Nasa ganong tagpo pumasok si Bryan. Bumaba ang tingin nito sa kamay kong hawak ni Aries. Napansin kong maliban sa bitbit nitong plastic ng vitamins ay may bitbit rin siyang supot na tingin ko ay pagkain.Binati niya muna si Vince at Shane bago pinatong ang mga platic sa lamesa. Lumapit siya sa kama ko, hindi ako nakapalag nang patakan niya ako ng halik sa gilid ng labi ko. Palihim ko siyang tiningnan ng masama. Dahan dahan namang umalis si Aries sa kama ko.
"C'mon, you need to eat first" he whispered softly. Wala manlang siyang pakialam sa paraan ng pagtingin ko sa kanya.
"I need to see my family, now kung ayaw mo akong dalhin don, I'll go there alone!" pagmamatigas ko. Hinilot niya ang ilong niya.
"Please..I'll bring you to your father's room later. Sa ngayon kailangan niyo munang kumain ni Baby, hindi ka pa naglunch" pag aamo niya sa akin. Napahawak ako sa tiyan ko pagbanggit niya ng baby, oo nga pala! Hindi lang pala dapat sarili ko ang iniisip ko ngayon dahil may buhay na umaasa sa akin.
Inilapit niya ang pagkaing dala niya sa akin. Akmang susubuan niya ako pero kinuha ko ang kutsara sa kamay niya.
"Kaya ko!" mataray kong saad. Anu bang ginagawa niya? Sa harap pa kami ng mga kaibigan ko.
"Bri, sa room muna kami ni Tito" paalam ni Shane. Sumunod naman ang dalawa sa kanya.
Naramdaman ko ang pagsakop niya ng buhok ko paghigop ko ng sabaw. Pinahid ko ang gilid ng labi ko at tiningnan siya.
"Wala ka bang trabaho?" halos buong araw na siyang nandito.
"Uunahin ko pa ba ang trabaho matapos kong malaman ang kalagayan mo?" tila naiinis niya sagot.
"Panu mo nalaman?" walang ganang tanong ko.
"Nandon ako kanina nong hinimatay ka, kakarating ko lang"
"Panu mo nasisiguradong sayo to?" I formed my eyes into a slit, challenging him. Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha niya. He pursed his lips.
"Is this a part of pregnancy? The doctor warned me about this" he whispered to his self. I wetted his lips and stood up, naiinis naman ako.
"Panu kung hindi sayo to?!"
"Anong hindi sa akin?! Anu ginawa mo yan mag isa?" inis niya ring balik sa akin at kumuha ng mansanas para balatan. Hindi ako umimik, I don't know why I am striking a fight towards him, I just want to pester him.
Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa hanggang sa bumalik siya sa tabi ko at inilahad ang nakaslice ng mansanas. Wala ring bakas ng pagbibiro a rahan sa mukha niya, tila naiinis sa huli naming diskusyon.
"N-nasabi mo na ba sa magulang mo?" nakangiwi kong pagbubukas ng topiko. Alam kong sa tanong ko ay kinumpirma ko ng sa kanya na siya ang ama ng pinagbubuntis ko kahit hindi ko naman kailangang kompirmahin.
Isa pa sa kinakatakutan ko ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Bryan. Anu kayang magiging tingin nila sa akin?
"Hindi pa. I'm actually waiting for you to decide." seryoso parin ang mukha niya. "Baka ako na naman titirahin kapag nagdesisyon akong mag isa" bulong niya.
"W-wag muna" I bit my lower lip.
"Why?" nakakunot noong tanong niya.

BINABASA MO ANG
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...