Nagising ako sa ingay ng iyak ng sanggol. Kahit pagod at kulang sa tulog ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Hearing her soft little voice melts my heart. I pecked through my eyelashes to see them. Bryan was holding her in his arms while swaying her a little to hush her down."Shhh...it's okay love. Let's keep quiet, mom is still asleep." mahinang lambing sa kanya ni Bryan. Mukhang nakakaintindi naman itong tumahimik at humikbi hikbi.
Lumundo ang kama ng umupo si Bryan sa gilid. "Was it hurt so bad? Sorry hmm...but you need to get immunized" pagkakausap ni Bryan sa anak namin na parang maiintindihan siya. Matunog niyang hinalik halikan ito habang patuloy parin ito sa paghikbi.
Zarianna, the name of our angel.
I remembered when I gave birth to her. Sobrang saya namin ni Bryan, pati ng mga kaibigan at mga magulang namin. Parang lahat ng sakit at paghihirap ay nasuklian ng marinig ko ang unang pag iyak niya. Kung gaano kaalaga sa amin ni Bryan noong panahong buntis palang ako ay mas domoble naman simula nang manganak ako.
Bryan exceeded my expectation of him as a good father. He was way better. And we're so lucky to have him in our life.
Gumalaw ako para tingnan ang orasan. It's 3 in the morning.
"Hey, nagising ka ba namin?" tanong sa akin ni Bryan. He stood up and put some pillows on the headboard. Umupo rin ako para tulungan siya. Ginawa niya itong pang suporta sa likod niya habang naka fowler's position. Paharap niyang pinahiga si Zarianna sa dibdib niya dahil ito ang gustong gusto niyang position tuwing buhat siya ng daddy niya.
"Hindi naman. Sana ginising mo ako" lumapit ako sa kanila at umupo rin sa tabi nila. Siguro dahil sa pagod ay hindi agad ako nagising pag iyak ng anak namin.
Bryan put his arm on my shoulder and held me closer until I leaned on his chest. Pinakatitigan ko ang mukha ng anak namin na nakaharap din sa akin. Hindi na rin siya umiiyak dahil inaantok na ito. Nakuha niya ang mata at ilong ni Bryan. Bibig ang kutis naman sa akin.
"It's okay, I know you're tired too" he kissed my head.
Napangiti ako, kadalasan si Bryan talaga ang nagigising tuwing gabi kapag umiiyak ang anak namin kahit pagod ito sa buong araw na pagtatrabaho. He's very hands on to our child. His reason, nawawala ang pagod niya sa tuwing nahahawakan ang anak namin.
"Nilalagnat si Zari, by" he informed me. Sinapo ko ang leeg ni Zarianna. Mainit nga!
I pouted when she moved a little from my touch and knitted her little forehead.
"Normal lang naman daw yan sabi ng doktor"
I played with her fist but she hide it in between them, she sobbed a little. Bryan chuckled when he saw what his daughter's attitude towards me. I know she favors her father so much than me. Mas gusto niyang magpabuhat kay Bryan kapag nandito si Bryan sa bahay. Kaya minsan naaawa rin ako kay Bryan dahil alam kong pagod din siya sa trabaho pero gustong magpalambing ng anak namin.
"Ako naman yung nagdala sayo ng nine months a, ako rin yung kasama mo buong araw" nagtatampo kong saad sa natutulog namin anak.
Mana nga siguro to sa akin! Pareho naming favorite si Bryan! I smirked.
"Pagpasensiyahan mo na muna. She's sick right now. Pagbigyan muna natin." Bryan consoled me and caressed Zarianna's back. Tumahan naman ito at bumalik sa pagtulog.
"Fine! Kiss lang si Mommy" I moved my face closer to her and kissed her red thin lips.
Gusto kong maiyak nang napalabi ito at akmang iiyak na naman. We both caressed her back and she moved her face to the other side.
"Bryaan" naiiyak akong tumingala kay Bryan na parang humihingi ng tulong. "Ayaw niya na sa akin, she doesn't love me anymore." OA kong sumbong kay Bryan.
He gently brushed my hair. "She loves you. May sakit lang kaya nagpapalambing" pang aalu sa akin ni Bryan.
Actually, hindi naman to nangyari na hindi ako pinapansin ni Zari o ayaw magpahawak sa akin, ngayon lang. Kahit naman makadaddy to, hinahanap niya parin naman ako. Mas gusto niya lang talaga na daddy niya yung nagbubuhat sa kanya pero dapat nararamdaman niya rin ako sa tabi niya kahit natutulog. She always wanted to cuddle with us.
"Give me that"
"What?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Kiss"
Inangat ko ang katawan ko para maabot ko siya. I moved closer to him and kissed him.
NARAMDAMAN KO ANG PAGSIKSIK ni Bryan sa leeg ko at pagyakap sa baywang ko. I moved to face him.
"Hindi ka ba papasok?" malambing kong tanong sa kanya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.
"No. May sakit si Zari. You both might need me here" inaantok niyang sagot habang nakapikit parin.
"Okay lang naman kami dito, nandito naman si Sophia. But it's up to you, you need to take a rest too" hinaplos ko ang pisngi niya.
Si Sophia ang kasama namin sa bahay na dating kasambahay din nina Bryan sa mansion nila. Nang napagdesisyonan naming tumigil ako sa pagtatrabaho ay pinadala siya sa amin ng Mommy ni Bryan para may kasa kasama ako dito at para narin may katuwang kami sa gawaing bahay dahil ayaw rin ni Bryan na gumawa ako ng mga mabibigat na trabaho ay pumayag na rin kaming kunin siya.
He opened his eyes and tossed his head to look at me. "I want to spend time with you too. I know I have been very busy these past few weeks, I did not give you enough of my time. Pero ngayong araw sa inyo ni Zarianna ang buong oras ko."
Bryan gave his sundays for me and his daughter but these past few weeks, he seems to be very busy especially that his father has a plan to step down on his position soon. Kaya minsan kahit sunday ay pumapasok parin si Bryan o kung nandito man siya ay halos nasa laptop lang siya palagi. I understand though, he needs to prove himself that he was capable and deserving of his father's position.
"Naiintindihan ko naman love, hindi ka naman nagkulang sa amin ng anak mo"
He smiled and planted a soft kiss on my lips. "Thank you"
KASALUKUYAN KONG pinapabreastfeed sa akin si Zari ng pumasok si Bryan sa kwarto.
Gaya ng sabi niya ay buong araw siyang walang ginawa kundi asikasuhin kami ng anak niya.
Umupo siya sa tabi ko at pareho naming pinakatitigan ang natutulog namin anghel habang dumedede. Naramdaman ko ang paggalaw ni Bryan upang yakapin kaming pareho. He kissed my temple.
"I am so proud of you" he whispered in my ear. "Thank you for giving me this beautiful angel in my life. I am so lucky to have you both."
_🖋

ESTÁS LEYENDO
ML Story (iM eLove)
Historia CortaIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...