CHAPTER 27.2: Kids versus The Prince

436 61 0
                                    

Third person's POV

"Ano Lukas kaya pa ba?" Sambit ni Kye sa isang lalaking iniinda ang sakit ng kanyang pulsuhan, si Lukas. Umiling lang si Lukas at muling kinuha ang espada sa lupa gamit ang kanyang kanang kamay, kung saan wala itong damage at naigagalaw niya ng maayos.

"Round two." Tugon nito at ikinangiti ng binatang si Kye.

Habang ang binatang si Kael naman ay abala pa din sa pakikipaglaban sa dragon ni Lukas. Sinasalubong nito ang malalakas na hangin na ibinabato ng kalaban at tinutugunan ang bawat atake ng dragon sa kanila.
Madali nalang para sa kanya na talunin ito lalo na't mas mataas ang level ng kanyang beast partners kumpara sa dragong kinakalaban niya. At bukod pa roon tatlo silang nakikipaglaban laban sa isa kaya mas malakas ang kanilang pwersa.

<Magium Inferno> sambit ni Kael.

Ang Magium Inferno ay ang special skill ni Kael sa ilalim ng Fire affinity. May kakayahan itong baguhin pansamantala ang paligid kung saan nagkakaroon ito ng mga nagliliyab at nagbabagang apoy sa lugar na tinatapatan nito sa loob ng maikling oras.

Gayon pa man, matapos mabigkas ang skill na 'to. Nagsimula nang lumiyab ang kagubatan, lumindol ng napakalakas at naglabasan ang mga magma mula sa lupa na siyang nagkalat sa paligid.

Magagamit ito ni Kael upang mawalan ng pokus ang kinakalaban niyang dragon at magalusan ang balat nito sanhi ng mga init mula sa apoy. Mabisang paraan din ito para mas mapadali niya ang pagtapos sa dito.

Sa limitadong oras ng kanyang skill, hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang binata na atakihin ang kalaban at samantalahin ang pagkalito nito sa nangyayari. Agad na kinontrol ng binata ang kanyang sariling dragon at sumugod sa direksyon patungo sa kinalulugaran ng katunggali upang banggain at bugahan ng apoy sa katawan nito.

*GRRRUUUU*

At sa huli matagumpay niyang napatumba ang kalaban at tuluyan itong nanghina. Bumagsak ito sa lupa at agad na sinundan nila upang masigurong hindi na ito makakatakas. Kitang kita ang tuwa sa mukha ng binata dahil kahit papaano ay nabawasan ang kanilang kalaban at magiging malaki ang tiyansa nilang magwagi sa kanilang tunggalian laban sa Prinsepe ng Dyfyr.

Bukod doon matutulungan na rin ni Kael ang kasama niya na si Kye na talunin ang lalaking nagngangalang Lukas na nagpaparusa sa kanila.

Matapos lumapat sa lupa ang katawan ng kulay asul na dragon, agad na inipit ng kamay at paa ni Scub ang katawan nito. At dahil nanghihina na ang kalaban na dragon hindi na ito masyado pang makalaban at makatake sa kanila, gayon pa man, hindi nila ito pinaslang bagkus ay binantayan nalang at hinuli upang hindi na muling makawala.

"Scub, Maria kayo na bahala sa kanya, 'wag ninyong hahayaang makaalpas sa kamay n'yo." Utos ni Kael sa kanyang mga alaga. "Hahanapin ko lang si Kye."

Bumaba ito mula sa pagkakasakay niya sa kanyang dragon at tumakbo upang hagilapin ang kinaroroonan ng isa pa niyang kakampi sa loob ng nagliliyab na gubat…

Samantalang, ang binatang si Kye ay may abilidad na sumabay sa galaw ng apoy at hindi tinatablan ng init nito, kung kaya't madali siyang nakakakilos at nakakaatake sa kalaban niya na si Lukas. Hindi siya gumagamit ng anumang sandata upang makapinsala ng kalaban, tanging lakas lang ng katawan at istilo sa pakikipagdigma ang gamit niya.

Dahil sa pagiging bihasa niya sa pakikipaglaban at sa tinagal-tagal n'yang pagkatuto dito, napapantayan niya ang lakas at kakayahan ni Lukas at hindi siya basta-basta nagagapi o napapatumba nito.

"Mukhang gumagaling kayo ng kakampi mo." Sabi ni Lukas na seryosong nakatayo lang iisang pwesto kung saan walang apoy na malapit sa kanya.

"Kaya pa ba?" Tanong ni Kye.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon