CHAPTER 24: Kye and Kael

664 59 0
                                    

Kael's POV

Swadia Continent, Dyfyr Kingdom, Square Park.

"Kye… patawad, nadala lang talaga ako ng init ng ulo." Sambit ko sa kanya.

"Ayos lang." Tugon niya sa'kin.

Katabi ko siya ngayon sa isang bench, nakaupo at walang imikan magmula kanina, liban nalang sa paguusap namin ilang segundo lang ang nakalipas. Para kaming bato na walang usap at kibo sa isa't isa, na nakadisplay lang dito at palamuti lang ng parke. Halos dalawang oras na kami dito at may gapos pa din ang kamay namin. Nakatitig lang sa parke… at pinagmamasdan lang ang galaw ng mga puno dahil sa walang maggawa.

Gayon pa man, halos dalawang oras na ding tahimik ang parkeng ito at tanging kaluskos lang ng dahon ang naririnig. Liban kasi sa'min walang katao-tao ang makikitang namamasyal dito. Siguro natatakot sila dahil kay Scub, sa paniniwala nilang kakainin sila nito. Sa mga hindi sanay makalapit sa dragon, sino ba naman ang hindi matatakot lapitan ang isang natutulog na dragon na halos sakupin ang buong parke. Habang si Maria naman ay nasa kalagitnaan din ng kanyang pagtulog sa ilalim ng pakpak ni Scub.

"Grabe, 'di ko na matandaan kung saan nga ba nagsimula 'tong parusa sa'tin." Wika ko.

"Bilis mo naman makalimot, ilang oras lang ang nagdaan 'di mo na tanda? Nagsimula lang naman ito nang magaalala ako sa'yo tapos yun… hanggang sa magkasagutan tayo at eksaktong nahuli ni Lukas." Salaysay niya.

Napatawa ako ng mahina sa mga sinabi niya. Napagisip-isip ko na napakababaw kong tao, labingwalong taong gulang na 'ko pero napakabata ko pa rin magisip. Ahh… nakakahiya, nandidiri ako sa sarili ko.

"Talaga nagaalala ka para sa'kin? Gusto mo 'ko 'no?" Masaya kong tanong sa kanya. "Alam kong gwapo ako, kaya 'di na ako magtataka kung magkagusto ka sa'kin." Dagdag ko sa sinabi ko.

"Gago ka ba, 'di ako bading. Ako magkakagusto sa'yo? Yaks kadiri. At kung mukha lang ang pagbabasehan para magustuhan ka. Syempre mas gusto ko sarili ko." Sagot niya.

"Kung gano'n ba't ka nagaalala?"

"Nangangamusta lang… at isipin mo nalang squad commander ako, syempre 'di ko hahayaang may isa sa mga comrades ko ang masugatan o mapahamak. Bilang leader n'yo responsibilidad kong alagaan ang kasamahan ko at protektahan kayo sa panganib. At isa pa… 'di ako gagaya sa ibang squad leader d'yan."
Aniya.

"Mukhang may masaklap kang napagdaan sa squad mo dati." Seryoso kong sambit sa kanya at agad siyang tumango indikasyon na sumangayon siya sa sinabi ko.

Mukhang mali ang inakala kong ugali niya noong una, 'di naman siya mayabang… sa nakikita ko isa siyang taong hindi makasarili. Nasa itsura niya lang talaga, kaya nahusgahan ko agad siya. Kailangan ko pa siyang lubos na kilalanin.

Ngumiti ako matapos niyang tumango at tinapik ang kanyang balikat. "Ayos lang 'yan. 'Di ka ba naiinip? Saan mo gusto pumunta? Pasyal tayo." Presenta ko sa kanya.

"Sige ba, sa'kin kahit saan pwede…" sagot niya.

"Sumunod ka sa'kin." Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at sinimulang maglakad. "Aray! Sandali lang." Daing niya matapos madala sa pagtayo ko. Oo nga pala nakaposas pa kami. "Sabay tayong maglakad." Aniya.

Naglakad kami patungo kay Scub upang sumakay sa kanya paalis dito sa Dyfyr. Mas maganda kung sa labas kami gagala, maraming pasyalang may magagandang tanawin at pwedeng paglibangan kaysa dito na puro simpleng puno lang ang nakikita.

Nang makalapit ako sa kanya, malakas kong tinapik ang kanyang balat dahil hindi sapat ang mahina lang, sa kapal nito hindi niya ito basta mararamdaman. "Scub! Gising na, may pupuntahan tayo." Sabi ko sa kanyang tenga ngunit nanatili pa rin siyang tulog.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon