"Nasa taas na yung iba mo gamit na ipinadala ni Shane" imporma sa akin ni Bryan. Kakarating lang namin galing sa trabaho.Nauna na akong pumasok sa loob ng bahay at dumeretso sa kusina dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw. Sumunod siya sa akin. Kumuha ako ng baso at tumungo sa dispenser. Kanina ko pa siya hindi pinapansin dahil naiinis parin ako sa inasta niya kanina sa opisina.
"Bri" masuyong tawag niya.
Pagkatapos kong uminom ay lumabas na ako sa kusina para umakyat sa kwarto. Naramdaman ko ang pagsunod niya parin sa akin hanggang sa pumasok ako ng closet. Gaya ng nakagawian ko pagkatapos kong maghubad ng blouse ay tinitignan ko ang tiyan ko sa mahabang salamin sa walk in closet ni Bryan.
Hinaplos ko ang medyo may umbok ko nang tiyan. Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malapad na dibdib ni Bryan at paggapang ng kamay niya sa tiyan ko. Hinayaan ko siyang haplosin ito.
"Medyo lumalaki na siya" kita ko mula sa repleksyon naming dalawa sa salamin ang nakalarawang saya sa mukha ni Bryan habang hinahaplos ang tiyan ko.
Umalis siya sa harap ko at lumuhod sa gilid. Pinaharap niya ako sa kanya para magpantay ang mukha niya sa tiyan ko.
"Baby, tell your mom to talk to me. Daddy's sad" hinalikan niya ang tiyan ko at inilapit ang pisngi niya dito.
Pagkaraan ay bumaba na rin siya para magluto. Tanging tunog lang nang kubyertos ang maririnig na ingay sa gitna namin. Pagkatapos naming tahimik na kumain ay nauna na akong tumungo sa sala at binuksan ang tv. Nagpaiwan siya para ligpitin ang hapag. I let him be.
Mayamaya ay umupo rin siya sa tabi ko. Nagulat ako nang humiga siya sa kandungan ko, nasa tiyan ko ang mukha niya.
"May naisip ka na bang pangalan ng baby natin?" excited niyang tanong.
Humalukipkip ako at sumandal sa sofa. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Mga hanggang kailan pa yung tampo mo?" tanong niya ulit. Halatang nagpapansin.
"Ba't ganon, kunting lambing at yakap niya lang bumibigay ako. Kung siya may deadline pa yata" bulong niya sa tiyan ko.
Tiningala niya ako. "What exactly did I do or say that pissed you off? So that I could properly apologize to it" nakatutok ang mata ko sa tv para hindi ako maaapektuhan ng nagmamakaawa niyang mukha.
"Bri" tawag niya.
"Everything" mahinang wika ko at nagkibit balikat.
Umayos siya ng upo sa tabi ko at inabot ako para ako naman ang pinaupo niya sa kandungan niya.
"Sorry na" pakiusap niya, hinuhuli ang paningin ko.
"Why did you want me to resign?" I asked in a mellow voice.
"Sorry. I didn't mean it. Nag aalala lang ako sa inyo ni Baby. You don't have to if don't want to." mahinahon niyang saad. He gently pulled my head to his chest and hugged me. "Stop sulking already, please. Hug na." paglalambing nito na parang bata yung kinakausap.
I rolled my eyes and slowly encircled my arms to his waist. He kissed my head.
"Hendrix said earlier it wasn't your obligation to photocopy those papers. Who asked you to do that?" mahinahon niyang tanong. Kinabahan ako bigla. Mga ganyang tono ni Bryan mukha may mga ideyang namumuo sa utak niya bago pa ako tanungin.

ŞİMDİ OKUDUĞUN
ML Story (iM eLove)
Kısa HikayeIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...