Kailangan ko na palang maghanda para makauwi na sa amin. Tinawagan ko na rin si Mama na uuwi ako ngayon. Naligo ako at nagbihis ng plain T-shirt at black pants. Nagsuot din ako ng jacket at sneakers para komportable sa mahabang byahe. Chineck ko ulit ang gamit ko para sigurado.
Nagtimpla lang ako ng kape at inubos ang natirang bread loaf na naiwan sa groceries ko. Dinouble check ko kong may naiwang nakasaksak na gamit bago ko nilock ang apartment.
Pumara ako ng taxi papuntang terminal ng bus na sasakyan ko pauwi. Minessage ko na rin ang mga kaibigan ko na pauwi na ako ngayon pero hindi pa sila nakapagreply dahil late na rin naman kami nakauwi kagabi.
I checked my wrist watch and it says 8:22 am. Siguro mga before lunch ako makarating sa amin. Kaya hinanda ko na ang sarili ko sa mahaba habang byahe.
Kinuha ko ang earphones ko at nagshuffle ng music. Sinubukan kong matulog sa buong byahe dahil masakit ang ulo ko. Naalimpungatan ako ng lumundag ang bus. Nanlaki ang mata ko nang nakatulog pala ako sa balikat ng katabi ko. Nakakahiya.
"Sorry" umayos ako ng upo habang nakayuko, tinatago ang mukha. Ayokong tignan ang katabi ko dahil nahihiya ako. Hindi siya sumagot kaya binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana. Malapit na pala ako.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bayan. May ilang pasaherong bumaba. Inayos ko ang gamit ko at nag excuse sa katabi ko. Iniiwasan kong makipag eye contact sa kanya hanggang sa makababa ako. Pumara ako ng tricycle pauwi sa bahay.
Si Manang Rosie lang ang nadatnan ko sa bahay, siya ang matagal na naming kasambahay. Nasa trabaho pa daw si Mama. Si Mama ay principal ng high school sa amin. Si Papa naman ay seaman. Dalawa kaming magkapatid, si kuya Gerald ang panganay namin.
It has been a week na wala akong ginagawa. I am expecting my summer break to be extra fun. Pero laging dalawa lang kami ni manang Rosie ang magkasama araw araw. Last day ng pasukan ng high school kaya inaasahan kong dito na naman tatambay ang mga pinsan ko lalo na't darating din si Kuya Gerald mamaya.
"I'm home" dinig kung sigaw ng kuya ko. 4th year engineering student naman si Kuya. May tinapos pa kasi silang plates kaya nahuli ang summer break nila. Buti naman at hindi na ako mababagot kahit papano at may kasama na ako.
"Kuya" masayang bati ko sa kanya.
"oh ba't parang tuwang tuwa ka naman ata, ako lang to" ginulo niya ang buhok ko.
"Ang boring kasi dito, wala pa akong kasama puro YouTube at Instagram na nga lang ginagawa ko" sumbong ko sakanya, nakasunod ako sa kanya papuntang kwarto niya.
"Nag aral ka sana" sarkastikong sagot niya. Lagi niya akong inaasar sa pagiging masipag ko mag aral. He just laughed when I pushed him lightly on his back.
"Seryoso nga, wala akong ginawa buong linggo" binuksan niya ang pinto ng kwarto niya, nakasunod parin ako sa kanya. He put his bag on his mini sofa and headed directly to open his PC. I rolled my eyes and sat on the edge of his bed. Ni hindi na nag abalang magbihis, inuna pa talaga ang computer.
"If you're bored to death, learn something new, do what you don't usually do" napaisip ako sa sinabi niya, anu bang gagawin ko na hindi ko kadalasang ginagawa pero masaya dapat syempre.
"Swimming kaya tayo kuya, sama natin sila Justin" Si Justin ay pinsan namin. Kaclose sila ni kuya kahit high school palang sila dahil lagi silang tambay sa bahay para maglaro ng online games tulad ng ML.
"Next week pag hindi na ako busy, sa ngayon maghanap ka muna ng pagkakaabahan mo"
Anu naman pagkakaabalahan ko? ayoko nang magYoutube, wala rin naman ako halos pinapanuod. I can only spend 5-15 minutes of my time to scroll on my IG. Patapos na rin ang novel book na binabasa ko. At mas lalong hindi ako mahilig manuod ng tv.
I rolled my eyes when I heard the familiar intro of mobile legends on his computer game. Isa rin ang kuya ko sa sobrang addict sa online games. Pero nababalanse niya naman ang paglalaro sa pag aaral niya. Likas na matalino si kuya kaya walang problema. Hindi gaya ko na studious, si kuya chill lang kahit hindi mag aral.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwato niya para maabala ang sarili, hindi na niya ako kinakausap dahil busy na siya sa paglalaro. May painting siya ng sunset sa gilid at maliliit na figurine statue rin siya ng Landmarks ng iba't ibang bansa na nakadisplay kasama ang isang hard cap. May iba't ibang drawing materials sa gilid.
Nabaling ang tingin ko sa nilalaro niya. An idea came in my mind, panu kaya kung subukan ko rin maglaro ng Mobile Legends? Pero parang ang hirap kasi, ang daming pinipindot. Pinapanuod ko palang sumasakit na ulo ko. Pero wala naman sigurong masama kong susubukan.
"Kuya" tawag ko sa kanya, hindi niya ako nilingon, he muttered some curses. Isa pa yan, ayaw kong sinasabihan ako ng mga foul words, nasasaktan ako kahit sabihing laro lang yan.
"Kuya!" tawag ko ulit, medyo nilakasan ko ng kunti para marinig niya.
"Anu? Mamaya na naglalaro ako" naririnig ko ang gigil niya sa pagpindot ng keyboard.
"Turuan mo nga ako niyan"
"Oo mamaya" sagot niya ng hindi lumilingon "Anu?" eksaheradong tanong niya ng narealize niya na siguro kung anong sinabi ko. Lumingon siya sa akin ng nagtataka nung namatay siya sa laro niya para kumpirmahin ang narinig niya. It's not my thing to play around and waste my time kaya hindi siya makapaniwala.
"Sabi ko turuan mo ako mag ML" ulit ko sa kanya. Napakunot ang nuo niya.
"Sigurado ka?" paninigurado niya, he's reaction was expecting me to say I'm kidding but he was wrong.
Tumango ako bilang sagot. Medyo naeexcite rin akong matuto magML.
Let see if it'll kill my boredom.
-----------------------------------------------------------------
🖋

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...