CHAPTER 51: His Night and Her Day

232 33 1
                                    

Lass' POV

Avadean Ocean, Orange Island of Dawn.

"Hoy lalaki! Hindi ka pa ba matutulog?" Masigla niyang sambit sa'kin na parang hindi pa inaantok, pero gano'n pa din may halong pagmamataray ang tono ng kanyang boses. Ganadong-ganado at tuwang tuwa sa nangyayari.

Malalim na ang gabi at nakaupo ako sa ilalim ng isang puno habang tintanaw ang kalangitan na binubuo ng napakaraming bituin at ang tumpok nito na may kahalo pang ibang liwanag na sabi sa akin ay isa raw itong kalawakan.

Napakagandang pagmasdan lalo na't nakatapat ito sa karagatan na walang humaharang kaya nakikita ko ito ng buo. Madalas ko nang nakikita ang mga ganito at halos nagagawa ko na ito sa pang araw-araw lalo't buong buhay ko sa barko na ako nakasampa at nililibot ang karagatan.

Hindi na bago para sa'kin, kung baga aliwan ko nalang sa t'wing hindi ako nakakatulog sa gabi. Nagiisip, nagmumuni-muni o kung minsan gumagawa ng sarili kong pantasya.

Napakaganda ng ganitong pagkakataon lalo't kung magisa ka lang… pero hindi, may isang pasaway pa ang lumapit sa'kin at mangunguli ng kung ano-ano o magtatanong ng maraming bagay tungkol sa paligid.

At 'yon ay si Heildygard na humaharang sa kalangatian upang hindi ko makita at mabaling sa kanya ang atensyon ko. Binigyan ko lang siya ng seryosong tingin at hindi nagpakaalis sa aking pwesto. Bahala s'ya r'yan, kung tutuusin pwede naman ako matulog dito sa kinasasandalan kong punongkahoy.

Kanina pa s'ya parang siglang-sigla, parang bata na animo'y ngayon lang nakakita ng ibang bagay. Oo nga pala, mula pagkabata nito 'di 'to pinapayagang makalabas at nakakulong lang sa kanilang palasyo. Pangarap nga pala niya ito, kaya medyo bano sa bagong mundo niya.

Isa pa… nagkaayos naman na kami. Parang bata lang, away-bati.

"Hoy ano ba?! Pansinin mo 'ko…" pangungulit n'ya sa'kin. "Hoy Lass… alam kong 'di ka pa inaantok, bantayan mo ako maglalakad lang…"

Lakas makapagutos na akala mo isa ako sa mga tagasunod n'ya. Isa naman s'ya sa dahilan kaya 'di ako makatulog. Bukod sa inaalala ko ang mga gagawin n'ya sakaling makatulog ako, madalas siya mambulabog at 'di mapakali sa kanyang gagawin kaya pati ako naapektuhan.

"Matulog ka na." Seryoso kong utos.

"Sige na…!" Pangungulit niyang muli habang hinahatak ang aking braso upang tumayo subalit pinapabigat ko ang aking sarili upang hindi sumama sa kanya. "Minsan lang 'to, ayaw kong palampasin ang pangyayaring ito." Dagdag niya.

Bulag ba siya?! Anong minsan baka nga magtagal pa tayo dito eh. Gusto kong sabihin sa kanya pwede naman n'yang gawin nalang ito sa susunod na gabi. 'Di ko din masisi kung sabik s'ya… yun nga, may dahilan.

"Akin na 'to." Wika n'ya kasabay ng mabilis niyang paghablot sa'king pulang bandanang nakatali sa ulo ko. Nakuha niya ito at dali-daling nagtakbo palayo sa'kin nang nakatawa.

Talagang nagpapahabol pa siya, na akala niya pilit akong tatayo dito at babawain ang gamit ko. Bahala pa siya. Gawin n'ya ang gusto n'ya basta ako tamang upo nalang sa tabi ng puno.

Mas maganda kung papanoorin ko nalang siyang nagsasaya sa ilalim ng nagkikislpang bituin habang pinakikinggan ang hampas ng alon at masaya niyang tinig na masarap sa tenga.

Nakakaaliw sa totoo lang, ang makita siyang masaya at nakangiti sa nangyayari. Patakbo-takbo at ang hilig usisain ng mga bagay. Siguro hindi n'ya malilimutan ang pangyayaring ito. Nagmula sa trahedya pero nasuklian naman ng magandang dulot para sa kanya.

Masaya ako sa nangyari sa'min, kahit ang 'di ko lang gusto ang kanyang asal kung minsan. Ang mapadpad dito nang kami lang at makilala pa siya lalo, ayos na sa'kin, magaan sa pakiramdam.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon