CHAPTER 64.3: Eurie's Counterpart

126 21 2
                                    

Kael's POV

"Bakit gano'n?" Mahinang tanong ni Kye sa kanyang sarili dahil sa pagkalito base sa nasasaksihan niya pero rinig ko naman dahil kaharap ko lang siya.

Nakatingin siya kina Vella at Eurie na para bang may malalim siyang iniisip. Isa pa, mababakas sa mukha niya ang pagtataka at pagkagulat. Halata naman, kasi may namumuong pawis sa gilid ng kanyang mukha na para bang kabadong-kabado at malamang sinamahan pa 'to ng mga pinoproblema n'ya ngayon na tumatakbo sa kanyang ulo.

"Baka naman nahamugan lang mata mo. 'Yang kasama ni Vella, si Eurie talaga 'yan." Wika ko kay Kye. Pati ako, 'di ko maintindihan sinasabi niya at nawiwirdohan na ako.

"Hindi… seryoso ako. Kasama ko si Eurie mula pa kanina. Iniwan ko sila ni Nathalia sa harap ng templo para umihi lang sandali." Aniya.

Sinubukan kong tingnan ang labas ng templo na tinutukoy ni Kye upang hanapin kung may ibang tao ba roon pero mukhang wala naman. Subalit may ilang puno kasing nakaharang, nasa isip ko baka naman nasa likod sila ng kung anong bagay.

Nakarating at nakalapit sa'min sina Vella. Kasabay no'n, ang biglaang paghawak ni Kye sa kamay at balikat ni Eurie habang pinapakiramdaman niya 'to. Nagulat ako sa ginawa ng lalaking 'to dahil para siyang manyak kahit na alam kong nahahagas ito sa sitwasyon niya ngayon at gusto lang makasiguro kung tunay ba 'yung kasama namin ngayong elf.

Dahil dito medyo nailang si Eurie sapagkat niya inaasahan na mangyayari ito at gagawin ito sa kanya.

"Hoy-hoy, teka lang, sandali Kye ano bang nangyayari. Kumalma ka muna, saka ka magsalita." Sambit ko sa kanya.

Matapos kong magwika ay huminga siya ng malalim at kaagad na bumitiw sa pagkakahawak niya kay Eurie.

"Kung totoo mang nahahawakan ko si Eurie na kasama natin ngayon. Gano'n din yung nakahalubilo namin ni Nathalia kanina. Nakakausap ko siya at normal siyang kumikilos. Gano'n pa man, nagtataka ako kung bakit may isa pang Eurie na nagpakita sa'kin ngayon…" Hayag ni Kye.

"…sa'n n'yo sa nakita at kailan?" Pahabol niyang tanong.

"Sa likod ng templo, may kakahuyan ro'n. Natagpuan namin siya ni Kael na walang malay at tinulungan na makabawi ng lakas. Sa katunayan kanina pa sana namin kayo pupuntahan upang ipaalam na nahanap na namin si Eurie. Ang kaso nagkaroon lang konting problema kaya medyo natagalan kami." Paliwanag ni Vella kay Kye.

-

Kael's POV

"Sigurado ka talaga Eurie na kaya mo na. Nangangamba kami na baka pinipilit mo lang makalakad." Sambit ko habang abala kami sa paglalakad. Sila lang pala, sa katunayan nakasakay ako kay Maria at hindi pa naman kami nakakalayo.

Hindi kasi kami kasyang tatlo. Kung may isasama man akong isa, hindi naman patas para sa maiiwan. Kung sakaling ako ang bumaba at silang dalawa ang pasakayin ko ay ayos lang sa'kin, ang kaso baka mawalan ng kontrol si Maria sa sarili at mapasama pa 'yong dalawa. Pwede naman akong umalalay na parang gagawin kong kabayo si Maria, hawak sa leeg at kontrol ang paglakad nito. Ayun nga lang wala akong tali na ipangsusuporta.

Ramdam ko kay Eurie ang konting pagkahilo dahil parang ang lambot niya kumilos. 'Yong literal na parang wala siyang sapat na lakas. Panigurado nahihilo pa 'to.

Nilisan ko ang pagkakasakay ko sa likod ni Maria at inimbitahan ko si Eurie na siya na lang ang sumakay dito. "Dito ka na!" Sambit ko rito. Ako nalang ang magpapaubaya…

Saktong pagkatapos kong magsalita at tapikin ang likod ni Maria. Agad siyang lumiit at mukhang ayaw niya magpasakay ng iba, may topak na naman pusa ko. Pagkatapos, mabilis siyang sumampa sa aking balikat at do'n na muling naglinis ng kanyang paa.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon