23

80 52 4
                                        

"Wala ka namang pasok bukas diba?" isang sulyap ang iginawad niya sa akin bago binalik sa kalsada ang tingin niya.



Kanina pa siya nagmamaneho at hindi ko alam kong saan ang tungo namin.



"Sabado bukas" sagot ko.


Tumango siya, at nagpatuloy sa pagmamaneho.



"Okay lang na gagabihin tayo?" maya maya na tanong niya.



Tiningnan ko siya nang kunot ang nuo.



"Saan ba tayo pupunta?"



"You'll see" he winked at me, I rolled my eyes.



Halos tatlongpong minuto pa siya nagmaneho bago kami huminto sa isang isang luma ngunit malaking bahay.



I eyed him curiously and was about to ask when he opened his door and went out. He opened the door for me too.



Madilim na sa labas at ang tangin liwanag nalang ay ang lamp post sa bakuran ng bahay.



"Kaninong bahay to Bryan?" tanong ko nang lumabas na ako, hindi inaalis ang tingin sa mansion sa harap.



Kinuha ni Bryan ang pagkaing tinake out namin kanina at inalalayan ako.



"It was our ancestral house, dito ako lumaki" paliwanag niya, may kinalikot siya sa gate at binuksan ito.



"Sinong nakatira dito?" lumingon lingon ako sa paligid.




"My grandparents before they went abroad"



It was a Mediterranean Spanish styled old mansion. And it's abandoned. Sayang naman. Ang ganda pa naman sana.



Nilingin niya ako, amusement plastered on his face.



"Why you want to live here?" he smirked. Hindi ako nagsalita, inabala ko ang mata ko sa paligid.




"You'll love it when you see the whole of it, sayang nga lang at gabi na. Gusto ko sanang ipasyal ka sa loob ng bahay kaso baka mas lalo pa tayong gagabihin, So I'll just bring you to my favorite spot of this place"



Dumaan kami sa gilid ng mansion patungo sa likod nito, nadaanan pa naming ang swimming pool sa gilid nito..



Napakapit ako sa damit ni Bryan ng dumaan kami sa medyo madilim na parte, naramdaman niya siguro ang takot ko kaya hinila niya ako palapit sa kanya at inakbayan.



Naging kampante ako sa ginawa niya. Naglakad pa kami palayo sa mansion hanggan sa huminto kami sa tapat ng isang maliit na kubo sa gilid nito ang isang malaking puno. Hindi kita ang paligid dahil medyo madilim na sa parteng ito. Tanging buwan at mga bituin lang ang nagsisilbing liwanag maliban sa liwanag galing sa mansion.



"Wait here, wag kang aalis sa kinatatayuan mo" Bryan warned me. I felt a slight panick when he removed his hand on my shoulder.



"B-bakit? S-saan ka pupunta?" kinakabahang tanong ko.



Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko gaya ng sinabi niya. Pumasok siya sa loob ng kubo..



"Bry-"



Nabitin sa ere angpagtawag ko sa kanya dahil sa biglang pagliwanag ng paligid. Maraming ilaw ang nakasabit sa puno.



It gives a clearer view of the surroundings, that's when I realized where on the edge of a cliff. I was in awe. May mga puno sa paligid, iba't ibang bulaklak may bench sa gilid ng kubo na nakaharap sa burol at may duyan sa gitna ng dalawang malaking puno.



I was an adventurous person after all so this simple things always makes my heart flatter, when it's connected to the nature.



Namamangha ako sa paligid, I can't clearly see the bottom of the cliff but I can smell the salty wind gently brushing my face, so I concluded we're near the sea.



"Ito yung lugar na pinupuntahan ko sa tuwing nalulungkot ako dati, sa tuwing pinapagalitan ako, o may problema ako na di ko masabi sabi sa pamilya ko, this is my comfort zone and before I realized it also became my favorite spot" he chuckled.



Nalingon ko siya kaya't napalingon din siya sa akin at ngumiti.



"Thank you for bringing me here" for sharing this part of you to me.




He looked at me intently, na para bang may sasabihin sa akin. He parted his lips but it never came, he looked away and sighed.




Kumuha siya ng banig sa kubo at inilapag sa damuhan. Inilatag niya na rin ang pagkain namin doon.





I was looking at his every move, he seemed so focused on doing it kaya nalilibang ako imbis na tulungan ko siya, nakatayo lang ako habang pinagmamasdan siyang inaayos ang pupwestuhan namin.



"C'mon, let's eat" hindi ko namalayan na tapos na pala siya at nakatingin na ngayon sa akin.



Napakurap ako. Ngumiti siya sa akin.



Umupo ako sa banig, inabot niya sa akin ang pagkain, nagpasalamat ako sa kanya at nagsimula ng kumain.



Nakaharap kami sa burol, tahimik lang kami habang kumakain. Minsan naaabutan ko ang mariing titig niya sa akin at ang malalim niyang iniisip.



I shrugged it off, thinking that he was reminiscing his childhood here in his favorite place.



Tahimik naming pinagmamasdan ang mga butuin sa langit, nakatukod ang dalawa niyang kamay magkabilang gilid bilang suporta.



I tried to connect the stars to create some constellation that I know, kahit hindi naman talaga ako marunong.



Tahimik lang si Bryan sa gilid ko.


"Bri" Bryan called me softly.



"Hmm?" hindi ko siya nilingon, natatawa ako dahil nagmumukha akong tanga sa ginagawa.



He inhaled deeply.



"I'm leaving" he said, almost a whisper.



Napatigila ako sa ginagawa at unti unting binababa ang kamay ko. Nilingon ko siya at ngumiti.



"Tara, gabi na rin kasi"



Akmang tatayo na ako pero pinigilan niya ako kaya umayos ako ng upo, nakatitig sa seryoso niya mukha. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.



"That's not what I mean..." pumikit siya ng mariin at yumuko, nahihirapang ipagpatuloy ang sasabihin.



"I am going to States to take my masters...a-and to train for our business" nahihirapan niyang sabi.



Natigilan ako, parang may bumabara sa lalamunan ko at hindi ko alam kong anong sasabihin.


Nasanay ako sa presensya ni Bryan na hindi ko maipalagay na hindi ko siya mararamdaman sa mahabang panahon.



Oo, nag aaway kami minsan at pinagbabawalan ko siyang makipagkita sakin pero alam kong nandiyan lang siya, naghihintay. He never failed to assure me that he won't leave me kahit pa sumusobra na ako minsan.



Pero ngayon, nasampal sa akin na may sarili kaming buhay at pangarap na dapat unahin. Tumikhim ako.



"O-okay.. Uhm k-kailan?" pilit kung pinasigla ang boses ko.



"Sunday, next week" he said softly. His rubbing my hand with his thumb.



Ambilis naman ata? Gusto ko sanang itanong.



"ahh.. T-that's good for you" walang kwenta kung sagot.


Imiwas ako ng tingin at huminga ng malalim sa pag asang maibsan ang bigat sa dibdib ko.

-----------------------------------------------------------------🖋

ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now