80

38 24 2
                                        


Hindi ako hinayaan ni Bryan na umakyat mag isa sa opisina namin. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng building.




"Good morning Sir Zach! G-Good morning Ma'am" alanganing bati sa amin ng security guard nang bumaba ang tingin nito sa kamay namin ni Bryan.



Pilit ko itong inaalis habang nasa loob kami ng elevator. Maraming lumalabas pasok at halos lahat sila ay nagulat sa tuwing mapapatingin sa amin ni Bryan. Alanganin silang bumati kay Bryan.



Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa opisina. Everyone in the room greeted us. Hindi ako komportable sa paggalang nila pero ayaw paawat ni Bryan. He placed a visitor's chair on my side.



Pinagtaasan ko siya ng kilay. Plano pa yata nitong tumambay dito!



"What?" tanong niya ng umupo siya sa tabi ko.



"Magtatrabaho na ako" saad ko.



"Okay" sagot niya, hindi nakuha ang nais kong iparating.



"Wala kang trabaho?" mataray kong tanong.



"I'll work here" he proudly said. He took out his laptop from his bag and placed it on top of my table. Napanganga ako. At talagang preparado ang loko!



"Bakit hindi ka sa office mo?!"



"Boring don! Dito nalang para happy family tayo. Ako, ikaw at si Baby" nakangiti niyang inabot ang tiyan ko at hinimas.



I rolled my eyes. Mga rasonan nito! "Bahala ka!"




Maski ang mga kasamahan ko ay nagulat na dito sa opisina namin magtatrabaho si Bryan. Mr. Tuazon was shocked too when he saw Bryan seriously working on my table. Naging mas tahimik ang opisina dahil sa presensiya ni Bryan.




"I never thought you would be working on a wide spaced area with other people like this." saad ni Mr. Tuazon habang papalapit sa cubicle ko.



I chuckled, we both know Bryan wasn't comfortable working with a lot of people inside the room. He preferred to work alone or with few people. Gusto niyang magtrabaho sa mas tahimik na lugar para makapagpukos siya sa ginagawa kagaya ng opisina niya.



"This is fine. Unless you want me to have my favorite person from your accountants to bring in my office" Bryan replied, still focused on his laptop.



Binalingan ako ni Mr. Tuazon. "If she wants to." tipid siyang ngumiti sa akin at bumaling kay Bryan na pinagtaasan ako nang kilay.



Umiling lang ako at pinagpatuloy ang trabaho ko.



"Damn man! Hindi ko alam na dito ka na pala nag oopisina. Kanina pa kita hinihintay sa opisina mo! Kung hindi pa pumasok si Angela, baka nalangawan ako don." umangat ako ng tingin sa bagong dating. Si Andrew. "Hi Brianna! Congrats pala." nakangiting bati niya sa akin. Nakita ko ang pagsunod ng tingin ng mga kababaihan sa loob ng opisina sa kanya.



Ngumiti ako ng matamis sa kanya. I want to pinch his cheek. Ang cute ng dimples niya. "Hi Andrew. Salamat."



Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Bryan at inakbayan ako.



"Bakit?" he coldly ask, looking irritated at his friend's presence.



"Oh" may inabot siyang papel kay Bryan na tinanggap naman ng huli.



"Salamat."



Bumaling si Andrew sa akin. "Pwedi bang hiramin to mamayang gabi. Promise sandali lang" paalam niya saakin at itinuro si Bryan.



ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now