"You ready?" I heard Bryan asked me from the door of his closet.I was standing infront of the mirror, looking at my reflection. I'm wearing a simple white dress. Medyo halata ang bump ko sa dress na suot ko dahil medyo hapit ito sa katawan ko. Hanggang taas nang tuhod ko ang haba nito.
Humarap ako kay Bryan. "What do you think?" I asked his opinion of my attire.
Pinasadahan niya ako nang tingin at umayos nang tayo. He walked towards me without breaking our eye contact. Hinapit niya ako sa baywang at nilapit sa katawan niya.
"Perfect." he whispered and kissed my neck.
I blushed in his remark. Inayos ko ang kwelyo ng dress shirt niya. Nakatitig lang siya sa mukha ko habang inaayos ko ang damit niya.
"Does it hurt?" he asked suddenly. Hindi ko naintindihan ang tanong niya.
"Huh?" maang kong tanong.
"When you fell from heaven?"
I bit my lower lip to suppressed my giggles. Hindi ko napaghandaan ang banat ni Bryan kaya hindi ko maiwasang maapektohan.
Mahina ko siyang tinampal sa tiyan at umiwas sa kanya para itago ang namumula kong pisngi. Bumaling ako sa harap ng salamit at ikinabit ang earrings ko.
I heard him chuckled. "You're so cute, but it's true! You looked like an angel. " pagpatuloy niya.
"Bryan! Stop it!" nahihiya kong saway sa kanya.
Nakita ko siyang lumapit sa likod ko at niyakap ako. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at tiningnan ang repleksyon namin sa salamin.
"Aside from Him, You guided me to the path I took and I am taking right now. You were my inspiration Bri. Hindi man kita nakasama sa loob ng mahigit apat na taon pero ikaw naman ang dahilan kung bakit kinakaya ko lahat. I told to myself that one day if I'm going to pursue you again, I already built myself. I made myself whole and stable, for us, for my future with you" madamdamin niyang saad. Kita ko ang sinseridad sa mata niya sa bawat salitang binibitawan niya.
Nangilid ang luha sa mga mata ko. I never thought I was still part of his planned future. Kinalas ko ang kamay niya sa baywang ko at hinarap siya. Namumungay ang mata niyang nakatingin sa akin.
Without further ado, I tiptoed and kissed his lips.
Kinawit ko ang braso ko sa batok niya para maabot siya. Naramdaman ko ang paggapang ng braso niya sa baywang ko at inalalayan ako. We shared a passionate kiss with full of love.
Sa bawat paggalaw ng labi niya at bawat paggawad ko ng halik sa kanya ay pinaparamdam ko sa kanya ang niloloob ng puso ko, na mismong ako ay hindi ko mabigyan ng tamang salita. It was so overwhelming. Parang mas minahal ko pa siya ng husto.
NAHUGOT AKO NANG MALALIM na hininga nang tumigil ang sasakyan ni Bryan sa parking area ng restaurant kung saan namin kikitain ang sinasabi niya.
"What was that for?" tanong niya sa akin. Pinatay niya ang makina at hinarap ako.
Umiling lang ako sa kanya. Kinakabahan akong makilala si Ethan. Hindi alam ni Bryan na alam kong ang anak niya ang kikitain namin ngayon. He doesn't even know that I already know him.
I don't know what's the deal between Bryan and Sheena, we haven't talked about it yet. I want to clear everything after this.
Magkahawak kamay kaming pumasok sa mamahaling restaurant. It felt like a deja vu. Ganitong ganito rin yung eksena bago kami magkahiwalay ni Bryan. Mas lalo akong kinakabahan. Mauulit ba?

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...