52

60 44 29
                                        


Halos tatlong araw kong iniisawasang magtagpo ang landas namin ni Bryan sa kompanya. Hindi na rin ako nagagawi sa palapag ng opisina ni Mr. Javier. He went to the department last last day and yesterday but I jailed myself in the pantry or in the bathroom.



I purposely avoided our paths to cross. Sobrang nagiguilty ako sa nangyari. Kahit sina Ma'am Claire at si Sheena iniiwasan ko sa sobrang kahihiyan.




I wonder if Sheena knows about what happened but of course Bryan won't tell her to keep their relationship. Palagi ko parin naman silang nakikitang magkasama at mukhang wala naman problema. Buti naman.




Bandang hapon na nang pinatawag ako ni Mr. Tuazon sa opisina niya. Ipinagdasal ko na sana hindi niya ako uutusan maghatid ng dokumento o anu pa man sa CEO'S office.




Pagpasok ko ay abala si Mr. Tuazon sa laptop niya.




"Miss Perez please bring this to the office of engineering, this is the budget request that has been approved by the CEO." Inabot niya sa akin and isang folder na naglalaman ng request report ng engineer, probably for the new project.




Ewan ko kong magpapasalamat ako dahil hindi sa executive office ako inutosan o mangamba dahil may posibilidad na magkasalubong kami ni Sheena.




Ang alam ko lagi siyang nasa site para isupervise ang mga engineers pero hindi ko parin maiwasang mangamba.




"Okay po Sir"





"And before I forget, dumeretso ka na sa CEO'S office. Mr. Javier wants to talk to you" para namang tinakasan ng kulay ang buong mukha ko. Napatigil ako sa akmang pagpihit ng siradura ng pinto.




"O-okay po Sir" napapikit ako sa sobrang kabog ng dibdib ko. Ito talaga yung iniiwasan ko.




Kalma Bri! Hindi kayo magkakasalubong. Nag isip ako ng paraan para hindi kami magkasalubong ni Bryan. I tried to picture out the area of the top floor, kung saan ako pweding dumaan o magtago.





Idinaan ko ang ang budget report sa engineering office bago tumungo sa executive floor. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko nakita si Sheena.





Hindi mahinto ang malakas na kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa numero ng mga palapag sa loob ng elevator. May mangilan ngilan akong kasama sa loob pero mag isa lang akong lumabas sa pinakamataas na palapag.





Pinakalma ko muna ang sarili bago ako lumabas. Nakiramdam ako sa buong paligid na parang anu mang oras ay may aataking kalaban. Napapraning na talaga ako!





Alanganin akong ngumiti kay Angela dahil hindi ako mapakali. "Mr. Javier is expecting you inside" inilahad niya sa akin ang pinto ni Sir Timothy. Tamango naman ako dali daling tumungo sa pinto, baka pag nagtagal pa ako dito sa labas bigla nalang yun susulpot.





Kamatok ako ng tatlong beses at tarantang pumasok.




"G-good aftern-" I'm still disoriented when I realized who's inside the CEO'S office. Napako ako sa kinatatayuan ko at para akong lumulutang sa kaba habang nakatanaw sa likod ni Bryan, may kausap ito sa telepono.




Dahan dahan akong umatras bago tumalikod para umalis. Sana hindi niya ako mapansin. Piping dalangin ko.




"If you think you can avoid me forever, you're wrong Perez!" isang baritonong tinig ang nagpahinto saakin nang akma kung bubuksan ang pinto. Hindi ako lumingon.





"Don't make me count, you won't like it! Come here!" halata ang pagpipigil niyang sigawan ako. Binaba ko ang nanlalamig kong kamay bago ako dahan dahang lumingon.





Nakayuko akong lumapit sa lamesa niya pero ramdam ko ang mariing titig niya.




"W-what do-"



"I'm wondering why you're avoiding me, hmm" dahan dahan siyang umikot sa lamesa hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa harap ko. Itinaas niya ang baba ko para magkasalubong ang mata namin. Kita ko ang pinipigilang galit sa mata niya.




"Is it because of what happened to us after the party?" he tilted his head and stared at me directly in my eyes, like reading my soul.




Umiwas ako ng tingin, hindi ko matatagalan ang mabibigat niyang titig. I was like a criminal interrogated by the best investigator. Na kunting pitik lang ng mga mata ko mahuhuli niyang may tinatago ako.




"W-wala...w-walang nangyari" I denied, whispering. I prayed to all the saint that he didn't remember anything that next morning.




Umismid siya. "Walang nangyari?! Will you explain the blood stains left on the bed sheet then?!" singhal niya sa akin. Alam kong nagtitimpi siyang sigawan ako.




"B-baka ibang babae ang dinala mo don? Hindi mo lang maalala dahil sa sobrang kalasingan mo!" I tried to brave in front of him, I can't back down now.




Napailing siya, tumaas ang gilid ng labi niya na parang nang uuyam. "How do you know that I'm drunk that night? Did you taste the liquor in my mouth!" he scoffed.




"I don't know what you are talking about Mr. Javier! Kung wala ka pong kailangan babalik na po ako sa trabaho" I started to walk away but he's too fast to held me in place.





"Why did you left?" he whispered. Kalaunay natawa. "Kulang nalang mag iwan ka ng pera sa lamesa. I felt so used, pagkatapos masarapan, mang iiwan!! Kala ko ba karamihan lalaki yung tumatakbo, nag iba na pala." halata ang sarkasmo sa boses niya. Sobrang sama rin ng tingin nito sa akin.





"Hindi ko alam yung sinasabi mo!" I tried hard to deny. Kinuha ko ang braso ko sa pagkakahawak niya pero hinigpitan niya ito.




"Damn it Brianna! Wag mong ubusin ang pasensiya ko! Go home, Papanagutan kita!" sigaw niya niya na nagpatigagal sa akin. Halatang ubos na ang iniingatang pasensiya niya.




Pero ang labis na kumuha ng atensyon ko ay yung sinabi niyang papanagutan niya ako! Anu? Iiwan niya niya girlfriend niya dahil may nangyari sa amin? Hindi ata kaya ng konsensiya ko na may masirang relasyon dahil lang sa isang gabing pagkakamali.





"What?! No way! That was just a stupid mistake!" pagkakamaling higit kong pinagsisihan hindi dahil kay Bryan ko ito ibinigay kundi dahil may taong masasaktan sa nangyari. May Sheena kaming masasagasaan.





Mas lalong nanlisik ang mata ni Bryan at sobrang higpit na rin ng hawak niya sa braso ko. Binitawan niya ang braso ko ng makita niyang napangiwi ako. Hinampas niya ang lamesa gamit ang dalawang kamay na nagpatalon sa akin.




"Mistake?! Damn! O dahil meron ka lang taong ayaw masaktan?" malumanay niyang tugon, maririnig ang lungkot sa boses niya.




"I-I'm sorry...hindi ko s-sinasadya"  I really do. The least thing thing I want to do right now was to wreck a relationship, damn! It's not even in my list to wreck a relationship. "I-I won't tell anything, w-we can just hide what h-happened between us and pretend-" naiiyak kong pahayag. It's the only solution that comes in, to hide anything and pretend like nothing happened.




Bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay napatalon ako sa gulat nang tadyakan niya ang visitor's chair sa harap ng lamesa at pinukol ako ng masamang tingin.




"Tangina! Naririnig mo ba yang pinagsasabi mo?!" galit niyang sigaw, nilukob ako ng takot kaya natigilan ako. Nahalata naman niya ang takot ko kaya naging malumanay ang ekspresyon ng mukha niya. "Brianna.."




Napaurong ako ng isang hakbang ng lumapit siya sa akin. Bago pa siya tuluyan lumapit ay bumukas ang pinto ng opisina. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ni Sheena.



"What's happening here?"



Ito na nga ba ang iniiwasan ko.



_🖋

ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now