CHAPTER 35: Legend Between Life and Death

310 46 1
                                    

Lass's POV

Avadean Ocean, Davenport's Pirate Ship. Lass' Room.

Pero sino?!

Napansin ko ang isa pang librong hindi ko pa binubuklat. Ang alamat sa pagitan ng buhay at kamatayan.

Seryoso, sa buong buhay ko hindi ko pa nababasa o nabubuklat ang bagay na 'to. Ito nga yata ang unang beses na makita ko ito at mahawakan. Ngayon ko lang din malalaman ang kwento nito.

Matingnan nga, baka malaki ang maitulong nito.

Dinampot ko ang libro at pinagpagan ito ng kaunti para mawala ang alikabok. Ayos lang ang laki at kapal, parang isang pangkaraniwang nobelang maayos na nakalimbag.

Sana lang ganahan ako magbasa...

Sinimulan ko itong buklatin at tingnan ang mga pahina. Hindi naman pala ito isang nobela, wala akong nakikitang kabanata na nakasaad sa libro. Marhil isa itong maikling kwento, epiko o mitolohiyang hindi nakabuod.

Wala akong magagawa, kailangan ko simulan ang kwentong ito sa simula...

Daanglibong taon na ang nakakalipas...

Nang bumalik sa kanyang mansyon si As'wrat upang magpahinga dahil sa pagod na ginagawa niya sa mga namayapa na. Binabantayan niya ang mga ito at pinagtatarabaho upang mabuo ang pinapangarap niyang kaharian para sa kanyang magiging anak.

Matapos ang pagkakatakwil sa kaniya ng ilan sa mga kapwa niyang Diyos dahil sa hindi pagkakaunawaan ay nanatili na lang siya sa kaniyang lupain at hindi na muling nakialam pa sa nangyayari sa mundo.

Hanggang dumating ang isang araw... kusang lumapit ang isang Diyosang nagtataglay ng kakaibang alindog at busilak na kalooban, si Arthinem, ang tagapagbantay ng buhay.

"Ano Arthinem at naparito ka sa'king lupain? Balak mo rin ba akong kalabanin kagaya nila?" Tanong ni As'wrat.

"Ginoong As'wrat, wala akong balak na guluhin ka bagkos ay naparito ako upang bisitahin at kamustahin ang kaganapan mo bilang isang Guardian." Magalang na sagot niya.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon