CHAPTER 23: Punishment

613 69 9
                                    

Kael's POV

Swadia Continent, Dyfyr Kingdom.

At ngayon, kasalukuyang nasa Dyfyr Kingdom na 'ko ngunit hindi ko pa nagagawang makakalapag sa lupa. Nasa himpapawid pa ako, nagpapaikot-ikot sa kaharian at naghahanap ng malawak na espasyong pwede kong pagbabaan.

Sa lawak ng kaharaing ito… wala ba silang lugar o maayos na lupain kung saan pwede bumaba ang isang dragon. Ang hirap din kayang bumaba sa gubat o sa labas ng nasasakupan nito tapos maglalakad ng napakahaba makarating lang sa mismong dapat karoonan ko, nakakatamad.

Kararating ko lang matapos ang kumulang isang oras na paglipad patungo dito–

*CREAKKK!* *Boshhhhh…*

"Sandali ano?!"

Hanggang sa… mamataan ko ang isang fireball na tatama sa'min mula sa isang defense tower ng kaharian. Sandali nga, anong problema nila? bakit nila ako inaatake. Ang bobo nila, hindi ako kaaway!

*WOOOOOOOOOOO…!"

Bwisit! Anong ginagawa nila?! Kailangan pa ba talaga nilang patunugin ang alarma ng kaharian. Gago ba sila, wala akong masamang gagawin.

"Kayong dalawa, 'wag ninyo silang lalaban kahit anong gawin nila sa'tin." Sambit ko kina Maria at Scub. 'Di ko lang maintindihan, training ba 'to o sadyang tingin lang sa'kin nila'y kalaban.

*BOOOSHHH!"

Minabuti kong mainipulahin ang mga galaw ni Scub, nang sa gano'n ay mabilis kaming makaiwas at hindi matamaan ng mga fireballs at arrows na ibinabato nila sa'min. Kaasar… bakit nila ginagawa ito, wala naman akong ginagawang masama.

"Itigil niyo 'yan!" Dinig kong boses ni Lukas. Sa wakas… may nakakilala din sa'kin. Nakahinga din ng maayos.

*Booomm*

At sa pagkakataong ito may isa pang fireball na tumama sa katawan ni Scub dahilan para mawalan siya ng balanse sa paglipad at lumagpak kami sa lupa.

At kagaya ng inaasan, 'di maiiwasan ang malakas na impact sa lupa at makaramdam ng pananakit ng katawan sanhi ng pagbasak namin. Sumunod naman ang dalawa kong alaga sa ipinagutos ko, hindi sila lumaban sa mga bobong mandirigma ng Dyfyr kahit na inatake kami.

Napakapraning naman ng mga tao dito. Pero kung sabagay din naman, baka nagiingat lang sila, batid na rin siguro nilang may kumakalaban sa kanila, kung tama man ang nahihinuha ko, sabihin ko pa kaya ang nalaman ko.

Tumayo ako at inayos ang aking sarili matapos lumagpak mula sa himpapawid. Medyo mataas din naman pinagbagsakan ko, siguro kumulang pitumpong metro ang taas. Masakit na nga katawan ko, nadagdadagan pa…!

"Ayos lang kayo?" Tanong ko sa dalawa kong alaga. Napadpad kami sa malawak na parke, na kung saan wala akong makitang taong naroroon bukod sa'kin. Mabuti nalang dito kami bumagsak at walang nadamay na iba, kung hindi baka masisi pa 'ko.

"Teka, oo nga pala, yung mga bulaklak?"

Naglakad-lakad ako upang hanapin sa paligid ang pahamak na bulaklak kung saan ito nalaglag. May sumpa yata 'yon, ang dami kong pinagdaanang pagsubok makuha lang ang letseng bagay na 'yan! Nako naman oh, 'di ko na naman mapigilan ang sarili ko na magalit, nagakala akong maganda ang bungad sa'kin ng araw na 'to, yun pala hindi. Pagkagat ni Scub sa ilong ko tapos pagatake sa'kin ng walang dahilan, samahan pa ng pananakit ng katawan. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa ganitong sitwasyon, BWISIT!

"Ito ba ang hinahanap mo?" Masayang wika ng isang babaeng pamilyar ang boses. Kakilala o hindi, nangaasar ba boses niya–

"E-Eurie ikaw pala." Nauutal kong sabi matapos makita siyang nakangiti sa'kin habang dala-dala ang mga Virffia Blooms at kasama niya isa pa naming kasama sa squad na si Nathalia. Mabuti nalang hindi niya nariring ang sinasabi ko sa aking isip.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon