CHAPTER 39: End of the Mission

311 38 3
                                    

Kael's POV

Kael's Consciousness in an unknown place.

"Ackkk!!"

Halos ilang minuto na din akong habol hininga sa matinding sakit na nararamdam ko sa buo kong katawan lalo na sa'king puso at baga. Hirap huminga at walang lakas upang makatayo o makakilos.

Kanina pa ako dito nakaluhod sa iisang pwesto habang hawak-hawak ang naninikip kong dibdib. Bukod ro'n, sumusuka na rin ako ng dugo. Dapat nga siguro, naniwala nalang ako kay Maria na huwag ko nang kunin ang bwisit na punyal na iyon.

"Haaa...ha~" Sumasakit pa lalo ang dibdib ko, gustuhin ko man sumigaw ng tulong ngayon pero wala akong mahihingan. Hindi ko din alam kung nasaan si Maria sa mga oras na ito. S'ya nalang maasahan ko para bumalik na sa dati ang lahat.

Bwisit na pusang iyon, umalis pa kung kailan kailangang-kailangan ko ng tulong. Mas gugustuhin ko pang mamatay ngayon kesa inindahin ang sakit na sa tingin ko'y lalo lang lumalala habang tumatagal.

Muli akong sumuka ng dugo kasabay no'n ay ang mas lalo pang panghihina ng aking katawan na s'ya ring dahilan upang matumba ako sahig.

Alam kong maraming dugo na ang nawala sa aking sarili kaya ito nangyayari sa'kin. Gayon pa man, walang senyales o indikasyon na mawawalan na 'ko ng buhay, nararamdaman ko pa ring tumitibok ang aking puso at buhay na buhay pa rin ang aking isipan. Wala yatang katapusan ang dinaramdam kong ito.

Hindi ko din alam kung ano na nangyayari sa tunay kong katawan. Marahil katulad lang din ng nararanasan ko ngayon ang dinaranas nito.

Ilang saglit lang ay kusa akong napangiti sa galak ng maramdamang may malakas na hangin na kumalat sa paligid, alam kong si Maria at hindi na ako magtataka. Sa wakas, matutulungan na niya ako. Sana lang may naisip na siyang paraan para maging maayos na ang nagyayari.

Nabuo sa paningin ko ang wangis ng isang babae, maputi, maganda at may mahabang buhok na naglalakad palapit sa akin.

"Siya na nga, salamat naman Maria" mahina kong bulong.

Nang makalapit na siya sa akin, dagli niya akong ibinangon habang hawak-hawak niya ako sa aking damit gamit ang kaliwa niyang kamay. Nagtataka lang ako kung anong gagawin niya, bakit hindi maayos 'yung pagtulong n'ya sa'kin upang makabangon.

"Patawarin mo ako sa gagawin ko, ito lang ang naiisip kong paraan." Aniya sa malungkot na tono.

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang maramdamang itinusok niya ang kanyang kanang kamay sa aking dibdib at ibinaon pa ng mas malalim.

Sa tingin ko, tumagos na sa aking katawan ang kanyang braso at lubhang nasugatan ang aking mga lamang loob lalo na ang aking puso sa ginawa niya.

-

Kye's POV

Swadia Continent, Sawada Tribe Forest.

Katatapos ko lang bumagsak sa lupa matapos akong sagipin ng tatlo ko pang kakampi mula kay demonyong 'to.

Ang masama lang nun, ay isa naman sa kanila ang hawak ni Kael at iyon ay Nathalia na mahigpit niyang hawak sa leeg. Bukod ro'n, dagli na din niyang tinapos ang dragong umaatake sa kanya kanina.

Malalim ang natamo kong sugat sa tiyan at medyo nahihirapan akong makagalaw ng maayos. Nakakaya ko pa naman dahil sa flame spirit, ang kaso ano mang oras pwede akong bumagsak at mawalan ng malay.

Pero kahit na, kailangan ko pa din sagipin ang mga kasama ko. Bilang leader at kagaya ng napagkasunduan naming lahat, protekhan ang isa't isa kahit ano pa ang humadlang.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon