65

51 33 2
                                        


Kinabukasan ay pwedi na rin sa wakas makalabas si Papa. Nararamdaman ang matinding tensiyon sa gitna ni Bryan at kuya nang sunduin niya kami sa hospital.



Panay alalay sa akin ni Bryan at panay rin ang matalim na tingin ni Kuya sa kanya. Halos ilalayo niya rin ako kay Bryan, nang uuyam naman siyang tiningnan pabalik ni Bryan, halata rin ang inis sa kanya. Hindi ko alam kung anong problema nila, mukha malalim kasi ang alitan nila at hindi lang basta basta ang pagbuntis sa akin ni Bryan ang ikinagagalit ni Kuya.



Napag alaman ko rin na siya ang may gawa ng mga pasa sa mukha ni Bryan kahapon. Sinuntok daw siya ni Kuya matapos magpakilalang siya ang ama ng pinagbubuntis ko. Nagkasagatun pa daw sila pero hindi lumalaban si Bryan ayon kay Manang Rosie.




"Sa condo ka uuwi Brianna!" malamig na utos ni Kuya. Palabas na kami ng hospital, bitbit ni Bryan ang mga gamit ko habang bitbit naman ni kuya ang mga gamit nina Papa.




"Dadalawin nalang kita don" malambing na sambit sa akin ni Bryan.



"Wag kang magtangkang tumapak sa teritoryo ko Javier!" sabat ni Kuya.



"I am the father of your sister's child Perez!" malamig ring sagot ni Bryan, nagsukatan sila ng tingin. Pareho ko silang tiningnan ng masama at naunang maglakad. Kanina pa ako naririndi sa pag iinsultuhan nila, lalo na tuwing wala ang presensiya ng mga magulang namin.




"At proud ka pa?" my brother scoffed.



"Ofcource!-" walang pag aalinlangan sagot ni Bryan. My Brother grabbed his collar.



"Gerald!"


"Bryan!"



Sabay naming saway ni Papa sa kanila, mukha na kasi silang magsusuntukan. Pareho silang nakahinto sa gilid ng kotse ni Kuya at matalim ang tingin sa isa't isa.



"Will you two stop being so childish?" saway ko sa kanila. Binitawan ni Kuya si Bryan.



"Pasensiya na po" Bahagyang yumuko si Bryan sa harap ng parents ko. Tinanguhan siya ni Papa at tinapik sa balikat. Bahagyang nginitian naman siya ni Mama.



Umismid naman si Kuya at nauna ng pumasok sa kotse niya. Si Manang naman ay pumasok na kotseng dala nila papunta sa Manila.



"Pasensiya ka na rin sa ugali ni Gerald hijo" pagpaumanhin ni Mama.



"Naiintindihan ko po" magalang na sagot ni Bryan kay Mama. Ngumiti siya at tumango at inalalayan si Papa upang makapasok sa kotse ni Kuya.



Binalingan naman ako ni Bryan. I crossed my arms and raised my eyebrows. "So, what was that?" inis kung tanong sa kanya.




Lumapit siya sa akin at sinubukang abutin ang braso ko, iginalaw ko ito para hindi niya ako mahawakan.



"Sorry, hindi na mauulit" malumanay niyang sambit.




Pareho akong naiinis sa kanila ni Kuya pero mas pinili ko munang kausapin si Bryan. "What's with the both of you?" I formed my eyes into a slit and directly stared at his eyes, seeking for an honest answer. Matagal bago siya nakasagot.




"W-wala.." umiwas siya ng tingin, alam kong nagsisinungaling siya. Inis ko siyang inismiran, malalaman ko rin!



"Talaga?"



"Oo, anyway, I'll just call you later. Ingat kayo ni Baby" he gave me a peck on my lips and placed his hand on my tummy, gently caressing it, hindi parin natitinag sa kinatatayuan at tinitigan siya ng mariin.



ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now