Tinapos niya ang kanta na nakatingin sa mukha ko, malamlam ang kanyang mga mata. Pinipigilan kong mapaluha sa mga emosyomg nakikita ko sa mga mata niya. Nakalarawan ito sa imosyong nakakubli sa mga ngiti kong iginagawad sa kanya.Niyakap niya ako. "Stop pretending" bulong niya hudyat para magsiunahan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Napatingala ako sa mga dagat ng butuin sa langit at ngumiti ng mapait. Sana totoong mabibigay ang hinihiling mo sa mga bituin. Pero kahit hindi magbabakasakali ako.
'Sana, sana hindi pa dito nagtatapos ang kwento namin ni Bryan. Sana mahanap namin ang tunay na kaligayan namin pagdating ng araw'
"Wag mo akong kalimutan ha, mag ingat ka don" umiiyak na pakiusap ko kanya habang hinahaplos ang likod niya.
Alam kong impossible sa dinami dami ng makikilala niya lalo na sa mundong ginagalawan niya ay may posibilidad na makakalimutan niya na ako.
"Bri, h-hindi ko kaya..p-pigilan mo ako" umiiyak na rin si Bryan, nararamdaman ko ang pagbasa ng leeg ko.
"Alam mong hindi ko kayang handalang ang mga pangarap mo, Love" marahan kong saad.
"What's the damn use of building my future if I'm not sure if you're still there. Ang daming mangyayari along the way" natatakot din ako Bryan, natatakot din ako akong sumugal na wala akong pinanghahawakan.
"You'll thank me soon, at tsaka kailangan ko ring abutin yung mga pangarap ko" pang aalu ko sa kanya.
Truth is I want reach my dreams with him by my side.
"Can't we break up. Let's continue our relationship even when we're miles away. We'll make it work" he pleaded. Kumalas ako sa pagyakap sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Pinunasan ko ang luha niya at umiling.
"Bry, napag usapan na natin to diba. Sobrang layo ng States sa Pilipinas. Magkabaliktad ang umaga't gabi natin. You need to focus on your business while I need to fucos on my studies. Hindi sa lahat ng magkarelasyon nagwowork ang LDR, I'm sorry Bry pero isa na ako don" paliwanag ko. Call me a coward but I'm not a believer of LDR type of relationship would last.
I want us to end in a clean slate. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya pero sabi niya madaming pweding mangyari along the way, pweding isa don ay mawawalan kami ng oras para sa isa't isa. Or worst...we'll fallout of love. That's scary! Atleast ngayon maghihiwalay kaming walang galit.
Oo, takot ako. Takot ako na baka sa tuwing maalala ko siya sa halip na saya ay sakit ang mararamdaman ko kaakibat ng pangalan niya at memorya niya. Mababaw oo, pero sobrang espesyal ni Bryan na kahit pangalan niya ay ayaw kong madungisan sa isip o maaaring masaktan ko siya balang araw.
"Wala ka bang tiwala sa akin, sa atin?" nasasaktang tanong niya.
"May tiwala ako sayo Bry" wala akong tiwala sa sarili ko kung hanggan saan ang kaya kong ipaglaban ka sa maaaring pagsubok sa atin. I also promise to build myself first to be able to fight for us till the end.
I am sorry for being weak Bryan. Hindi mo pa ako deserve. Lagi nalang kasi ikaw yung nagbibigay sa ating dalawa.
"Right" tumango tango siya na parang pinapaniwala ang sarili. "I'm sorry kung ipinagpipilitan ko pa yung gusto ko, hindi ko manlang naisip yung mararamdaman mo"
That's what I'm talking about. Ikaw lagi ang umiintindi, ikaw lagi ang nagpaparaya.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ngayon palang namimiss ko na siya. "Mamimiss kita"

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...