47

66 49 24
                                    


The party went on after speeches. Nawawalan na ako ng gana. Hindi ko man gusto ay palaging naliligaw yung paningin ko sa pwesto kung saan nakaupo sina Bryan. He's not leaving Sheena's side, not even when he talked to some businessmen, todo alalay rin ito sa kanya kahit sa pagkuha ng pagkain sa buffet.





Naglibot rin ang mag asawang Javier para personal na batiin at pasalamatan ang mga dumalo. Tumungo rin sila sa mga empleyado nila kung saan kami nakapwesto.





"Brianna! You're so beautiful!" masiglang bati sa akin ni Ma'am Claire. She's wearing an elegant white gown that perfectly hugged her body. Her hair in a perfect bun. I smiled awkwardly.





"Good evening po" magalang kung bati. I unconsciously looked around when she hugged me. Other employees were curiously looking at us.





"How are you doing? Matagal ka na ring hindi nakaakyat sa office" parang hindi pumapasok ang tanong ni Ma'am Claire sa akin dahil nakoconcious sa mga tingin ng ibang empleyado at bisita.





"ahmm...medyo busy po kami sa office M-Ma'am" sa totoo lang iniiwasan ko talagang tumapak sa palapag ng opisina nila, hindi lang dahil kay Bryan kundi dahil na rin kay Mrs. Javier.





I felt awkward since I got to know that she's Bryan Mom.





"Oww right! Who's this young man beside you?" her expression changed a bit when he noticed Aries.





"Good evening Ma'am, I'm Aries Jovan Sales po" magalang na naglahad ng kamay si Aries. Palipat lipat naman ang tingin ni Ma'am Claire sa amin na tila may gustong itanong bago tanggapin ang kamay nito.





"How's your father iho? I'm Timothy Javier, by the way" Singit ni Sir Timothy galing sa pakikipag usap sa isang department head. Inilahad rin nito ang palad upang makipagkamay kay Aries.





"Aries Sir. He's doing good Sir, he's still in Davao so he can't personally come here tonight, and he wanted to extend his apology for his absence" formal na sagot ni Aries pagkatapos tanggapin ang pakikipagkamay ni Sir Timothy.





"It's fine iho. Please send my regards to your parents" bahagyang tinapik ni Sir Tim ang balikat ni Aries bago bumaling sa akin. "Good evening Miss Perez"





"Good evening Sir" I bowed my head a little for respect.




"I'm glad you've got a good man to take care of you" hindi ko napaghandaan ang sunod na sasabihin niya kaya nabilaukan ako ng sarili kong laway sa narinig ko. Napaubo ako.





Mrs. Javier shifted her gaze to me, worried. Nakalarawan rin sa mukha nito ang bahagyang pagpanik. Nilapitan niya ako at hinagod ang likod ko.




"Are you okay iha...wait!" lumingon lingon ito sa paligid. Aries was stiffling a laugh, watching my reaction. "Bryan! Please get some juice for Brianna...you want juice or water?"



Nanlaki ang mata ko ng tawagin nito si Bryan na may kausap na lalaking kaedad niya. Ni hindi ko namalayan na malapit lang siya sa amin.





"I-I'm fine po, okay na po ako Ma'am. May juice naman po dito-" nabitin sa ere ang sasabihin ko na malinis na ang mesang kinainan namin kanina, wala na rin ang baso ng juice ko kanina.





"Juice. She wants juice. Go, hurry!" she ordered her son. Nakita ko naman ang pagtango ni Bryan at pagtapik sa kausap bago tumalikod para sundin ang utos ng ina.





I bit my lower lip and lowered my head. Sh*t, nakakahiya!.





"Are you allergic to some foods iha, or to a specific ingredient perhaps? Wait I'll call-" Mr. Javier curiously asked. Kinapa nito ang telepono sa bulsa ng slacks niya.





"O-okay lang po ako Sir, wala po" kinumapagpipigil ko sa kanya. Jusme naman! Baka mamaya tumawag to ng medic sa simpleng pag ubo ko dahil nabilaukan ng laway.





"Are you sure?" paninigurado niya. Tumango naman ako.




"Oh" nabaling ang tingin ko sa orange juice na nakalahad sa harap ko. Akmang kukunin ito ni Aries ng nilayo ni Bryan.




"Hindi para sayo yan" seryosong saad nito kay Aries. "Oh" inilapit pa nito sa akin ang baso. Halata na rin ang pagkapikon ni Aries.




"Bryan!" his Mom warned him. Inabot ko ang baso ng juice, napasinghap pa ako ng mahina ng bahagyang magdikit ang daliri namin.




"S-salamat...Sir"





Hindi ko siya sinulyapan. Aries cleared his throat.



"Actually Sir she's allergic to spicy foods. Hindi na rin siya kumakain ng sinigang, ube cake, fries, burger at mga pagkaing lagi niyang kinakain kasama yung pangit niyang ex. Hindi na rin umiinom ng kape at hot chocolate" muntik ko ng ibato kay Aries ang hawak kong baso sa mga pinagsasabi niya. Alam kong naghihiganti lang siya ng pamimikon kay Bryan.





I glared at Aries. Pero hindi ito nakatingin sa akin bagkus ay nakikipagsukatan ito ng tingin kay Bryan. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagkagulat ng mag asawa sa narinig.




"Oh...that's horrible. Ang lakas ng loob niyang makipagbreak sayo, pangit naman pala" komento ng ginang, napangiwi pa ito na parang iniimagine ang paghihiwalayan namin ng ex ko.





Napangiwi rin ako. Anak niya yung tinutukoy niyang pangit at... at talagang naniniwala siya sa sinabi ni Aries.




Hindi ako sumagot. Nakita ko rin ang marahas na paglingon ni Bryan sa Mommy niya.




"I gotta go Mom, hinahanap na ako ni Sheena." hindi na ito naghintay ng sagot at basta nalang umalis. 




Tatawa tawa lang si Aries nang magpaalam na rin ang mag asawa. I gave him a light punch on his stomach. Nakakainis!




"Ar, cr muna ako" paalam ko sa kanya at tumayo. Nagtatanong tanong rin ako ng direksyon nang mapagtanto kong hindi ko pala kabisado ang lugar.





Tinuro naman ng isang serbidor ang daan kung saan. Nagpasalamat ako bago tinungo ang pasilyo.




Nawiwili ako sa pagtingin ng mga painting sa galid ng pasilyo hanggang sa makarating ako sa dulo. Pagliko ko ay saktong tumama ang paningin ko sa medyo madilim na parte kung saan nakatayo ang dalawang pares na magkayapak at naghahalikan.




Napaurong ako ng isang hakbang at naramdaman kung ang lamig na unti unting na sumasakop sa buong sistema ko nang mapagtanto ko kung sino ang pares na ito.





Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko. Tears started to pool from the corner of my eyes. Kung nasasaktan ako sa tuwing makikita kung magkasama sila, na lagi kong dinedeny sa sarili ko, ngayon ay parang sinampal sa akin na hindi na nga ako yung kukompleto sa buhay niya,,, masaya na siya sa piling ng iba.





Nakatalikod si Bryan sa gawi ko pero kilalang kilala ko ang pigura niya. I could see the shade of Sheena's red gown to the side too.




Parang pinupunit ang puso ko. Hindi ko alam kung epekto ba ng alcohol o hindi ko naihanda ang sarili ko kung kaya't hindi ko nadepensahan ang puso ko na wag makaramdam ng sakit.





Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa pinipigilang paghikbi. Saktong paglingon ni Bryan sa gawi ko ay dali dali akong tumalikod. Ayokong makita niya ang sakit sa mukha ko. Masaya na siya, ayoko nang hadlangan pa. After all yun yong hiling ko bago siya umalis.





Finally, he found the right woman just like I wished him to have.




I should be happy for him right?



___________________________________________🖋

ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now