CHAPTER 50: Her Presence

278 36 2
                                    

Lass' POV

Avadean Ocean, Orange Island of Dawn.

Unti-unti kong naiimumulat ang aking mga mata habang ramdam ko sa aking sarili ang pagkakaroon ng kaunting malay. Umaga... maliwanag at maayos ang panahon, pero ang sarili ko, parang 'di pa ako mapalagay.

Pakiramdam ko may malaking bagay na nakadagan sa'kin, dahil ang bigat huminga. Tanging natatanawan ko lang asul na langit at hindi ko pa magawang makatayo o siyasatin kung nasaan ako.

Pero sa tingin ko wala na ako gitna ng karagatan, salamat naman nabuhay pa ako matapos ang napakalalang trahedyang nangyari. Isa pa, ramdam ko na sa lupa na nakalapat ang aking katawan kaya isang pasasalamat na rin 'to at nabigyan ako ng isa pang pagkakataon para mabuhay. Bwisit na Heildygard 'yan.

Gayon pa man, wala akong ideya kung saan ako napadpad o kung ano itong lugar na 'to. Pero bago muna isipin 'yon, sinubukan... kong tumayo kasabay ng pagkakapansin ko sa isang taong nakadapa habang nakapatanong ang kanyang ulo sa'king dibdib.

Magulo ang kanyang kulay rosas na buhok maging ang kanyang kasuotan kaya masisiguro kong isa s'ya sa mga nakasama ko sa barko habang nangyayari ang bagyo.

Agad na nagbago ang aking emosyon matapos kong matukoy kung sino s'ya. Mula sa galak at pasasalamat na nararamdaman ko'y napalitan ito ng pagkadismaya.

"Heildygard..." Seryoso kong bulong at napangisi nalang ako matapos ko s'yang makita. Dagli kong kinapa ang aking espada sa paligid upang kunin ito para sa isang bagay na nais kong gawin.

Ramdam ko na nakahiga ako sa malalambot na damo... pero ang armas ko...

Sanay ako sa brutal na pagpatay sa sino mang tumatraydor o nangaabuso. Wala akong kinikilala, basta kung nais ko 'tong gawin, itutuloy ko.

Nang makuha ko ang aking sandata mula sa'king tabi ay agad ko itong itinaas at itinutok sa likod ni Heildygard upang tapusin na ang buhay n'ya dahil sa pagtatraydor niya sa'kin na halos ikamatay ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga ginawa niya pero...

Naglabas ako ng maraming hininga habang nangingilig pa ng kaunti ang aking braso pero 'di ko na pinansin 'yon, basta susundin ko ang nasa loob ko. Dagli kong ibinaba ang aking sandata dahilan upang tumusok at bumaon ito sa lupa at mabigo ako sa aking balak.

"Hindi ko kaya... ayoko." Malungkot at mahinahon kong imik sa aking sarili matapos kong ilihis ang tatamaan ng aking espada. Matapos kong magsalita ay dahan-dahan kong inalis si Heildygard mula sa pagkakadagaan niya saka tuluyang bumangon at pinagmasdan siyang mabuti.

<Appraisal Skill>

------------------------------------------

Name: Heildygard Amberleen ‹Lv. 32›

Age: 19

Gender: Female

Race: Human

Job: Priestess

HP: 1220 / 2675

MP: 30 / 4300

Affinity: [Water]

------------------------------------------

"Walang mana. Kawawang bata." Mahina kong saad matapos mabasa ang kaniyang status. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'min pareho. Pero sa ngayon medyo nawawalan na ako ng pakialam sa kanya.

Kumpara noon, mukhang 'di ko na magagawa na pagkatiwalaan pa siya. Nakakawalang ganang umintindi sa kanya o tulungan siya sa kanyang gusto. Sa totoo lang, no'ng sa barko pa kami gumaan na loob ko sa kanya, sa ngayon 'di na siguro...

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon