Pagkatapos naming mag almusal ay tumungo kami sa condo niya para mag impake ng mga gamit niya para bukas. Alad dos ng madaling araw ang flight niya. Actually, he didn't want to brought me here to help him but I insisted. Wala naman siyang nagawa at nagpabuntong hininga nalang.Alam kong masasaktan ako pero ayaw kong ipakita sa kanya na hindi ko siya suportado sa pag alis niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito ako sa tabi niya hanggang sa huling araw niya dito sa Pilipinas.
Kinuha niya ang isang maleta at inilatag sa kama. Isa isa rin niyang inilabas mula sa closet niya ang mga gamit niya. Nakaupo ako sa kama at nakatitig lang sa kanyang pabalik balik sa pagkuha ng mga gamit niya.
Pagkatapos niyang ipunin ay tinulungan ko siyang itupi ang mga damit niya upang ipasok sa maleta. Tahimik lang kami pareho at nagkikiramdaman. Nakayuko lang ako habang nagtutupi ng jacket niya.
Ang bigat sa pakiramdam, parang isinampal sa harap ko na aalis na siya, kailangan ko na siyang pakawalan. Ang sakit isipin na pagmulat ng mga mata ko bukas wala nang nakayakap sa akin at sasabihin kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko na siya masisilayan at mahahawakan anumang oras na gugustuhin.
I should have leave him and didn't offer this one week relationship. I should have prevented myself from falling to deep, too hard, for this guy. I should have escaped from this heartbreak selfishly. But all I did was the opposite, I took the risk and gamble to love him, I dared to enter in this one week unsure relationship. Hindi ko ito pinagsisisihan bagkus ay isa ito sa pinakamagandang naging desisyon ko. Anuman ang kahahantungan ng pabugsu-bugso naming desisyon ay panghabang buhay ko itong bababalik balikan at itatanim sa kaibuturan ng aking puso. Habang buhay akong magpapasalamat na kahit sa kunting panahon nakilala ko ang isang Bryan Zachary Javier, na buong puso kong minahal.
Naramdaman ko ang masuyong paghaplos ni Bryan ng pisngi ko. Napatingin ako sa kanya na malungkot na nakatingin rin sa akin. Maagap na sinalo ng hinlalaki niya ang tumakas na luha sa mga mata ko.
"You're crying again" nahihirapang usal niya. Hindi ko na ata matutupad ang pangako ko sa kanyang hindi ako iiyak ngayong araw.
"I'm sorry" I looked down, trying to stop myself from crying more. Nguni hindi yata umaayon ang mga luha ko na patuloy sa pag agos.
"It's okay" inalalayan niya ako palapit sa kanya at pinaupo sa kandungan niya. Pilit niyang hinahabol ang paningin ko ngunit umiling lang ako. "Hindi naman kita pinagbabawalang umiyak e"
Pagkaraan ng ilang sandali ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. May inabot siya sa drawer sa gilid ng kama niya.
"I want to give you something" nagtaas ako ng kilay ng ilagay niya sa palad ko ang isang isang susi.
"Anu to?" tiningnan ko siya ng nakakunot nuo.
"Susi ang tawag diyan by" natatawang sagot niya, hinampas ko siya sa braso. Natawa na rin ako, alam kong pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko.
"Alam ko, seryoso kasi." nakalabi kong maktol sa kanya.
"Spare key yan ng condo" he pinched my cheek. Napakunot ang nuo ko. Aanhin ko naman ang spare key ng condo niya? Aalis na naman siya diba.
"oh, aanhin ko naman to? Remembrance"
"No silly, keep that. If one day when that dream company of yours will hire you, I want you to live in this condo" nagulat ako sa sinabi niya. Ako titira dito sa condo niya? At tsaka ang taas naman ata ng expectation niya na makukuha ako ng kompanyang yun.
"Huh? W-wait...a-anu hindi pa naman sigurado kung doon ako m-mag aapply e, at tsaka d-diba-" break na tayo non if ever? Peping dugtong ko.
"Shhh, that's the deal. If that company will hire you dito ka titira. This is a convenient place to stay, malapit sa kompanya as well as malls and restaurants" pag uudyok niya. Ba't parang siguradong sigurado siyang doon nga ako magtatrabaho. Oo at pangarap kong doon magtrabaho but that company is way too big, too far that only I can hold it in my dreams.
"Bryan-"
"Promise me you'll going to give it a try, diba pangarap mo yun? Please Bri trust yourself. Deal?" He encouraged more.
"O-okay deal. I p-promise" nag aalinlangan sagot ko. Bahala na kahit feeling ko pagpasok ko palang sa entrance ng kompanyang yun hihimatayin na ako sa kaba.
KASALUKUYAN akong nag aayos para sa date namin ni Bryan, last dinner date to be exact. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin.
'Kaya mo yan, para sa kinabukasan niya kailangan mong tanggapin' bulong ko sa sarili ko.
Narinig ko ang busina ng sasakyan sa baba kaya dali dali kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko bago lumabas. I am wearing a simple black A-line dress paired with black 3 inches wedge sandals. I tied my hair in a high ponytail.
Pagbaba ko ng hagdan nadatnan kong nakaupo si Bryan sa sofa. Napatingin ito sa gawi ko kaya ngumiti ako sa kanya. Napataas ang kilay ko ng hindi man lang ako nginitian pabalik, bagkos ay nakatulala lang itong nakatitig sa akin na papapit sa pwesto niya. Tumayo siya sa pwesto niya.
"Where's my girlfriend miss?" tanong nito, napatigil ako sa akmang paghampas sa kanya. Inirapan ko siya na lamang siya at mahinang sinuntok sa sikmura. Umaandar na naman yung kapilyuhan niya.
"Aray ang sadista nito, pag ako gumanti-"
"Ano?" taas kilay kong tanong. Walang hiya to. May plano talagang gumanti.
"Wala, kikiligin ka" sagot nito. And before I could react he already claimed my lips. I was about to open my lips when moved away.
"See?" pang aasar nito at ngumiti ng nakakaloko. Umiwas ako ng tungin na namumula.
"Ewan ko sayo, tara na nga" nauna na akong maglakad sa kanya.
Napahinto ako ng yakapin niya ako mula sa likuran. Napabuntong hininga siya bago ibinaba ang mukha sa leeg ko.
"You're the most beautiful woman I've ever met. Meeting you was the best moment that ever happened in my life. And holding you like this is home to me. Every moment with you is a treasure for me that I intent to keep as long as I live. I begged to the universe to unite and make our parallel worlds to skew and converge in the end" mahinang bulong niya. Nararamdaman ko ang bawat emosyon sa mga salitang binitawan niya. Napapikit nalang ako at tumango, bilang pagsang ayon sa sinabi niya.
At ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay, Bryan Zachary, that's a promise that I intent to keep. I love you.
-----------------------------------------------------------------🖋

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...