sumunod kayo sa'kin." Sambit ni Kye at hindi na pinansin pa ang sinabi ng prinsepe. Pinangunahan ng lalaki ang paglisan hanggang sa nagsimula na silang apat humakbang palayo upang makaalis sa kaguluhang 'to, alang-alang sa kanilang kaligtasan.

Hindi pa man sila nakakalayo ay may biglang bumagsak sa kanilang dinadaanan at kaagad na bumugad sa kanila ang isang nilalang na nakasuot ng isang hood, may malaking katawan at braso. May dala itong malaking palakol at makikita ang kakaibang kulay ng kanyang balat sa kanyang kamay at braso. Mamula-mula at may mga pilat na nakamarka rito.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon