Pagbalik namin ng Manila, kinabukasan non ay siya ring panganganak ni Anica. Nang tumawag sa amin si Aries ay wala na kaming sinayang na oras. Kaya imbes na sa NZAJ kami tutungo ay sa hospital kami dumeretso.Magkahawak kamay kaming pumasok ni Bryan sa hospital pero dahil sa pagmamadali ko ay mas nauuna akong naglalakad sa kanya. Halong kaba at excitement ang nadarama ko.
"Bri, relax. Dahan dahan lang" pagpapakalma niya sa akin at bahagya akong hinila para huminto.
Napakagat ako nang pang ibabang labi ko. Ganito pala yung feeling na manganganak na yung kaibigan mo. Ako yung hindi mapakali.
Inakbayan ako ni Bryan at isinabay sa paglakad niya hanggang makarating kami sa harap ng delivery room. Naabutan ko si Shane na hindi mapakaling pabalik balik ng lakad. Nakaupo naman si Vince habang sinusundan ng tingin si Shane.
"Shane!" kinuha ko ang atensyon niya.
Dali dali siyang humarap sa amin at sinalubong ako.
"My God! Buti nalang dito ka na! Kinakabahan ako, Bri!" nagpapanik nitong saad. Tumayo rin si Vince at inakbayan si Shane.
"Buti nalang nandito na kayo, kanina pa ako nahihilo dito. Ayaw kumalma e" reklamo ni Vince. Tiningnan siya ng masama ni Shane.
"Kamusta si Anica?" tanong ko.
"Nasa delivery room parin e"
We settled down and waited for the doctor to come out for Anica's condition. Nasa loob rin si Aries for Anica's support. Maya maya pa ay dumating na rin ang parents ni Aries. Tita Aria hugged us both.
Almost an hour when the doctor went out of the door. I thank God for Anica's safe delivery. Nakahinga rin ng maluwag ang mga kasamahan ko dito na naghihintay sa labas. Maya maya pa ay inilipat na rin agad si Anica sa private room na kinuha ng parents ni Aries.
Niyakap namin ang mangiyak ngiyak na Aries paglabas niya. Nang pwedi na kaming pumasok sa private room ni Anica ay wala na kaming sinayang na oras.
"Kamusta Ani?" Vince asked.
She smiled weakly but a genuine one.
"I'm happy Vince. Thank you guys." marahan niyang sagot, medyo bumabawi pa siya ng lakas niya.
Pagkaraa'y ipinasok na ang baby boy nila. Tuwang tuwa kaming pagmasdan ito habang hawak ni Aries. Kahit ang mga magulang ni Aries ay maluha luhang makita ang unang apo nila.
I held my stomach when I suddenly felt a twinge on my lower abdomen. Umupo ako sa sofa at sumunod naman sa akin si Bryan. Buti nalang nawala rin.
"Look at his eyes and nose. He got it from you, son!" tuwang tuwang komento ni Tita Aria habang karga ang bagong silang na sanggol.
Lumapit si Aries kay Anica at umupo sa gilid ng kama niya. He lean to kiss her forehead and whispered something.
"Ilang months nalang, mayroon na rin tayo niyan" bulong ni Bryan sa akin at hanaplos ang tiyan ko.
Nilingon ko siya at nginitian. He kissed the tip of my nose in return.
Bryan bought us lunch since everyone were so busy to Aries' baby to notice that it's already lunch time, not until our ordered lunch came in. They thanked Bryan for that.

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...