CHAPTER 81: Reunion

221 10 2
                                    

Vestibule of Soul Prison, Telos.

Sabi nila, sa pagkamit ng kamatayan, may dalawa kang bagay na pamimilian. Muling bumalik sa pagkabuhay subalit sa ibang anyo o tumawid na sa destinasyon na kung saan makakamit mo ang nararapat sa'yo. Reinkarnasyon o Eternal na buhay.

Kael's POV

Yapak ng isang tao mula sa tunog ng bota ang unti-unting lumalapit habang maririnig ang kaluskos ng mga dahon at damo na tila ba'y ginagamas at hinahawi 'to ng kung sino mang dumadaan.

Normal ang panahon, pero mararamdaman mo ang maginaw na pagihip ng hangin, maririnig ang pagsipol nito na nakakapagpatayo ng balahibo. Maririnig rin ang paghawi ng mga puno kasabay ng pagkikiskisan ng mga sanga nito. Sigh… ang lamig.

Sa isang gubat, ako'y nakupo sa ilalim ng isang puno, sa isang trosong nakatumba. Wala akong ibang kasama, liban na lang sa isang nilalang na naririnig ko sa paligid. Hindi ako nakakaramdam ng pangamba o takot mula rito, tao man s'ya o mabangis na hayop, bahala na kung sino ang lumitaw sa harap ko ngayon.

Gabi na't madilim dito sa kinalulugaran ko, tanging ang maliit ko na lampara lang ang pinagkukunan ko ng liwanag. hanggang sa paghihintay...

Narinig kong may sinasabi ang taong lumalabas mula sa mga damo at halaman. Hindi ko siya pinapansin dahil may mas malalim pa akong iniisip.

"May tao…" Aniya. Boses ng lalaki...

"Hoy! Naghahanap ako ng kayaman." Tawag niya sa'kin at malagong ang timbre ng kanyang boses. "May ginto ka ba d'yan o kung ano mang bagay na hihigit pa sa halaga nito?"

Ang boses na 'yon…

Mabilis na nagbago ang emosyon ko at nakaramdam ng sigla nang makilala ko ang lalaking tumawag sa'kin. Napaharap ako at inusisa ang kaniyang wangis. Bagama't madilim at hindi ko s'ya masyadong maitsurahan, dagli kong kinuha ko ang aking lampara at itinapat ito sa kanya.

"Kael… kalma ka lang..." Aniya.

Napalunok ako ng laway nang makilala ko kung sino ang misteryosong lalaki ang bumungad sa'kin.

"Lass... Totoo bang… ikaw 'yan?" Medyo nanginginig kong sambit. Nakakaramdam ako ng mabigat na emosyon na parang gusto kong maluha sa tuwa.

Ang kanyang tindig, itsura n'ya nang huli ko pa s'yang makita ay katulad na katulad ng nakikita ko ngayon.

"May iba ka pa bang kaibigang ganito katikas?" Pagbibirong sambit niya habang nakaturo sa kanyang dibdib.

Nagkatitigan kami at hindi sumagi sa isip ko na iwasan ko siya ng tinggin dahil pakiramdam ko… pa'no ba…

Ngayon ko nalang ulit nakita ang berde at mapungay niyang mga mata na tumutugma sa malamig na gabing ito. Napakaamo ng pakiramdam ko sa awra n'ya sa mga oras na ito. Habang ako naman, hindi ko na namamalayang tumutulo na ang luha ko mula sa aking mga mata. Hindi ko na namalayang may namuo nang luha bago ko pa maramdaman.

Habang nakatitig siya, sinuklian lang niya ako ng ngiti kasunod ay lumapit na s'ya nang husto sa akin hanggang sa nagkatapatan kami ng mukha. "Kamusta ka na?" Tanong niya. Hinawakan niya ang ulo at ginulo-gulo ito hanggang sa nagsimula na s'yang tumawa.

"Hahahahaha..."

Wala akong ibang masabi dahil sa pagkakabigla. Siguro, pinipigilan ako ng nararamdaman kong emosyon. Para akong patatas dito.

Gano'n pa man, halatang totoo yung kanyang tawa na para bang huling tawa na n'ya 'to sa kanyang buhay. Humahagalhak ng husto na para bang sasakit yung tiyan n'ya sa kakatawa. Ako'y ba'y pinagtitripan nito, may nakakatawa ba sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon