CHAPTER 64.1: Eurie's Counterpart

131 27 2
                                    

Kye's POV

Redthiem Continent, Temple of Ionia (Left Side)

"Eurie nasa'n ka na!" Sigaw ko sa paligid habang patuloy ang paghahanap namin sa kanya.

"Eurie!" May ilang minuto na rin akong sumisigaw rito kakahanap. Sa'n naman kaya napadpad 'yon… kung sabagay, base sa ulat nina Nathalia, wala raw siyang malay kaya siguro kahit anong sigaw ko walang tutugon.

"Ano 'yon?" Sambit ng isang nilalang na may malambing at masayang tono. Tumigil kami pansamantala ni Nathalia at pinakiramdaman ang boses na sumagot. "Hinto."

Binantayan naming magpakita kung sino yung sumagot. Alam kong boses 'to ni Eurie pero hindi ako dapat magtiwala masyado, lalo't nasa hindi pamilyar na lugar kami.

Ilang saglit pa sa aming paghihintay ay lumitaw ang isang elf mula sa likod ng puno na may masayang bungad sa'min at dahil do'n gumaan ang aking loob matapos kong mapagtanto na si Eurie pala talaga. At napatunayan ko sa kanyang wangis at masayang itsura o sa natural niyang dating.

Nakahinga ako ng maluwag at nawala ang pangamba ko matapos kong makita na ligtas at mabuti ang kanyang kalagayan. Maayos siyang nakakagalaw at nakakapagsalita.

"Maayos lang ako, 'wag kayo magaalala sa'kin." Ani Eurie habang masaya ang mukha.

"Natutuwa naman ako na hindi na kami nahirapan sa paghahanap at mabuti ang lagay mo ngayon. Namataan ka kasi nina Nathalia na walang malay na nahulog mula sa tulay at naisip namin kung napapaano ka na." Hayag ko rito.

"Salamat sa pagaalala. Medyo nahilo lang ako kanina, pero ngayon ayos na ako kaya lang medyo masakit pa rin ang aking ulo pero kaya ko naman." Muli niyang sambit.

"Walang ano man." Wika ko matapos kong tumango. "Mabuti pa bumalik na tayo, puntahan na natin yung dalawa at ipaalam na nakita natin si Eurie." Sambit ko kay Nathalia.

"Nasa'n nga pala yung iba nating kasamahan?" Tanong ni Eurie.

"Sina Kael nando'n siya sa kabilang direksyon kasama si Vella. Naghahanap din sila sa'yo." Saad ni Nathalia habang itinuturo ang kinaroroonan ng tinahak nung dalawa.

"Kael… Sabi ko nga. Nasa'n siya, gusto ko na siya makita." Masayang hiling ni Eurie na may halong pagkasabik. Anong meron… ba't? Hindi, baka naman may importante 'tong pakay sa lalaking 'yon, ano bang iniisip ko.

"Hm? S-sige, oo." Nauutal kong tugon matapos kong marinig ang winika n'ya na hindi ko alam kung bakit apektado ako.

"Sumuod ka nalang sa'min."

Nagsimula kaming malakad pabalik upang tuntunin ang kinaroroonan nina Kael at Vella dahil sa kagustuhan ni Eurie at… hakbang pala talaga namin, kailangan na naming magtipong lima.

Gano'n pa man, masaya naman ako na makita ko siya ng ligtas. Medyo awkward lang kasi nanunumbalik sa isip ko ang mababaw na dahilan kung ba't kami nagkatampuhan noon. Pero ayos lang.

Habang naglalakad nagsimulang magtanong si Eurie tungko kay Kael.

"Kyelid, alam kong madalas kayong magkasama ni Kael, kwentuhan mo naman tungkol sa kanya. Pwede?" Aniya sa malambing na tono. Ahh… pa'no ba 'to, pagbigyan ko kaya siya.

"Sige na Kyelid, kahit konti lang. Sabihin mo lang kung saan siya takot, ipangaasar ko lang sa kanya kung nagkita kami." Dagdag niya.

Napatingin ako saglit sa kanya kasi parang iba ang kinikilos niya. Sa totoo lang nawiwirduhan na ako. Una, tinatawag niya ako sa buo kong pangalan, sa naalala ko s'ya 'tong una kong kaibigan na tumawag sa'kin ng Kye. Pangalawa, kailan pa niya natutunang mangasar. Nagtataka lang ako, parang ayaw ko na tuloy magbanggit ng napaguusapan namin ni Kael.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon