CHAPTER 80.2: Lament of the Beast Tamer

167 8 2
                                    

Kael's POV

*Tiwwwwwww…*

Muling tumunog ang gitara sa kasunod na pagkakataon, kasabay rin nito ang muling pagbabago ng paligid hanggang sa dinala ako sa tabi ng dagat na kung saa'y may dalawang taong nagdudwelo sa dalampasigan.

Makulimlim ang kalangitan at bahagyang lumalakas ang mga alon sa dagat na humahampas sa mga bato at ang hangin dito ay parang iba. Hindi pa ako nakakarating sa lugar na ito.

Ano na namang senaryo ito, ni hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkadismaya kong naramdaman kanina.

Isa pa, 'di ko rin alam 'to at wala akong naaalalang ganitong eksena sa buhay ko. Hindi ko 'to alala pero bakit kailangan pang ipakita sa'kin.

"Ackk…" Daing ng isang lalaki na tila ba'y sinasakal. Ang boses na 'yon… LASS?!

Bigla akong binalot ng tanong sa aking isipan nang marinig ko ang boses niya. Namuo sa isip ko ang kyuryosidad at pangamba dahil sa kung anong bagay ang kailangan kong malaman ukol dito. Mga demonyo talaga… ano kayang nais nilang laruin? At p-paanong ako nandito?

Dagli kong pinansin ang kaganapan sa dalawang taong naglalaban upang usisain at masdan ang pinangyayarihan.

Kagaya ng nabanggit ko, kumpirmado na si Lass nga 'yung narinig ko, matutukoy sa ayos ng buhok, ang pula n'yang bandana at ang istilo ng kanyang pananamit. Sakal-sakal siya ng isang estrangherong sa tingin ko'y may kahusayan sa mahika dahil sa dala niyang grimoire.

Nanghihina at paralisado ang lagay ni Lass na para bang may naiipong kuryente sa kanyang katawan, espisipiko sa kanyang braso.

Lumapit ako para tingnan nang maayos ang nangyayari. Alam kong wala akong magagawa pero hindi rin naman nila ako makikita dahil sa ilusyon na 'to.

Matapos ang mabilisang paghakbang, nang makalapit ako ay agad kong napansin ang isang bagay na ibinaon sa leeg ni Lass ng salamangkerong katunggali niya. Isa itong tinik na tumusok at bumaon sa balat ng kaibigan ko.

Tila ito ang binibigyang punto ng kung kanino mang ala-ala 'to. Ito ang pinakita sa'kin pero bakit kaya? Anong kinalaman nito.

Habang nakatayo at nakatulala at iniisip ang bagay na iyon.

*Toonggg*

Biglang tumunog sa ibang key ang gitara na nariring ko. Matapos no'n biglang nagiba ang ihip ng hangin, bumilis ang alon sa dagat, galaw ng ulap at ang paglubog ng araw. Sa kabuuan nabago ang espasyo at oras sa mga sandaling ito.

Wala pang isang minuto ang nakakaraan nang bumalik ito sa normal, nakaramdam ako ng mga patak ng tubig mula sa langit na tila ba'y bubuhos ang malakas na ulan maya-maya. Naririnig ko rin ang pagkulog at pagkislap ng kilat sa loob ng maiitim na ulap sa kalangitan. Lumamig ang klima kung kaya't napakuyumos nalang ako ng braso.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang magobserba sa paligid. Gabi na… bulong ko sa'king sarili.

Maliban sa'kin, wala na akong makitang tao sa paligid. Nawala si Lass pati ang pulutong ng mga salamangkerong napadpad sa lugar na ito. Habang iniisip ito, tumambad sa harap ko ang isang alitaptap na nagpapaikot-ikot sa aking ulo. Hm… umaambon tapos may nakikita akong ganitong hayop na wala sa silungan.

Nagtaka na ako, parang may iba. Lumipad ito palayo at sinundan dahil sa misteryoso nitong paglitaw. Tinahak ko ang kakahuyang maari kong silungan bagama't hindi naman ako nalalayo sa dalampasigan.

Sa kakalakad ko, nadadaanan ko ang sukalan ng mga nagkalat na dahon, iba rito'y tuyo at bagong pitas pa, at sa pagsunod ko sa alitaptap agad na nabaling ang tingin ko sa isang silungan o bahay na tila ba'y gawa ng isang tao mula sa pinagtagpi-taping kahoy, dahon at kawayan. Maliit lang ito, siguro kasya ang isa o dalawang tao. Hindi ko lang madetalye nang maayos sapagkat madilim ang paligid.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon