CHAPTER 7: Girl of the Midnight Woods

1.2K 106 0
                                    

Kael's POV

"K-Kael anong ginagawa mo?" Pagtatakang tanong ni Lass habang nakatitig sakin ng masama. Ano nga bang nangyari? Bakit ito nakahiga sa lupa?

"Kael! Wala ka pa bang balak umalis d'yan?" Dugtong niya. "Hindi ka pa ba aalis sa pagkakapatong sa'kin?!"

Nagulat ako nang makita ang sarili ko na nasa ilalim ko si Lass at nasa gitna ng dalawa kong binti habang nakaluhod ako sa lupa. Dagli akong umalis sa pagkakapatong at agad ding tumayo upang ayusin ang damit at buhok ko. Maging ito di ko namalayang nagulo. "Aray." Sambit ko nang mapahawak sa aking mukha na medyo mahapdi. "Pinagsusuntok mo ba 'ko kanina?" Seryosong tanong ko kay Lass.

Bakas ng suntok, Magulong damit. Possible kayang nagaway kami? Pero paano, ang weirdo naman ng nangyayari.

"Syempre hindi, ako pa nga yata pinagsusuntok mo." Ani niya habang tumatayo mula sa pagkakahiga. Lutang din siya. Pero bakit parehas kami?

"Hay... Ano ba kasing meron sa lugar na 'to, bakit napakaweirdo"

"Di ka ba nagtataka? Walang monsters sa paligid at napakapayapa ng lugar. Kung tayo lang dalawa ang nandito at nagulat nalang bigla dahil parehas tayong may galos sa katawan at mukha, possibleng tayo lang ang nagkasakitan. Parehas tayong lutang kanina possible na may kumontrol sa pagiisip natin kaya wala tayong maalala." Paliwanag niya. "Yun lang ang sa tingin ko." Dugtong nito.

Naglakad-lakad kami sa gubat para maghanap ng monster na pwedeng nanakit sa'min, hanggang sa inaabot kami ng hapon kakalibot sa kagubatan.

"Hinatayin na natin lumubog ang araw, baka sa ganong oras sila lumalabas. Dito narin tayo magpalipas ng gabi kung ayos lang sayo?" Pangaalok ko.

"Sige, sangayon ako. Nakakasiguro ako iniwan naman na tayo sa barko." sagot niya.

Bago pa man lumubog ang araw nagsimula na kaming magipon ng mga sanga ng kahoy na magagamit namin para sa panggagawa ng apoy.

Malapit na magdilim at sinimulan na naming sindihan ang inipong sanga gamit ang apoy na binubuga ni Scub. Nasa ilalim kami ng mga nagtataasang puno habang nakaupo sa pinutol na kahoy at bato at masayang nagkekwentuhan ng mga bagay na mahahalaga tungkol sa aming buhay. Kaharap ko si Lass habang nasa tabi ko si Scub at kalong ko naman si Maria.

Habang lumalalim ang gabi nagbabago ang anyo ng gubat, nagkakaroon ito ng mga alitaptap na kung pagmamasdan ay parang mga butuin na nagkalat sa paligid. Ang mga dahon mula sa mga puno ay nagliliwanag, naghahalong asul at berdeng liwanag ang namumutawi sa madilim na gubat na ito. Kay ganda ding pankinggan ang awit ng mga ibon habang sinasabayan ng mga paro-parong nagsasayawan sa ere.

Parang nasa panigip lang, at kahit lalaki kami di namin maitatanggi na kami'y namamangha sa ganda at kaakit-akit nitong itsura.

Sabay kaming napapangiti at nasisiyahan ni Lass sa aming nasasaksihan. Ilang saglit lang may pumasok na alitaptap sa aking ilong dahilan para mabahing ako. "Achooo..!" Bwiset naman 'to.

"Hahaha..." Mahinang tawa ni Lass matapos makita ang nangyari sa'kin. "Napakaganda, hindi ba." Masayang sambit niya habang nakamasid sa paligid. Sa totoo lang parang ngayon ko nalang ulit nakita 'tong tumatawa, tuwing kasama ko kasi siya parati siyang seryoso at laging may iniisip. "Alam mo kung illusyon lang ito sana di na 'to mawala" dugtong niya habang pinapadapo ang isang paro-paro sa kanyang daliri.

Sa nakikita ko ngayon hindi ito yung Lass na seryoso, ibang iba siya kung tutuusin, siguro ito yung good side niya na ngayon ko lang nalaman sa tagal ng pagkakaibigan namin. Mas  mabuti na rin at mas lalo ko siyang nakikilala.

"Kaya nga sana hindi na matapos" sambit ko.

"Sana nga, pinapangarap ko din yan" ani ng isang babae sa malambing na boses na narinig namin malapit lang sa kinalulugaran namin.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon