CHAPTER 80.1: Lament of the Beast Tamer

116 8 4
                                    

Kael's POV

As'wrat, Vestibule of Hell.

"MGA PUT*NGINA KAYO!! Harapin n'yo 'ko MGA DIABLO!" Nanggigil at mapoot kong sigaw dito sa mistulang kwebang lugar na ito.

Ako lang ang taong naririto, kulay pula ang buong paligid at may mga kulay itim na apoy sa bawat sulo. Sa wari ko nga'y impyerno na 'tong napasukan ko.

Kahit saang sulok, kahit na ako lang ang naririto, naririnig ko ang iyakan ng mga tao na akala mo'y kinakatay na hayop. Sigaw at pagdaing ng mga taong nilalatigo sa katawan, mga sinusunog na katawan, at ungol ng mga animo'y naglalakihang halimaw. Talaga namang katakot-katakot ang lagay ko ngayon parang bangungot lang, pero kung gano'n man ay mas hihilingin ko nalang na isang masamang panaginip ang lahat ng ito.

Parang naliligo na rin ako sa pawis dahil sa init ng temperatura dito sa loob, para akong iniihaw ng buhay. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko at uhaw na uhaw na ako sa tubig. At sa totoo lang, paos na paos na ako sa kakasigaw at ang daling mawala ng boses ko dahil sa putang*nang sitwasyon na 'to.

Nakaposas, nakabigti at walang kapalag palag ang sinasapit ko ngayon sa kamay ng pangkat ng demonyong kumuha sa'kin. Nababalot na ako ng dugo sa katawan, umaanod mula sa aking leeg pababa sa'king dibdib. 'Yon ay dahil sa bakal na nakakabit sa'kin dito at sa kapapalag ko ay nagdudulot ito ng sugat.

Hindi na bale ang sa'kit, ano pa bang pipiliin ko dito kundi lumaban o mamatay nalang.

Hindi ko talaga alam kung ano ba talagang nangyari sa'kin, kung paano ako nakarating dito… nagtataka nga ako kung bakit parang may malaking sugat ako likod, ramdam ko ang hapdi at parang nasusunog na pakiramdam. Sari-saring tanong na ang bumabalot sa aking isipan, pati sina Kye ay hindi ko alam kung nasa'n.

May tanikala ako sa'king dalawang kamay at paa, at nakakabit ito sa dalawang naglalakihang bato na pumapagitan sa'kin. Ang mas nakakapanglumo pa ay may nakabigti pa sa aking leeg na bakal.

Sinubukan ko nang tumakas sa paraan ng pagpapalit ko ng anyo, pero mukhang ang mabigat na bakal na nakawintas sa aking leeg ang humahadlang sa mahikang taglay ko.

Sinubukan ko na rin kumonekta kina Scub at Maria pero hindi talaga umuubra at mukahang naputol na ugnayan namin. Wala akong maramdamang presensya nila at heto walang magawa ang kagaya kong beast tamer. "T*ngina!! Scub! Maria!"

"Ohhh… hinahanap mo sila…? Hindi ko rin alam eh hahahaha~" Mapangasar na tinig ng babae ang tumugon sa'kin habang tinatawag ang mga pangalan ng mga alaga ko. "Pero may isang akong alam na kailangan mong malaman~" Dugtong niya.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa kanila!!" Coughhh* Namamaos kong sigaw.

"Nakakaawa ka naman… Wala naman kaming ginagawa." Aniya. Kami? Ibig sabihin may mga kasama pa 'to…

"Mahina ba ang loob mo?" Dagdag niya.

"Wala akong alam sa sinasabi n'yo! Mga g*go magpakita kayo sa'kin, harapin n'yo 'ko!" Sambit ko sa tinig na nangungusap.

Nang hinamon ko silang magpakita ay panibagong timbre ng boses ang nagsalita. "Matapang na bata… gusto ko ang personalidad mo." Sa pagkakatong ito, isang malamig at matyur na boses ng isang babae ang rumehistro sa aking pandinig.

Matapos nitong magsalita ay lumitaw ang apat na nilalang na may maiitim at kakila-kilabot na awra. Hindi ako nagpakita ng ano mang takot dahil mas nangingibabaw ang galit ko sa kanila. Sa isip ko, gusto ko na lang lumaban, wala naman na akong magagawa dahil bitag na ako ng kamatayan sa apat na 'to…

Dalawang babae at dalawang lalaking demonyo. Ang unang demonyo ay mataas at may malaking pangangatawan, at may dala itong palakol bilang kanyang armas. Pangalawa ay babaeng may pangit na itsura, payat at napakaduming tinggnan. Kabaligtaran naman ito ng isa pang demonyo na babae, malinis at disente ang itsura may dalang sinaunang gitara at mukhang ito ang namumuno sa pulotong na 'to at ang panghuli ay isang demonyo na may malamig na titig at maputlang balat may mahabang tenga at matutulis na pangil.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon