CHAPTER 14: Decision

843 87 1
                                    

Kael's POV

"Ginoong Griffinscar, kamusta." Wika niya mula sa kanyang kinauupuan sa madilim na sulok.

Nasa loob kami ng Adventurer's guild building, kaharap ko ang isang lalaking tumawag sa'kin mula sa madilim na bahagi ng gusaling ito. Liban sa'ming dalawa na naguusap, kasama ko dito sa loob ang ilang senior adventurers na wala namang pakialam sa nangyayari, abala lang sa pagsusugal o paglalaro ng cards sa isang mahabang lamesa.

Nanatili akong tahimik at walang kibo sa pagkakatayo. Nakakapagtaka lang, sino ba 'to at ba't niya ako hinahanap.

Tumayo siya at nagsimula nang magsalita kung kaya't pinagmasdan ko siya at pinakinggan. "Napakaganda ng alaga mong pusa, mahilig ka pala sa hayop. Natutuwa naman ako at sa wakas nagkita tayo."

"Sino ka? At anong kailangan mo bakit mo ako hinahanap?" Seryoso kong tanong.

"Kilala kita, kaya kita hinahanap. Ako si Prince Lukas Walthrone, anak ni King Luhar at Queen Merrida ng Dyfyr Kingdom." Sagot niya habang naglalakad papalapit sa'kin. "Masaya akong makilala ka ginoong Kael Griffinscar." Dugtong niya at bahagya siyang tumungo habang nakadikit ang kanyang kanang kamao sa kanyang kaliwang dibdib. Indikasyon ito na nagbibigay siya ng galang.

Nang unti-unti na siyang natatamaan ng liwanag, naaninag ko na ang kaniyang itsura. Matangkad siya at mahaba ang kanyang buhok na umaabot sa kanyang balikat na kulay tanso. Meron siyang pares ng ginintuang mata at makapal na kilay. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang labi. Liban na siguro sa pagiging tanyag niya bilang isang prinsepe, ang itsura niya marahil ang dahilan kung bakit nagkakagulo sa labas.

Nakasuot siya ng isang asul na coat na gawa sa mamahaling tela at chain armor. May espada siya sa kanang bahagi ng kanyang beywang, at mukhang solid ang pagkakagawa. Pares ng puting cuffs, pantalong itim at pares ng boots.

"Anong pakay mo?" Tanong kong muli.

"Wala akong masamang pakay, bagkus, naririto ako upang alukin ka na sumapi sa aking partido Ginoong Kael Griffinscar… alam ko na batid mo ang bagay na ito dahil nagpakalat ako ng impormasyon at nagpaskil tungkol dito sa buong Levorania." Magalang niyang sabi. "Kinukuha ko ang sino man na may alaga o may kakayahang kumontrol sa isang dragon upang maging kasapi ng 'Divine Blade Alliance' sa ilalim ko."

"Kung gayon nagkakamali ka, oo, isa akong Beast Tamer pero wala akong alagang dragon." Pagsisinungaling ko.

Natawa siya matapos marinig ang aking sinabi. "Hahahahaha… hindi mo 'ko maloloko ginoong Griffinscar. Nakakalimutan mo yata na gamit ang <Appraisal Skill> ay nababasa nito ang stat ng isang nilalang maging ang Beast partner na meron siya."

T-tama siya wala akong maiitagong Beast, 'di 'ko kayang makakapaglihim ng bagay sa kanya.

"Kung meron man, wala akong balak na umanib sa'yo. Patawad pero hindi ko matatanggap ang inaalok mo." Seryoso kong sambit.

"Importante ang mission na ito at kailangan ko ang tulong mo! Ginoong Griffinscar…!" Ani Lukas.

"Bakit ako pa? Gaano kaimportante?"

"Importante…" lumapit siya ng husto at bumulong sa aking kanang tenga upang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. "Pero hindi dito. May lugar na pwede ko sa'yong sabihin." Aniya habang unti-unti niyang inaalis ang pagkakalapit ng kanyang bibig sa'king tenga. Tumitingin-tingin siya sa kasama naming tao dito sa loob upang masiguro na walang nakarinig.

"Bahala ka, salamat nalang sa inaalok mo pero meron akong dapat na mas pagtuunan ng pansin. Pasensya na pero hind--" naputol kong wika.

"Ibibigay ko sa'yo kahit na ano, ginto, kapangyarihan… makumbinsi ka lang na umanib sa partido ko. Mahalaga ito para sa lahat, naiintindihan mo ba?!" Malakas niyang sambit sa hindi inaasahan. "Ano pang silbi ng pagiging Beast Tamer mo, kung itong job mo ay hindi magagamit sa tama."

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon