CHAPTER 40: The Figther's Past

301 40 1
                                    

(Kye's backstory: 8-year-old Kye to Present)
Kye's POV

Swadia Continent, Dyfyr Kingdom.

12 years ago...

"Apo gising na! Tanghali na, ano kaba. Binibisita ka ni Eurie, ayaw mo ba makipaglaro sa kanya." Malambing na wika sa akin ni lola habang tinatapik ako sa'king likod.

Dagli akong napamulat at nagising nang marinig ko ang pangalan ni Eurie kung kaya't napabalikwas ako at napatayo mula sa papag na aking hinihigaan saka umalis dito.

"Magandang umaga lola." Bati ko sa kanya. Matapos ilang buwan, bumisita siyang muli, masaya 'to.

"Apo, ayusin mo muna sarili mo bago ka lumabas. Magmumog ka at maligo muna." Pahabol niyang wika.

"Opo la." Sagot ko.

Agad akong nagtungo sa banyo at ginawa ko ang dapat kong gawin dito, ang maligo, magsipilyo o sa madaling sabi linisin ang aking sarili at hanggang sa simulan ko na ang mga ito...

Nakatira ako sa kaharian ng Dyfyr, sa payapang pamayanan at sa maliit at masayang tirahan kasama ng aking lolo at lola. Isang kawal ang aking ama sa palasyo at ang aking ina nama'y namayapa na noong nakaraang taon dahil sa malubhang sakit.

Masakit para sa akin ang nangyari sa aking ina, pero tinanggap ko nalang at kinaya, naniniwala naman ako na nandito lang siya sa paligid, gumagabay at binabantayan ako palagi.

Halos ang lolo at lola ko nalang ang nakakasama ko sa buong buhay ko, magulang sila ng aking amang kawal na mas pinoprotektahan pa ang palasyo kaysa sa aming pamilya.

Hindi ko siya madalas nakakasama kasi mas madalas siya doon, pakiramdam ko tuloy wala na akong halaga sa kanya. Isang beses lang siyang umuwi kada buwan, kung minsan nakakaligtaan pa niya. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit ang layo ng loob ko sa kanya.

Pero salamat pa din dahil sa kanya naman daw nanggagaling ang pinantutustos namin sa araw-araw at pamparal sa'kin.

"Apo bilisan mo na, naghihintay sa'yo si Eurie sa labas." Wika muli ng aking lola matapos kumatok sa pintuan ng banyong gawa sa kahoy.

"Sige po." Tugon ko. Dagli ko nang binilisan ang pagbuhos ng tubig sa'king sarili saka nilinis ko ang aking bibig at ngipin upang masiguro kong walang amoy at magmukha akong presentable sa harap ni Eurie.

Nakakahiya lang kasi haharap ako sa isa sa mga kilalang pamilya ng Yeriah, ang Eastwood Family. Kahit ilang taon ko na siyang kaibigan, medyo naiilang pa rin ako sa kanya, bukod sa tanyag ang pangalan nila ay lubhang nakakatakot ang kanyang ama, napakasungit at istrikto.

Siya ang pinakauna kong naging kaibigan, siya mismo ang lumapit sa'kin. Noon kasi, sa pakiramdam ko... wala ang may nais makipagkaibigan sa'kin at isa pa nahihiya ako na makihalubilo sa ibang bata.

Pero noong nakikila ko siya dito rin mismo sa Dyfyr, sa isang kalsada malapit lang rin sa bahay namin...

...habang nakatungo akong naglalakad, malungkot ako no'ng araw na iyon, wala namang masayang araw akong nararanasan, ay bigla ko siyang nakasalubong daan at tinanong pa niya ako kung ayos lang ako.

Hanggang sa ipakilala niya ang sarili niya at magsimulang makipagkaibigan sa'kin na agad kong sinangayunan.

Mula noon... tatlo o dalawang beses sa isang taon ay napaparito siya kasama parati ng kanyang ama upang makipaglaro sa'kin bilang magkaibigan.

Wala na akong ibang kaibigan kung hindi s'ya lang, kaya bihira ko lang din maenganyo ang sarili ko, kung kaya't sabik na sabik ako parati sa t'wing pumupunta siya rito. Ngayong araw bahala na sa mangyayari ngayon, basta isa na namang masayang araw ito parati sa akin.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon