CHAPTER 11: Farewell

890 87 0
                                    

Kael's POV

Tuluyan nang nagkamalay si Lass nagagawa na niyang makipagusap muli sa'min. Nandito parin kami sa bahay nina Eurie, masayang nagkekewntuhan, pero sila lang, na siyang nagpupuno ng tawanan sa loob ng bahay.

"Alam niyo, noong una kong sakay ng barko, para akong baliw na nagsisinigaw sa sobrang sabik." Kwento ng ina ni Eurie.

"Isinama ako ng ama ko noon para maranasan ko daw ang mamasyal, akala ko lubos akong maglilibang, pero hindi, inabutan kami ng malakas na bagyo at muntikan na tumaob ang sinasakyan namin dahil sa lakas ng hangin. At dahil, nandoon ako, mabigat ang sakay, hindi tumaob" pagpapatuloy niya.

Nagtawanan ang lahat, sina Lass, Eurie, at ang kanyang ina. Samantalang si Mr. Eastwood ay kanina pa nagtungo sa kanilang silid upang mamahinga.

Habang ako… iniisip ko pa rin ang nangyari kahit okay na ang lahat.

Kasalanan ko kaya kung bakit namatay si Lass? Magagalit kaya siya sa'kin pag nalaman niyang namatay siya?

Kasi… matapos niyang magising kanina sinabi ko lang na nawalan siya ng malay. Dahil sa takot na magtampo siya kung sakasakali, minabuti ko nalang na ilihim muna ito sa kanya.

Sana mali ang iniisip ko na magagalit siya. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin nang dahil sa tampuhan.

Shit… ang gulo!

Subukan ko na rin kayang lumayo sa kanya, nang sa ganon naman hindi na ako maging dahilan ng ikakapahamak niya.

P-pero ayaw kong iwanan siya. Baka isipin niya na kinakalimutan ko na ang pagkakaibigan namin, at ako pa ang unang tumalikod. 'Di ko na alam gagawin ko…

"Hoy Kael, anong nangyayari sayo? Tulala ka kanina pa." Nagtatakang sambit ni Lass matapos niya akong kulbitin.

Napakisap ako ng mata at napakamot sa ulo.

"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita pinagmamasdan parang wala ka sarili." Pagaalala ni Eurie.

"Kaya nga iho, may problema ba?" Tanong ng kanyang nanay.

"Ahh wala naman po, ayos lang ako, siguro dala lang po ng antok, dahil sa pagod." Seryoso kong sambit.

"Ay ganon ba iho… sige ihahanda ko na ang tutulugan, tatawagin ko nalang kayo 'pag handa na" masayang saad ni Mrs. Eastwood na agad ding tumayo.

Naiwan kaming tatlo dito sa sala, at tila ba'y may dumaang anghel at bigla kaming nabalot ng katahimikan.

"Kael?" Tawag ni Eurie

"Hmm?"

"Kanina ko pa napapansin iyang punit sa damit mo, gusto mo ayusin ko? marunong ako magtahi." Suhestiyon niya.

Naramdaman kong medyo namula ang pisngi ko at naginit ang bahagi dito sa may aking tenga. "A-ano?" Mahina kong wika.

"Sige na aayusin ko para sayo, hubarin mo na 'yang damit mo, tayo lang naman nandito eh kaya wag ka na mahiya." Masaya niyang sambit. "Wala namang ibig sabihin to eh" dugtong niya. Dahil dun tumayo ang balahibo ko sa gulat.

Tahimik at normal na pinagmamasdan kami ni Lass. Ano kayang iniisip nito?

"H-hindi na, ayos lang 'to, b-bibili nalang ako ng bago. Salamat." Di mapakali kong saad.

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa'kin habang nasa likod niya ang kanyang kamay.

Iniisip ko, ano bang gagawin nito. Napatitig nalang ako sa paglapit niya at napalunok ng laway.

"Hahaha… binibiro lang kita, masyado ka kasing seryoso kaya naisipan kong gulatin ka." Mahinhin niyang saad.

"Eurie, papuntahin mo na dito mga kaibigan mo, naayos ko na ang kwarto, pagpahingahin mo na sila." Sigaw ng kanyang nanay.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon